Ni: Noli Liwanag
KAMAKAILAN lamang, nag-donate ng mahigit na P1.7 million ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa ilang mga organisasyong at foundation. Ang nalikom na halaga ay mula sa 11 charity races na pinangasiwaan nito na kumita ng mahigit isang milyong piso.
Umabot sa kabuuang P1,722,173.86 ang tinggap ng Senate Spouses Foundation, Dalampasigang Manila Bay Foundation, Press Photographers of the Philippines, Buhay Isang Awit Foundation at Movie Workers Welfare Foundation sa awards rites na ginanap sa Manila Jockey Club sa San Lazaro Park, Carmona, Cavite.
Sa charity races, pinakamalaki ang natanggap ng Senate Spouses Foundation, at Dalampasigang Manila Bay Rotary Foundation, na may tig-P626,245.04. Tumanggap din ang Senate Spouses Foundation ng dagdag na P1 milyon mula sa host ng race na Manila Jockey Club, sa pangunguna ni MJC Deputy Chief Operating Officer Atty. Peter Zagala.
Pinagkalooban naman ang Press Photographers of the Philippines (PPP), sa pangunguna ni PPP president Jonathan Jalbuna at ang Buhay Isang Awit Foundation at Mowelfund ng tig-P156,561.26.
Tinanggap nina Ciara Sotto (kinatawan ni Ginang Helen Gamboa Sotto ng Senate Spouses Founddation), Jalbuna, Ramon Ilustre Jr. (Dalampasigang Manila Rotary Foundation), Adrian Abrogena at Christine Pasia (Rotary Club of Manila Bay), ang donasyon kina chairman Sanchez, commissioners Bienvenido Niles Jr. at Victor Tantoco, executive director Andrew Rovie Buencamino, MJC racing manager Jose Ramon Magboo at deputy J-Fel Cuevas.
Ang mga charity races ay isinagawa batay sa Rating-Based Handicapping System ng Philracom, na ipinatutupad ng International Federation of Horseracing Authorities.