• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - March 07, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

NLEX

DOTr, DILG, PNP-HCG nagsanib-pwersa laban sa trapiko

March 26, 2019 by Pinas News

DOTr, DILG at PNP-HPG magsasanib-pwersa upang labanan ang trapiko sa bansa.

 

Ni: Jonnalyn Cortez 

UPANG ibsan ang lumalalang kaso ng traffic sa bansa, nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Interior and Local Government (DILG) and isang Memorandum Agreement na magtatalaga sa Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) bilang enforcement arm ng DOTr.

Pinirmahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade at DILG Secretary Eduardo Año ang kasunduan na binibigyan ng karapatan ang PNP-HPG na magpatupad ng mga batas trapiko at regulasyon sa buong Metro Manila at kalapit na rehiyon na susuportahan din ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT).

Sa ilalim ng memorandum, magtatalaga ng 300 unipormadong tauhan ang PNP-HPG — 25 Police Commissioned Officers at 275 Police Non-Commissioned Officers — sa National Capital Region (NCR) at Regional Units na siyang magbibigay ng logistical mobility support upang palakasin ang enforcement operations ng i-ACT.

Makikipag-ugnayan din ang PNP-HPG sa DOTr at mga ahensiyang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang siguraduhin ang epektibong pagpapatupad ng kasunduan.

Gagamitin ng PNP-HPG ang kanilang logistical resources na binubuo ng 24 sasakyan at 82 motorsiklo upang ipatupad ang batas trapiko. Itatalaga naman ng DOT ang lahat ng tauhan ng LTO, LTFRB, at i-ACT Secretariat, kabilang din ang kanilang mga sasakyan at motorsiklo bilang tulong.

“Sabi ng ating Pangulo, ‘give the Filipino a comfortable life.’ Nandito tayo ngayon sapagkat sa ating panunumpa sa lengguwahe ng ating Pangulo, tayo ay magsisilbi sa Pilipino upang ang ating kapwa Pilipino ay magkaroon ng maayos na buhay. And we will inculcate that comfortable life through enforcement and discipline on the road, and through proper compliance with the law,” wika ni Tugade.

Inilahad din ni Tugade na nagmula sa dating HPG chief at kasalukuyang LTFRB Board Member Antonio Gardiola ang ideya ng paggawa ng memorandum sa pagitan ng DILG at DOTr.

“Nung bago pa si General Gardiola, wala pang dalawang araw, sabi ko sa kanya, ‘General Gardiola, gusto ko ituloy mo ang partnership between PNP and the Department of Transportation. Gusto ko, paigtingin mo at bigyan ng lakas ‘yung tinatawag na enforcement.’ In barely two weeks, tinawagan ko si Secretary Año, sabi ko, ‘kailangan ko kayo’,” paglalahad ni Tugade.

Kinilala naman ni PNP Chief /Director General Oscar Albayalde ang kasunduan.

“I am pleased to announce the signing of Memorandum of Agreement by and between the Philippine National Police, Department of Transportation, MMDA, Metro Manila Council, LTO, LTFRB and Coast Guard to further strengthen the enforcement capabilities of the Inter-Agency Council for traffic or I-ACT, through the support of the Department of Interior and Local Government,” pahayag ni Albayalde.

Pamumunuan ng DOTr ang pagtatalaga ng hepe ng i-ACT Task Force, na siya namang magiging responsable sa pag-deploy ng mga PNP-HPG personnel at logistical support sa kanila-kanilang post.

Sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang kasunduan, kailangang makapagtatag ng isang Inter-Agency Technical Working Group upang bumuo ng implementing guidelines.

Nagpaabot din ng tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa operasyon ng i-ACT nang magpadala si PCG Commandant Admiral Elson Hermogino ng 25 tauhan, na pawang mga bagong graduate na sumailalim sa training sa LTO bilang paghahanda sa kanilang field assignment.

Isasatupad ng i-ACT ang paghuli sa illegal public utility vehicles (PUVS) o mas kilala sa tawag na colorum upang siguraduhin ang kaligtasan sa kalsada ng publiko.

Agad na epektibo ang bagong tungkulin ng PNP-HPG matapos pirmahan ang memorandum.

