POL MONTIBON
Target ng National Housing Authority o NHA na mabigyan ng temporary shelters ang mga internally displaced persons o IDPS ngayong Setyembre na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa mga evacuation centers sa Marawi City.
Ang transitional shelters ay ipapagamit nang libre sa mga IDPS na dating nakatira sa loob ng war zone.
Ayon sa NHA gagamitin ng mga IDPS ang mga temporary shelters sa loob ng lima hangang pitong taon habang ginagawa ang bahay na nasira ng digmaan.
Bukod sa temporary housing program, mahigit sa tatlong libong permanent housing din ang itatayo ng NHA sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor.