Pinas News
INAASAHANG sa Agosto 2019 matatapos ang kontruksyon ng isa sa mga venue ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10 sa New Clark City, Capaz, Tarlac.Ito ay tinaguriang smart, green at resilient metropolis na siyudad sa bansa, na magiging sports hub para sa pagsasagawa ng biennial meet.
Ayon kay Vince Dizon, presidente ng Bases Conversion and Development Authority, kampante sila na maayos na matatapos ito dahil kasama nilang gumagawa ng venue ang mga world class planners buhat sa Japan at Singapore.
Kabilang sa itinatayo sa New Clark City ay ang athletic stadium na may 400-meter 9-lane standard track at may 20,000 seating capacity na aprubado ng International Association of Athletics Federation.
Ginagawa na rin ang titirahan ng mga atleta at opisyal sa darating na SEA Games, ang Athlete’s Village na may kabuuang 2,100 na tulugan.