NLEX-SLEX Connector Road i-improve ang paluluwagin ang koneksyon ng NLEX at SLEX.

 

Two Roads Pproject  

Ilang hakbang na ang ginawa ng gobyerno upang solusyunan ang trapiko sa bansa, kabilang na rito ang pagtatayo ng dalawang bagong road projects — ang NLEX Harbor Link Segment 10 at NLEX-SLEX Connector Road.

“We are glad that this traffic decongestion project is now open to our motorists. The NLEX Harbor Link Segment 10 validates the Duterte administration’s promise to bring real change by providing travel convenience and strongly enhancing our service to the Filipino people,” wika ni Public Works Secretary Mark Villar.

Inaasahang mas mapapadali ang biyahe dahil sa bagong koneksyon sa pagitan ng mga pangunahing lugar sa Metro Manila at probinsya sa Northern Luzon dahil sa NLEX Harbor Link Segment 10. Ang expressway ay may habang 5.65 kilometro na binabaybay ang mga lungsod ng Valenzuela, Malabon at Caloocan. Paiikliin nito ang oras ng biyahe sa pagitan ng C3 at NLEX ng limang minuto.

Nakikitang susulosyunan ng NLEX Harbor Link Segment 10 ang matinding traffic sa Metro Manila pag lumipat ng daanan ang halos 30,000 sasakyan araw-araw. Makakatulong din ito sa mabilis na paghahatid ng pagkain at magkakaroon ng ibang access ang mga cargo trucks mula sa port area papuntang sa Northern Luzon.

Ang susunod na bahagi ng proyekto ay ang paggawa ng 2.6 km section mula sa C3 Road, Caloocan City, papuntang R10, Navotas City.

Sinabi ni Manuel V. Pangilinan, chairman ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), na siyang nasa likod ng proyekto, na ikinatutuwa ng MVP Group ang tulong na ginagawa ng gobyerno upang mapabilis ang paggawa ng mga importanteng proyektong imprastraktura.

“Apart from our team’s commitment to support the administration’s Build Build Build program, the government’s help in ramping up the acquisition of right-of-way made us deliver this vital infrastructure which aims to bolster development and ease traffic congestion in the country,” wika ni Pangilinan.

Kasabay ng pagbubukas ng NLEX Harbor Link Segment 10, nagsimula na ang dalawang taong konstruksyon ng P23.3 bilyon na NLEX-SLEX Connector Road Project.

May haba itong walong kilometro, at tulad ng NLEX Harbor Link Segment 10, isa rin itong elevated highway na malapit sa PNR na pinaabot ang NLEX southward mula sa dulo ng Segment 10 sa C3/5th Avenue, Caloocan City, hanggang sa PUP Sta. Mesa, Manila.

Inaasahang luluwag ang mga pangunahing daan at i-improve ang koneksyon sa pagitan ng north at south.

NLEX Harbor Link Segment 10 susulosyunan ang matinding traffic sa Metro Manila sa pagkokonekta ng mga pangunahing lugar sa Metro Manila sa ibang probinsya.

 

“NLEX Harbor Link Segment 10 and NLEX Connector are just some of Metro Pacific’s expansion projects geared towards providing further convenience to motorists and bringing more opportunities in nearby cities and provinces,” pahayag ni MPTC president at CEO Rodrigo Franco.

“The inauguration of the NLEX Harbor Link Segment 10 and the groundbreaking of the NLEX Connector show the political will of the government and the solid partnership between public and private sectors,” dagdag ni NLEX Corp. president at general manager Luigi Bautista.

Decongestion, sagot sa problema 

Sa isang palabas sa Facebook at YouTube na pinamagatang “Misconsensus: The Politics of Things,” tinanong si Senador Juan Ponce Enrile kung anong mainam na pampublikong transportasyon ang makakaresolba sa lumalalang traffic sa Maynila.

Pinili niya ang paggamit ng BRT o Bus Rapid Transit bilang pinaka-mainam na pantugon sa problema ng trapiko. Ngunit, hindi umano mahalaga kung ano ang maaaring pagpiliang masasakyan dahil ang problema ay structural.

