Ni: Joyce P. Condat at Ma. Leriecka Endico
PAGKATAPOS ng halos dalawang dekada, nagwakas na ang tungkulin ni Cassini sa Saturn. Ang mas nakakalungkot, wala pang napapadalang kapalit ni Cassini sa Saturn, upang maipagpatuloy ang naiwan nitong misyon.
Ang Cassin-Huygens mission ay pinagtulungan ng NASA, European Space Agency, at Italian Space Agency. Ito ang kauna-unahang misyon na umikot sa Saturn upang mapag-aralan ang planeta at makuhaan ng mga larawan.
Ika-15 ng Oktubre, 1997 nang ipadala ang Cassini spacecraft sa Saturn mula Cape Canaveral Air Force Station, Florida. Nakarating ito sa Saturn kalagitnaan ng taong 2004 na may bigat na 12,593 libra (5,712 Kg). Matapos ang pagdating, inilabas nito ang kasamang ESA-built probe na may pangalang Huygen upang saliksikin ang pinakamalaking buwan ng Saturn – ang Titan.
Bukod sa pagsusuri sa Titan, ang Huygen probe ay tumutulong sa iba’t ibang paggalaw ng direksyon ng Cassini spacecraft, sa pamamagitan ng gravitational force mula sa Titan, upang mas makatipid sa gas.
Matapos ang 13 taon na pagikot sa Saturn, noong ika-14 ng Setyembre nitong taon opisyal ng natapos ang misyon ng Cassini spacecraft. Mula 12,593 libra (5,712 kg), ang spacecraft ay magpapaalam ng may bigat na lamang na 4,685 libra (2,125 kg). Matapos maihatid sa mundo ang 635 GB na datos kasama ang mga huling nakuhang litrato mula sa Saturn gamit ang antenna, ito ay tuluyan ng lalapag sa atmospera ng Saturn na magdudulot sa pagtunaw ng spacecraft