Binili ng isang malaking kumpanya ng marijuana ang isang bayan sa Amerika sa pag-asang makapagtayo ng isang “marijuana mecca.”
Pinahayag ng American Green Inc. na nakabase sa Arizona na binili nito ang bayan ng Nipton, California na may planong gawin ang naturang lugar na isang marijuana-friendly tourist outpost.
Kabilang sa binili ng naturang kumpanya ang 120-hectare property na may tindahan, isang hotel, gusali ng paaralan, at paliguan sa halagang $5 milyon at plano rin nitong gumastos ng $2.5 milyon para sa pagpapaunlad sa naturang lugar.