NI: ANGEL PASTOR
Lumabas sa isang pag-aaral na ang obesity o ang sobrang katabaan ay may kinalaman sa walo pang cancer types gaya ng sa liver, thyroid, pancreas, stomach, gall bladder, ovary, multiple myeloma (blood cancer) at meningioma (brain tumor) bukod pa ito sa breast, uterus, kidney, esophagus at colon cancer na nalaman noong 2002.
Bakit nga ba at risk ang mga Csa cancer?
Dahil ang excess fats ay nagtataas ng sobrang dami ng insulin, estrogen at testosterone na nakakapagdulot ng inflammation na may kinalaman sa paglaki ng cancer.
Para maiwasan ang obesity sa mga bata nagrekomenda American Heart Association na limitahan ang added sugar intake nila dahil mababa lang ang calorie na kailangan nila.
Malaki ang kinalaman ng lifestyle para mapababa ang pagkakaroon ng cancer.
Kaya kumain ng masustansya, magkaroon ng tamang timbang, mag-ehersisyo at tumigil sa paninigarilyo para maiwasan ito.
Aminado ang mga mananaliksisk na mahirap ang magpapapayat kaya payo nila na magfocus na huwag tumaba.