Ni: MJ MONDEJAR
HINDI na makakapasok sa Metro Manila ang mga empleyadong naninirahan sa probinsiya pero nagta-trabaho sa Metro Manila kung hindi makakapagpakita ng identification card.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na maghihigpit na ang mga otoridad sa mga checkpoints na ipinapatupad sa mga border ng Metro Manila.
Ayon kay Lopez, dapat may maipakitang company ID o proof of employment ang mga empleyado bilang katibayan na sa Metro Manila sila nagta-trabaho.
Sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na magpupulong ang inter-agency task force upang makapaglabas ng polisiya patungkol sa mga empleyado sa NCR na naninirahan sa mga kalapit na probinsya.
Binigyan diin naman ni Acting PNP Spokesman Maj. Gen. Benigno Durana Jr. na, mahalaga na mamonitor ang mga papasok at lalabas ng Metro Manila.
Samantala, nasa apatnapung libong police personnel ang ipakakalat ng PNP sa pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.