• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

North Korea

Trump at Kim: Gumawa ng kasaysayan

June 18, 2018 by Pinas News

Ang pagtungo nina Trump at Kim sa library para sa kanilang pagpupulong.

 

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

TINUTUKAN ng buong mundo ang makasaysayang pagpupulong nina US President Donald Trump at Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) Chairman Kim Jong Un na ginanap sa tanyag na Capella Hotel sa isla ng Sentosa, Singapore. Ito ang kaunaunahang mukhaang pagpupulong sa pagitan ng isang kasalukuyang pangulo ng US at pinuno ng North Korea sa kasaysayan.

Ayon sa mga ulat, pinakamataas na lebel ng seguridad ang ibinigay kay Trump, samantalang si Kim naman ay binantayan ng mga Gurkhas ng Nepal, ang isa sa mga pinakamabagsik na mandirigmang tribo sa buong mundo.

Nasa 3,000 lokal at international na mga mamamahayag ang tumungo upang tutukan ang naturang pagpupulong ng dalawang bansang matagal nang may girian sa isa’t-isa. Muntik pa ngang makansela ito dahil sa pagdududa ng U.S. sa sinseridad sa denuclearization, o pagtanggal ng mga armas nukleyar, ng North Korea. Nguni’t kalauna’y nagpagpasiyahan na ituloy pa rin ang pagpupulong.

Denuclearization para sa kapayapaan at kapanatagan ng lahat

Sa umpisa ng summit, nakangiting nagkamayan sina Kim, na nakaitim na suit, at Trump, na suot ang pulang kurbata. “This is just a new beginning,” sambit ni Trump habang kinakamayan si Kim.

Pagkatapos ay tumungo sila, kasama ang kani-kaniyang interpreters, sa library kung saan isinagawa ang pagpupulong na sumentro sa complete denuclearization ng North Korea at paggarantiya ng U.S. sa seguridad ng bansa.

Simula pa lamang ay inihayag ni Trump na nais niyang dis-armahan ang nuclear arsenal ng Pyongyang, na umano’y banta sa mga bansa sa rehiyon, na nais niyang mangyari sa lalong madaling panahon. Inanunsyo din niya ang pagtigil sa military exercises ng Amerika at ng matagal nang kaalyadong South Korea, bagay na ikinagulat ng marami.

 

Ang pagharap ng dalawang lider sa media na magkasama.

 

Sa isang statement, inilahad nina Trump at Kim ang kanilang napagkasunduan:

1. The United States and the DPRK commit to establish new US-DPRK relations in accordance with              the desire of the peoples of the two countries for peace and prosperity.

  1. The United States and DPRK will join their efforts to build a lasting and stable peace regime on the Korean Peninsula.
  2. Reaffirming the April 27, 2018 Panmunjom Declaration, the DPRK commits to work toward complete denuclearization of the Korean Peninsula.
  3. The United States and the DPRK commit to recovering POW/MIA remains, including the immediate repatriation of those already identified.”

Sa pagprisinta ng dala-wang lider sa kanilang statement, nangako ang mga ito na sisikapin nilang tuparin ang kanilang mga napagkasunduan.

“Today we had a historic meeting and decided to leave the past behind and we are about to sign the historic document. The world will see a major change. I would like to express my gratitude to President Trump to make this meeting happen,” wika ni Chairman Kim.

“We have developed a very special bond so people will be very impressed, people will be very happy and we are going to take care of a very big and very dangerous problem for the world. It worked for both of us far better more than anybody could have expected,” sabi ni President Trump.

Upang masiguro ang pagpapatupad ng mga kasunduan, magkakaroon ng mga follow-up negotiations, na pangungunahan ni US Secretary of State Mike Pompeo at isang mataas na opisyal ng DPRK, sa mga susunod na araw.

 

Sinelyohan ng pagkakamayan nina Trump at Kim ang mga nabuong kasunduan para sa kapayapaan at seguridad ng Korean Peninsula.