“You can build all the infrastructure in Metro Manila you want, but if you do not decongest it, it will remain a dying city,” pahayag ni Enrile.

“We’ve piled up economic activities and people here (in Metro Manila). It’s very dangerous,” dagdag pa nito.

Pambansa Slider Ticker Caloocan Department of Interior and Local Government (DILG) Department of Transportation (DOTr) DILG Secretary Eduardo Año DOTr Secretary Arthur Tugade Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) Jonnalyn Cortez Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Land Transportation Office (LTO) LTFRB Board Member Antonio Gardiola Malabon Manuel V. Pangilinan MPTC president at CEO Rodrigo Franco National Capital Region (NCR) Navotas City NLEX PCG Commandant Admiral Elson Hermogino Philippine Coast Guard (PCG) Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) PINAS PNP Chief /Director General Oscar Albayalde public utility vehicles (PUVS) SLEX Valenzuela

Napakalaking problema sa trapik, may solusyon na!

February 20, 2018 by Pinas News

Ni: Noli Liwanag

NAPAKALAKING problema ng buong Metro Manila sa bawat kalsada nito na sinakop ng mga kotse, bus, jeepney at tricycle. Napakahaba ang mga stranded na sasakyan at walang magawa ang mga motorista kundi maghintay na humupa ang buhol-buhol na mga sasakyan lalung-lalo na sa kahabaan ng EDSA (AH26).

Walang humpay ang pa-nawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na magtulungan, maging maunawain at habaan ang pasensiya sa inaasahang “paglala” ng trapiko sa Kalakhang Maynila dahil sa iba’t ibang proyektong imprastruktura na programa at proyekto ng gobyerno.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, kailangang magtulungan ang lahat upang mabawasan kahit paano ang epekto ng trapiko na inaasahan ngayong taon dahil sa konstruksiyon na proyekto ng Department of Transportation (DOTr) tulad ng extension ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1 hanggang Cavite at ng LRT-Line 2.

Ayon sa DOTr, uumpisahan na rin ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 7 at North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link Segment 10 sa Caloocan City, gayundin ang pagpapagawa sa ilang tulay.

MGA MALL OPERATORS, KAISA NA MAIBSAN ANG TRAPIKO

Hinihikayat ng MMDA ang mga mall operators, partikular ang mga nasa EDSA, na nakasentro sa four commercial districts tulad ng Cubao, Quezon City Central Business District, Makati Central Business District at Ortigas, na palawigin ang implementasyon ng adjusted mall hours na napatunayang epektibo upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.

May kasunduan ang MMDA sa mga shopping mall na i-adjust ang kani-kanilang ope-rasyon mula 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi, habang ang delivery hours ay simula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Noong Oktubre 15, nakaraamg taon naging epektibo ang nasabing kasunduan, hanggang noong nakaraang Enero 15, 2018.

Ayon sa MMDA, sa pamamagitan ng umiiral na adjusted mall hours ay bumilis  ng 10 porsiyento ang trapiko sa mga pangunahing lansangan.

 

MALA-SARDINAS NA LANSANGAN AT PASAHERO LULUTASIN NG SUBWAY PROJECT – DR. JAMES DEE

Nagbigay ng magandang suhestiyon si Dr. James G. Dy, president and CEO of CGHMC, isa sa ipinaliwanag nito na halos 10 taon na niyang nabanggit na dapat magkaroon ang bansa ng subway.

Ayon kay Dr. Dy, para matapos o mabawasan ang kinakaharap na problema ng Pinas sa masikip na trapiko at siksikan ng mga pasahero sa Metro Manila, kailangang magkaroon ng subway tulad ng ilang karatig bansa sa Asya na hindi pinoproblema ang trapiko.

Marami na ang namuno sa ating bansa, at ngayon lang matatapos ang paghihirap ng sambayanang Pilipino sa problemang transportasyon sa pamamagitan ng proyektong Metro Manila Subway at iba pang proyektong pangkalsada at transportasyon.

P355.6-B APRUBADO NG NEDA

Matatapos na ang pro-blema ng mga mananakay sa siksikang pagbibiyahe bago sumapit ang 2025 o walong taon mula ngayon. Ang unang bahagi ng proyektong subway ay magsisimula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City.

