UMAPELA si Sen. Grace Poe sa mga korporasyon at iba pang pampubliko at pribadong financial institutions na magpatupad ng moratorium sa penalty o sa mga huling magbabayad sa kanila ng mga utang at obligasyon.
Hirit ito ni Poe sa gitna nang kinakaharap na public health crisis ng bansa dahil sa COVID-19.
Ayon kay Poe, dapat na magkaroon ng malasakit at mabuting kalooban ang mga kumpanya sa kanilang mga kliyente at siguruhin na walang service interruption, disconnections o penalties sa mga delayed payment.
Giit ng senadora na nais naman ng lahat na makapagbayad ng utang, subalit dahil sa hindi inaasahang pandemic ay lubhang naapektuhan ang mga financial condition ng publiko lalo na ng mga manggagawa na “no work no pay.”