 

Trump-Kim meeting: Isang palabas lang?

Subali’t duda ang ilang eksperto sa resulta ng summit dahil may mga mahahalagang isyu na hindi natalakay tulad ng mga konkretong hakbangin ng Pyongyang sa pagbasura ng mga armas nukleyar nito at maging ang di pagtalakay sa mga paglabag nito sa karapatang pantao.

Ayon kay Anthony Ruggiero ng Washington Foundation for Defense Democracies, hindi naging malinaw ang mga negosasyon, at baka mapako lang ang mga binitawang pangako gaya ng nangyari noon.

 “This looks like a restatement of where we left negotiations more than 10 years ago and not a major step forward,” wika niya.

Bagamat binanggit sa dokumento ang kasunduan sa pag-recover sa mga bangkay ng mga prisoners of war at mga sundalong “missing in action” noong 1950-53 Korean War, hindi naman nakasaad ang pormal na pagwawakas ng naturang digmaan, na inaasahan ng marami.

Kaya para kay Li Nan, senior researcher sa Pangoal, isang public policy think-tank na nakabase sa Beijing, ang Trump-Kim summit ay isa lamang simbolismo.

“There is no concrete detail on the denuclearization of the Korean peninsula and the provision of security guarantees by the United States. It is too early to call it a turning point in North Korea-U.S. relations,” wika ni Li.

Pagbasura sa nuclear weapons ng Pyongyang, nais din ng Pinas

Ang North Korea ang kaisa-isang bansa na nagsagawa ng nuclear weapons test sa kasalukuyang siglo. Mula 2011, nagpakawala ito ng 90 missiles at nagsagawa ng apat na nuclear weapons tests, kabilang dito ang pagpapasabog ng isang advanced hydrogen bomb, na may lakas na 120 kilotons o katumbas ng 265 million pounds ng dinamita.

Sa isang bilateral meeting kasama si Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong Nob-yembre, mariing kinundena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nuclear tests.  Gaya ni Trump, batid ng Pangulo na dapat disarmahin ang nuclear arsenal ng Pyongyang dahil mala-king banta ito sa seguridad ng Asia-Pacific, kung saan nakakalat ang daang-libong mga overseas Filipino workers.

Maging ang Pilipinas ay nanganganib din sa nuclear missiles ng North Korea dahil matatandaang ilang debris mula sa isinagawang missile launch ni Kim ang lumapag sa hilagang bahagi ng Luzon noong Disyembre 2012.

Kaya naman pinuri ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Trump at Kim summit.

“We strongly commend all parties for their unremitting efforts and commitment that led to the realization of this historic meeting,” pahayag ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.

“While mindful of the many challenges that still lay ahead on the road to achieving lasting peace in the Korean Peninsula, the first ever face-to-face meeting between the leaders of the two countries underscores the importance and value of dialogue and diplomacy in seeking resolution to outstan-ding issues among all concerned parties,” dagdag niya.

Umaasa si Cayetano na ang pagpupulong ng dalawang lider ay magdudulot ng pangmatagalang kapayapaan, segu-ridad, at katatagan sa rehiyon.

“The Philippines stands ready to contribute to the realization of these goals,” wika niya.

Internasyonal Slider Ticker Anthony Ruggiero Beijing Chairman Kim Jong Un Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) Department of Foreign Affairs (DFA) DFA Secretary Alan Peter Cayetano North Korea Pangulong Rodrigo Duterte PINAS President Donald Trump Prime Minister Shinzo Abe Quincy Joel V. Cahilig Trump-Kim Summit

North Korea, bukas pa rin na matuloy ang Trump-Kim Summit sa hinaharap

May 25, 2018 by Pinas News

Pinas News

HINDI na itutuloy ni US President Donald Trump ang nakatakda sanang pagpupulong nito kay North Korean Leader Kim Jong-un.

Nakatakda sana sa Hunyo 12 ang Trump-Kim Summit na gaganapin sa bansang Singapore.

