MAY-AKDA na si J.K. Rowling kasama sina Emma Watson (Hermione Granger), Daniel Radcliffe (Harry Potter), Rupert Grint (Ron Weasley).
Ni: Kristine Joy Labadan
NAKAMIT ng serye ng Harry Potter ang isang malaking tagumpay ngayong taon sa pagtatala ng mahigit 500 milyong libro na naibenta sa buong mundo at naisalin sa 80 lengguwahe.
TUNAY NA BIDA – JOANNE KATHLEEN ROWLING
Maraming taon na ang nakalipas mula nang mangarap ang isang babaeng manunulat, si Joanne Kathleen Rowling, na bumuo ng kwento tungkol sa isang batang salamangkero.
Sakay ng tren na byaheng London patungong Manchester at kapos sa salapi, isinulat kamay niya ang manuskripto sa ilang kapehan sa Edinburgh habang kasama ang anak na sanggol. Natapos niya ito noong 1995.
Matapos makatanggap ng maraming pagtanggi na ilathala ang kanyang kwento, ang Bloomsbury ang tumanggap nito at nag-imprinta ng 500 na kopya noong Hunyo 26, 1997.
Matapos noo’y naging mistulang mahika ang naging buhay ng libro at ng awtor nito. Ang ungang libro, ang Harry Potter and the Philosopher’s Stone, ay nasundan pa ng anim hanggang sa umabot ng 500 milyong kopya ng serye ang bumenta sa buong mundo.
May 20 taon na ang nakakalipas mula nang madiskubre, ng mga mambabasa sa buong mundo ang daigdig ng mahika ni Harry Potter na isinulat ni JK Rowling. May 500 milyong kopya na ng serye ang naibenta mula noon. Ibig sabihin nito’y isa sa bawat labinlimang tao sa buong mundo ang nagma-may ari ng Harry Potter na libro. Bukod sa pitong naunang libro sa serye, mayroon pang tatlong kaugnay na librong sumunod na naimprenta at may bersyon din na e-books. Naisalin din sa anim na pelikula ang serye.
DALAWANG personalidad na nagkwento ng Harry Potter audiobooks, sina Jim Dale (kanan) at Stephen Fry (kaliwa)
SIMULA NG MAHIKA
Bukod sa 80 na lengguwahe, patuloy pa ang pagsalin ng serye sa iba pang lengguwahe tulad ng Albanian, Azerbaijani at Hebrew sa patuloy pagbukas sa maraming pang mambabasa ng mundo ni Harry Potter.
Sa katunayan, ang pitong libro ng serye ay naglalaman ng higit kumulang na isang milyong mga salita — 1,100,086 bilang tiyak na numero — kasama na ang mga inimbentong salita mismo ng manunulat tulad ng “muggle” at “Quidditch,” na pumapasok na rin sa pang araw-araw na lengguwahe.
Sa kabila ng pagiging hindi makatotohanang mundo ng Hogwarts na laging mananatili sa ating mga imahinasyon, ang mga karakter sa libro ay nakararanas naman ng mga pagsubok na hango sa totoong buhay— ang pangungulila, pagkalungkot, pag-uusig, selos, hindi nasusukliang pagmamahal, pagkakasala, pagka-api, atbp.
Isa na sa dahilan ng tagumpay ng serye ay kung paano umuunlad ang mga karakter sa kabila ng kumplikadong karanasang pinagdadaanan ng mga ito na sumasabay rin sa pagsibol ng kaisipan ng mga mambabasa. Gayunman, ang mga pakiwari at impresyon sa unang pagkakakilala sa mga karakter ay masusubukan ng mga pangyayari at rebelasyon sa libro.
PAGTATANGHAL ng mga Harry Potter na libro mula sa internasyonal na British Library exhibition Harry Potter: A History of Magic.
IBA PANG TAMPOK NA BERSYON
Hindi rin naman surpresa sa lahat na ang mismong unang libro sa serye ng Harry Potter na pinamagatang Harry Potter and the Philosopher’s Stone ang pinakamabentang libro sa pito. sa kabilang banda, Harry Potter and the Deathly Hallows, ang pang-pitong libro sa serye, ang pinakamabilis na libro ng piksyon na naibenta sa lahat.
Hindi lamang ang mga libro at eBooks na Harry Potter ang dinudumog ng mga tao kundi pati ang audiobooks ay marami ring tagpakinig. Ilan sa mga kilalang personalidad na may talento sa pagbibigay boses ng kwento ng Harry Potter ay sina Jim Dale at Stephen Fry. Kung itatangi ang audiobooks, higit apat na milyong minuto ng Harry Potter na ang nakonsumo sa kabuuan nito mula taong 2016.
Sa kabila ng naabot nang tagumpay ay hindi pa nagtatapos ang patuloy na paglago ng libro sa larangan ng paglalathala ng mga bagong saling mga libro sa iba’t-ibang lengguwahe, mga edisyon na maaaring kolektahin, bagong sining sa mga gamit at damit, at kahit mga dibuho ng mga sikat na artista na ipinapakita sa atin ang ating mga paboritong karakter sa kamangha-manghang mga anggulo.
PAGDIRIWANG KASAMA ANG MAHIKA
Kaugnay naman ng paggunita ng ika-dalawampung kaarawan ng libro sa US, ang unang libro ng Harry Potter ay magkakaroon ng panibagong paglalakbay ngayong taon katulong ang Scholastic at Pottermore sa paghahanda ng malaking anibersaryo kaugnay ang mga tindahan ng aklat, mga silid-aklatan, eskuwelahan, kasiyahan, at pag-komisyon sa kilalang magaling na artistang si Brian Selznick bilang lilikha ng bagong pabalat ng libro.
Ilan sa mga kaganapan ngayong 2018 para sa pagbubunyi ng libro ay ang tampok na palabas sa Broadway na Harry Potter and the Cursed Child na gaganapin ngayong tagsibol, ang ng paglunsad ng eksibisyon na Harry Potter: A History of Magic na matatagpuan sa New-York Historical Society ngayong Oktubre.
Hindi rin dapat kaligtaan na kaugnay ng lahat ng ito’y ipapalabas na sa mga sinehan ang ikalawang pelikula ng Fantastic Beasts ngayong Nobyembre na may titulong Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald.
Pagpapatunay lamang kung sabihin na matapos ang 20 taon at 500 na mga libro, nagagawa pa rin tayong paglakbayin ng Harry Potter sa ibang uniberso sa pamamagitan ng mga pahina nito. Ito ang mga dahilan kung bakit habambuhay natin ‘tong babasahin at patuloy na ipapasa pa sa mga susunod na henerasyon.