CARMELO Anthony
YNA MORTEL
NAGLARO na para sa koponan ng Portland Trail Blazers ang star player na si Carmelo Anthony.
Sa kaniyang bagong simula sa team ay isinuot nito ang jersey number 00.
Kamakailan nang lumagda ng non-guaranteed contract si Carmelo sa Blazers na tatagal lang hanggang Enero 2020.
Sakaling lumagpas sa takdang buwan ang manlalaro ay magiging opisyal na ang kontrata ni Anthony sa Trail Blazers.
Sa debut game para sa Portland ni Carmelo ay nagtala ito ng sampung puntos at 4 rebounds.
Bigo namang manalo ang koponan kontra New Orleans Pelicans kung saan nagtapos ang kanilang kaharapan sa iskor na 115-104.