Dahil sa masamang mga pahayag ng North Korea sa Estados Unidos dahilan upang kansekahin ni Trump ang makasaysayan sanang pagpupulong ng dalawang bansa.

Tila nagbabala naman si Trump ng sabihin nito na nakahanda ang kanilang military sakaling gumawa ng di kaaya-aya ang North Korea.

Nagbigay naman agad ng reaksyon ang North Korea sa naging hakbang ni Pres. Trump.

Ayon kay North Korean Vice Foreign Minister Kim Kye Gwan bukas pa rin ang kanilang bansa na matuloy ang Trump-Kim Summit.

“We even inwardly hoped that what is called “Trump Formula” would help clear both sides of their worries and comply with the requirements of our side and would be a wise way of substantial effect for settling the issue.” – North Korean Vice Foreign Minister Kim Kye Gwan

 

South Korea at Singapore, nanghinayang sa pagkaunsyami ng Trump-Kim Summit

Nagpahayag naman ng pagkahinayang si South Korean President Moon Jae-In sa pangyayari.

Magugunitang isa ang South Korea sa tumutlong para matuloy ang summit.

“It is very regretful and disconcerting that the US-NK Summit will not happen as planned.” – Pres. Moon Jae-In, South Korea

Maging ang Singapore, kung saan sana gagawin ang summit ay nagpahayag din ng panghihinayang at umaaasa na ito ay matutuloy pa rin sa hinaharap.

“Singapore hopes that the dialogue and efforts to find lasting peace and stability on the Korean peninsula will continue.” – Singapore Ministry of Foreign Affairs

Tila kinampihan naman ni Russian President Vladimir Putin ang North Korea sa pangyayari.

“Kim Jong-un on his part did everything he promised to do, even blew up some tunnels on their sites and after this we hear the us is canceling the meeting.”  – Pres. Vladimir Putin, Russia

Internasyonal Slider Ticker Kim Jong Un Kim Kye Gwan North Korea PINAS Pres. Vladimir Putin President Donald Trump Russia Singapore Ministry of Foreign Affairs SMNI News Trump-Kim Summit

China, binigyan ng Estados Unidos ng draft resolution sa sanction vs NoKor

December 21, 2017 by Pinas News

Pinas News

BINIGYAN ng Estados Unidos ang China ng draft resolution para sa mas mahigpit na parusa sa North Korea.

Ito’y upang isuko na ng North Korea ang kanilang weapons program na nagdudulot ng pangamba sa buong mundo.

Ayon sa senior official ng Trump Administration, umaasa ang US na agad itong pagbobotohan ng United Nations Security Council.

Patuloy aniya ang kanilang pagsisikap para sa bagong UN resolution subalit wala pang kasunduan hinggil dito.

Kabilang sa nais higpitan ng US ang restrictions sa suplay ng refined petroleum ng North Korea.

Internasyonal Slider Ticker Estados Unidos North Korea SMNI News Trump Administration

North Korea, muling ibinalik sa terror list ng Amerika

November 22, 2017 by Pinas News

Pinas News

NORTH Korea ibinalik ng Amerika sa kanilang terror list.

Idineklara ni US President Donald Trump ang North Korea bilang state sponsors ng terorismo sa public meeting sa kanyang gabinete sa White House.

Nakatakda namang ianunsyo bukas ng Treasury Department ang bagong sanctions laban sa North Korea.

Taong 2008 ng tanggalin ng noo’y presidente ng Amerika na si George W. Bush ang North Korea sa US Terror List.

Internasyonal Slider Ticker Amerika George W. Bush North Korea US President Donald Trump White House

Japan, naghain ng bagong parusa laban sa North Korea

November 13, 2017 by Pinas News

Ni: Jomar M. San Antonio

NAGHAIN ang bansang Japan ng bagong parusa sa North Korea bilang sagot sa walang tigil na banta nito ng mga missiles at programang nuclear.