Sa ngayon, aabutin ng ta-tlong oras ang biyahe sa lansangan, sa subway, tatagal lamang ng 30 minuto ang biyahe, ayon sa mga nagplano ng proyekto.

Nagsimula na ang gobyerno para sa ikabubuti ng mamamayan, sa pamamagitan ng subway na may P355.6-bilyong pondo at aprubado ng National Economic and Deve-lopment Authority (NEDA), at planong dugtungan ito mula sa Caloocan City hanggang sa Dasmariñas City, Cavite.

Matatandaan na maraming planong palakihin at dagdagan ang mga kalsada sa Metro Manila na hindi pa rin nakukumpleto hanggang ngayon.

Ilang taon nang ginagawa ang elevated highway na nag-uugnay sa North at South Expressways, nakapagitna sa siksikang trapiko ang mga wala pang porma na istruktura nito, subalit mistulang naantala ng hindi pagkakasundo sa right of way ang pagkumpleto sa proyekto.

Ang mga bagong proyekto tulad ng subway, na pinondohan ng bilyong pisong utang sa Japan International Cooperation Agency (JICA) ay may mababang interes na 0.10 porsiyento kada taon, at babayaran sa loob ng 40 taon.

Gayunman, mahalagang tiyakin ng mga nagpaplano ng proyekto na hindi maaantala nang ilang buwan o taon ang mga schedule dahil lamang sa ilang problemang tulad ng right of way.

Inaasahan nating masisilayan na natin ang elevated expressway mula sa SLEX hanggang NLEX sa loob ng isa hanggang dalawang taon. Pagkatapos nito, aasahan naman natin ang subway system na dapat na magagamit na sa 2025, kung lalong magpupursige ang mga opisyal ng bayan ng ating mga pampublikong pagawaan kumpara sa mga pinalitan nila.

KONSTRUKSIYON NG METRO MANILA SUBWAY 

Ipinaliwanag ni DOTr Secretary Arthur Tugade na uumpisahan na ang konstruksiyon ng Metro Manila Subway project.

Ayon kay Sec. Tugade, sisimulan ang proyekto sa Mindanao Avenue, Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Parañaque City.

Planong gawin agad ang tatlong subway station na Mindanao Avenue, Tandang Sora at North Avenue stations bago matapos ang taong 2022.
“Ang subway ay mauum-pisahan na before the end of this year. ‘Yung partial ope-rability, sa pulong namin sa gobyerno ng Japan, gusto nila 2022. Ang gusto ko 2021 so tinitingnan namin paano bibi-lisan,” sabi ni Tugade.

Dagdag pa ni Tugade, aabot sa 120,000 pasahero ang maisasakay araw-araw na maseserbisyuhan ng tatlong subway station.

Ang subway ay may kabuuang 14 na istasyon. Bukod pa rito ang ilalagay na istasyon sa Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan, Ortigas North, Ortigas South, Kalayaan, Bonifacio Global City, Cayetano Boulevard, Food Terminal Inc., at NAIA.

IBA PANG PROYEKTO NG GOBYERNO

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 11 proyektong imprastruktura na layuning mapabuti ang transportation network at water resource management ng bansa.

Inaprubahan ang mga proyekto sa pulong ng National Economic and Deve-lopment Authority (NEDA) sa Malacañang kamakailan.

Inaprubahan ang mga major infrastructure pro-ject kahit wala si Pangulong Duterte, chairman ng NEDA Board, sa pulong.
“In the absence of the President, the NEDA Secretary as NEDA Board vice chair presided over the NB meeting,” sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
“All items submitted to NEDA Board were approved by the Cabinet,” pahayag pa ng presidential spokesman.
Pinakamalaki sa mga ina-prubahang proyekto ay ang Malolos-Clark railway pro-ject o ang Philippine National Railway (PNR) North 2 na nagkakahalaga ng P211.43 bilyon.

Pasado din sa pulong ng NEDA ang: Mindanao Railway Project Phase 1, Tagum-Davao, na nagkakahalaga ng P35.26 bilyon; ang Cavite Industrial Area Flood Risk Ma-nagement Project, P9.89B; ang Clark International Airport expansion, P12.55B; Education Pathways to Peace in Conflict-Affected Areas of Mindanao, P3.47B; ang Australia Awards and Alumni Engagement Program-Philippines, P1.19B.

