SOFIA Kenin
JAMES LUIS
NASUNGKIT ng 21-year old player na si Sofia Kenin ang kampeonato sa Australian Open.’
Ito ay pagkaraan ng kaniyang matagumpay na finals game kontra kay Garbiñe Muguruza na nagtapos sa score na 4-6, 6-2, 6-2.
At dahil din sa pagkapanalo ni Kenin ay umangat ito ng walong puwesto sa WTA rankings at lumagay na sa 7th spot.
Maituturing din na pinakabatang kampeon si Sofia matapos ni Maria Sharapova noong taong 2008.
Samantala, nabawi naman ni Novak Djokovic ang top spot sa WTA rankings matapos magwagi sa game nila ni Dominic Thiem sa finals sa score na 6-4, 4-6, 2-6, 6-3, 6-4.