Ang mga sanctions na binanggit ni Prime Minister Shinzo Abe kasama si U.S. President Donald Trump ay magpapatigil sa assets ng siyam na organisasyon at 26 na mga indibiduwal ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga.

“The North Korean missile and nuclear issue is a pressing threat unseen before. Its provocative actions, in which it has ignored the severe warnings of international society, are totally unacceptable,” ika ni Suga.

Ang binanggit na mga organisasyon ay patungkol sa mga bangko ng North Korea na kung saan ang ilan sa mga ito ay naka-base sa China. Ang mga indibidwal naman na tinutukoy ay naka-base sa iba’t ibang nasyon tulad ng Russia at Libya.

Sinabi pa ni Suga na ang pagbisita ni Trump sa Japan ay pagpapakita ng maigting na kampihan ng dalawang bansa na magtulungan laban sa lumalakas na tensyon sa kapitolyo ng bansa—ang Pyongyang.

Ayon naman kay Pang. Trump, ang pagpapalipad ng ballistic missiles ng North Korea sa himpapawid ng Japan ay, “a threat to the civilized world and to international peace and stability.” Dagdag niya, ang Amerika ay kaisa ng Japan sa mga hakbangin nito laban sa banta ng pananakot ng North Korea.

Internasyonal Slider Ticker ballistic missiles China Japan Jomar M. San Antonio Libya North Korea Prime Miniter Shinzo Abe Pyongyang Russia U.S U.S. President Donald Trump Yoshihide Suga

Sa US vs North Korea: Apektado ba ang Pinas?

October 25, 2017 by Pinas News

Ni: Kristian Mariano

DAPAT nga bang ikabahala ng mga Pilipino kung totohanin ng North Korea ang banta nito na tirahin ang Estados Unidos? Naging mainit na usap-usapan ang palitan ng banta ni US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un noong Agosto na ikinabahala ng ilang mga Pilipino dahil sa posibilidad na madamay ang Pilipinas sa nakaambang giyera ng dalawang nasyon.

Nagsimula ito ng magpahayag si Donald Trump ng “Fire and fury like the world has never seen” sa kalagitnaan ng missile launch test sa Pyongyang. Sumagot ang North Korea ng banta na pasasabugin ang Guam na teritoryo ng US sa western Pacific.

Ang US at Japan ay may missile defense systems sa Asia Pacific bilang depensa sa North Korea. Maihahalintulad ang kasalukoyang sitwasyon sa Cuban Missile Crisis – paghaharap sa pagitan ng US at Soviet Union noong 1962 dahil sa pagkakaroon ng nuclear weapons sa Cuba.

Samantala, kinondena rin ng Pilipinas ang missile tests ng North Korea. Tinawag ni President Rodrigo Duterte na “fool” at “son of a bitch” si Kim Jong Un noong Agosto 2 dahil sa missile tests. Tila naman nagbago ang ihip ng hangin ng i-welcome ng pangulo ang North Korean Foreign Minister na si Ri Yong-Ho noong Agosto 8. Sinabi ni PRRD kay Ri na “We would be a good dialogue partner.” Ipinahayag ng Pilipinas na bukas tayo sa North Korea.

Sa kasalukuyan, ilang araw ng hindi nagsalita sa publiko si Pangulong Trump hinggil sa NoKor at mas pinili nitong tumuon sa health care policy ng bansa. Dati ng sinabi ni Trump na kapag mabigo ang pagtangkang mapatigil si Kim Jong-un sa programa nito sa nukleyar sa diplomatikong paraan, mapipilitan umano ang pangulo ng Amerika na mamagitan gamit ang militar.

Paano maaapektuhan ang Pilipinas

May posibilidad na madamay ang Pilipinas kung sakaling humantong sa all-out war ang gulo sa pagitan ng US at North Korea. Ayon kay Prof. Lucio Pitlo III, consultant sa UP Korea Research Center, walang matibay na relasyon ang Pilipinas sa North Korea or the Democratic People’s Republic of Korea (DPRK). Mas kilala ang bansa sa pagkakaroon ng magandang relasyon sa US at South Korea. Walang embahada ang North Korea sa bansa.