Aprubado na rin ang New Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management Systems Development Project, P10.87B; ang LRT Line 1 North Extension Project-Common Station, P2.8B; ang Arterial Road Bypass Project Phase II, P4.62B; ang Kaliwa Dam Project ng MWSS, P10.86B; at ang Chico River Pump Irrigation Project ng NIA, P2.7B.n

 

Pambansa Slider Ticker Caloocan City Cavite Cavite at ang LRT-Line 2 Dasmariñas City Department of Transportation DoTr Dr. James G. Dy EDSA Harbor Link Segment 10 Japan International Cooperation Agency JICA Light Rail Transit LRT Line 1 Metro Rail Transit Metropolitan Manila Development Authority Mindanao Avenue MMDA MRT-Line 7 National Economic and Deve-lopment Authority NEDA Ninoy Aquino International Airport NLEX Noli Liwanag North Luzon Expressway Parañaque City Problema sa trapik may solusyon na! Quezon City

Choo-choo! Ang muling pagsigla ng PNR

January 30, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

Sa tuwing naririnig natin ang terminong “tren”, malamang ang unang sumasagi sa isip ng maraming Pinoy ay ang Manila Metro Rail Transit System (MRT) at ang Manila Light Rail Transit System (LRT) na sinasakyan ng daan-libong mga komyuter araw-araw sa Metro Manila.

Pero bago naging bida ang mga ito, minsan sa ating kasaysayan ay naging bida sa publiko ang “lolo” ng mga tren sa ating bansa—ito ang Philippine Rail Transit (PNR) na mahigit 120 taon nang tumatakbo ng paroo’t-parito sa mga riles nito.

 

PNR, bahagi ng kasaysayang pambansa

Matuturing na isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang PNR, na sumasalamin din sa mga pagbabagong pinagdaanan ng ating lipunan sa mga paglipas ng panahon.  Nobyembre 24, 1892 pormal na inilunsad ng pamahalaang Kastila ang PNR na noon ay kilala bilang Ferrocarril de Manila-Dagupan na may linyang tumatakbo ng 195-kilomentro mula Tutuban sa Maynila hanggang Dagupan, Pangasinan.

Minsan ay sinakyan ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal sa PNR noong Hulyo 1892, nang siya ay bumiyahe patungong Malolos, Bulacan upang bisitahin ang mga Kababaihan ng Malolos upang sila ay personal na pasalamatan at papurihan dahil sa kanilang katapangang ipinamalas sa kanilang pakikipaglaban para sa kanilang karapatan para sa Edukason.

Sa kasalukuyan ay makikita ang isang panandang pangkasaysayan na inilagay ang National Historical Commission of the Philippines sa dating istasyon ng tren sa Malolos bilang pagkilala sa naging bahagi nito sa kasaysayan ng bansa.

Noong American Colonial Period naman mas pinalawig ang operasyon ng PNR. Dinagdagan pa ang mga riles ng tren patungo sa mga bayan sa Hilaga at Katimugang Luzon. Ilan sa mga ito ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Pinaglilingkuran ng PNR ang kalakhang Maynila, at ang mga probinsya ng Laguna, Quezon, Camarines Sur (Naga City) at Albay.  Noon ay sinerbisyuhan nito ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, at La Union sa North Main Line; at  Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal sa South Main Line. Ngunit sa paglipas ng panahon ay nabawasan ang mga linya ng mga tren dahil sa iba’t ibang mga kalamidad, pagsulpot ng mga informal settlers noong 1990s, at kapabayaan.

 

Ang muling pagbuhay ng tren

Taong 2007 pinasimulan ng pamahalaan ang rehabilitasyon ng PNR. Pinaalis ang mga informal settlers sa mga gilid ng riles para mapaganda at mas mahikayat ang mga mananakay na gumamit ng tren. Sinundan ito ng pagbuhay sa Manila-Bicol route at pagbili ng mga bagong tren noong 2009.

