Pinas News
Bukas ang Gilas Pilipinas coach na si Yeng Guiao na humarap sa Australia at New Zealand para sa tuneup games bago ang FIBA world cup sa China
Opsyon para kay Guiao na magkaroon ng pocket tournaments o isang serye ng friendly games dahil hindi naman maglalaro ang Gilas sa William Jones Cup sa Chinese Taipei ngayong Hulyo.
Nais ni Guiao na magkaroon ang kanyang koponan ng kahit tatlong buwan para paghandaan ang nalalapit na FIBA World Cup.
Samantala, napabilang ang Gilas sa Group D na maglalaro ng unang round games nito kasama ang mga bansa ng Italy, Serbia at Angola sa International Sports and Cultural Arena sa Foshan.
Tatagal naman ang FIBA World Cup mula sa Agosto a-trenta’y uno hanggang Setyembre a-kinse ng taong ito.