SENATOR Ronald ‘Bato’ Dela Rosa
CRESILYN CATARONG
MARIING iginiit ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na isinusulong pa rin nito na mapasa ang death penalty sa bansa.
Ito ang inihayag ng senador sa naging panayam ng Sonshine Radio.
Sa gitna ng mga kontrobersiyang nagaganap sa bansa ay hindi pa rin nawawala ang usapin ng iligal na droga maging sa loob ng New Bilibid Prison.
Dagdag pa ni Dela Rosa, hindi matitigil ang mga ganitong gawain kung hindi tuluyang masusugpo ang mga drug lord sa bansa.
Ibinahagi rin ni Dela Rosa na isang patunay ang naging pagpatay kamakailan kay Atty. Frederick Santos na matatandaang nagbunyag sa mga anomalyang nangyayari sa loob ng Bureau of Correction.
Sa ngayon aniya ay hindi pa rin umuusad ang panukala niyang ito sa Kongreso.