Ngayon, sa ilalim ng Administrasyong Durterte ay magiging tuloy-tuloy na ang pagbalik ng sigla ng PNR, kung saan makakakita ang publiko ng pagsasama ng luma at modernong mga istruktura.  Kamakailan ay inanunsyo ng Department of Transportation (DOTR) na hindi gigibain at sa halip ay pagagandahin pa ang mga dating istayon ng tren sa mga dating ruta nito mula Caloocan hanggang Pampanga bilang bahagi ng heritage preservation efforts ng pamahalaan. Ito ang tiniyak ni DOTr Secretary Arthur Tugade nang markahan ang pagtatayuan ng mga istasyon ng PNR Clark North Phase 1, na bahagi ng Build, Build, Build program.

Ipinahayag naman ni Meycauayan Mayor Henry Villarica na aasikasuhin ng pamahalaang lungsod ang pagsasa-ayos at pagbuhay sa lumang istasyon ng PNR sa nasabing lungsod. Sa kabila ng pagtatayo ng modernong istruktura ay pananatilihin pa rin ang mga bakas ng nakaraan. Makikita ito sa inilabas na disenyo ng mga magiging istasyon ng tren kung saan nakatabi ang lumang istasyon sa makabagong disenyong gusali.

Samantala, ang orihinal na istasyon ng PNR sa Tutuban ay sumailalim na sa preserbasyon kamakailan sa tulong ng Ayala Malls, na ngayo’y nagmamay-ari sa Tutuban Mall.  Hindi naman giniba ng NLEX Corporation ang dating istasyon sa Caloocan sa kabila ng konstruksyon ng NLEX-North Harbor Link elevated expressway project. Buo pa rin ang istasyon ng PNR sa lungsod ng Meycauayan na nasa dalawang palapag pa rin. Sa mga bayan ng Balagtas at Guiguinto, bagama’t wala na itong mga bubong, nakatindig pa rin ang mga pader at haligi nito, na malamang ay aayusin na rin sa paggulong ng proyektong magsasaayos sa mga pasilidad ng PNR.

Nitong Enero ay sinimulan ang konstruksyon ng 106-km na linya ng tren mula Tutuban, Manila patungong Clark, Pampanga, kung saan naroroon ang Clark International Airport.  Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit P300 bilyon na popondohan ng loan mula sa Japanese government.

Ang Tutuban-Malolos segment ay inaasahang matatapos sa taong 2021, samantalang ang Malolos to Clark section ay tatapusin sa 2022. Ang NSTren Consortium  ang tatayong construction supervision consultant para sa naturang proyekto.

 

Long over due

Ayon kay DOTr Secreatary Arthur Tugade, matagal na dapat nasimulan ang naturang proyekto. Taong 2015 pa ay naaprubahan na ng board ng National Economic and Development Authority ang Tutuban-Malolos segment  na kilala noong bilang North-South Commuter Railway Project. Sa nasabing taon din nilagdaan ng Pilipinas at ng Japan International Cooperation agency ang halos USD 2 bilyon loan agreement para sa pagtatayo ng naturang linya. At sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay tuloy na tuloy na ang pag-arangkada ng proyetko.

Tiniyak din ng ahensiya na walang bahid ng kurapsyon ang nasabing railway project at ang mamamayan ang siguradong makikinabang  dito dahil mas mapapadali at mapapabilis nito ang daloy ng transportasyon sa bansa tungo sa pag-unlad ng ating ekonomiya.

“The DOTr will continue ensuring successful, competitive and corruption-free bidding processes as we deliver on the Duterte administration’s Build Build Build program,” pahayag ni DOTr Assistant Secretary for Railways John Batan.

Pambansa Slider Ticker American Colonial Period Batangas Build Build Build program Camarines Sur Cavite Clark International Airport Department of Transportation DoTr Ferrocarril de Manila-Dagupan La Union Laguna Light Rail Transit System LRT Manila Metro Rail Transit System Meycauayan Mayor Henry Villarica MRT Naga City National Historical Commission of the Philippines NLEX Nueva Ecija Pampanga Pangasinan PNR Quezon Quincy Joel V. Cahilig Rizal Secretary Arthur Tugade Tarlac Tutuban Mall ulacan

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.