TJ BUMANLAG
NAPILI ang Young Pop Superstar na si Billie Eilish upang umawit ng theme song para sa pinakabagong James Bond Film na “No Time To Die”.
Ayon sa James Bond production, isinulat ni Billie ang kanta para sa pelikula kasama ang kapatid nitong si Finneas O’Connell.
Isang milestone naman ito para sa 18-year-old popstar dahil siya ang pinaka-batang artist sa kasaysayan na gumawa at umawit ng kanta ng James Bond franchise.
Hindi naman makapaniwala si Billie sa pagkakapili sa kaniya upang magrecord ng theme song ng pelikula.
Paliwanag naman ng director ng James Bond film na si Cary Joji Fukunaga, fan siya ng singer at naniniwala siya sa kakayahan nito kung kaya’t hindi na sila nag-alinlangan ibigay ang proyekto kay Billie.