Ang pagkakaroon ng mga pasilidad ng Estados Unidos sa bansa ay tatak ng alyansa ng US at Pilipinas. Ang pagpapadala ng mga sundalo ng Amerika sa bansa upang magsanay ay maihahalintulad sa relasyon ng US at South Korea na kaaway ng North Korea.

Direktang maaapektuhan ang mga Pilipinong ngayon ay nagtatrabaho o naninirahan sa South Korea. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), may 65,000 na Pilipino ang naninirahan sa South Korea.

“The lives of many Filipinos in [South] Korea, which is about 60,000 as of May 2017, are now in danger. If North Korea goes into an all-out war, then we will be greatly affected. Filipinos’ lives will be at risk. Mostly comprised of migrant workers, Filipinos will be forced to go home without finishing their contract and possibly go home jobless in the [Philippines],” ayon sa Korean Studies professor na si Michelle Palumbarit.

Pwersa ng NoKor vs RP

Makikita na malaki ang lamang ng North Korea sa Pilipinas pagdating sa budget at kagamitan pandigma dahil halos 20% ng kabuuang budget ng bansa ay nakalaan sa pangangailangang militar.

North Korea Philippines
Nuclear Weapons <10 warheads 0
Military Budget $15 billion $3 billion
Active personnel 1 190 000 125 000
Reserve personnel 600 000 131 000
Available for military 6 515 279 25 614 135
Tanks 6 000 0
Armoured fighting vehicles 4 000 672
Total artillery 13 000 323
Self-propelled artillery 4 500 0
Rocket artillery 5 000 0
Total aircraft 906 221
Fighter aircraft 349 2
Multirole aircraft 35 0
Attack aircraft 154 23
Helicopters 202 124
Total naval 525 132
Frigates 6 4
Corvettes 6 12
Submarines 75 0

Ayon sa: ArmedForces.eu

Ayon kay Mel Sta. Maria, Jr., dean ng Far Eastern Univeristy Institute of Law, maari din umanong madamay sa digmaan ang Pilipinas kung imbokahin ng Estados Unidos ang Mutual Defense Treaty (MDT)  at Enhaced Defense Cooperation Agreement (EDCA)  sa pagitan ng Pilipinas at ng naturang bansa.  Bagama’t wala umanong pwersa militar na maiaambag ang Pilipinas kung magkaroon nga ng digmaan sa pagitan ng US at North Korea, maari naman sa mga base militar ng Pilipinas magre-fuel ang mga warship at warplanes ng U.S.

Dahilan rito, may mga nangangamba na maaaring maging target ang Pilipinas ng NoKor.

Ngunit, ayon pa sa analista, kinikilala ng MDT na anumang suporta na idedeklara ng bansa ay kinakailangang umayon sa Philippine Constitution at sa UN Charter.

“In case a U.S public ship is attacked (in the Pacific), the Philippines must declare our support for US but the extent of support is subject to the Philippine Constitution and UN Charter. Support can very well be a public declaration of support without more,” paliwanag pa ni Sta. Maria.

Handa ba ang mga Pilipino sakaling lumala ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa? Hindi naman sumasagi sa isip ng ilang Pilipino ang nakaambang giyera sa pagitan ng North Korea at US. Ayon sa ilang Pilipino, mas dapat bigyan ng pansin ang mga lokal na isyu kaysa sa mga isyung panlabas.

Pambansa Slider Ticker Cuba Democratic People’s Republic of Korea Department of Foreign Affairs DFA Donald Trump DPRK EDCA Enhaced Defense Cooperation Agreement Guam Japan Jr Kim Jong Un Kristian Mariano Lucio Pitlo III MDT Mel Sta. Maria Mutual Defense Treaty North Korea Pyongyang Ri Yong-Ho South Korea Soviet Union UN Charter UP Korea Research Center US western Pacific

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.