MGA proyektong imprastraktura na pinondohan ng China at iba pang pautang, hindi ginamitan ng collateral.
Ni: Jonnlyn Cortez
SA kabila ng mga batikos, malinaw na nakikita ang matibay na relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas. Patuloy ang pagpopondo at pagpapautang ng karatig bansa sa mga proyekto ng gobyernong Duterte, na sinasabing malaking pakinabangan sa maraming Pilipino.
Sa likod ng mga kontrobersya, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pagkakasundo ng dalawang bansa ay makakatulong upang harapin ang mga pandaigdigang problema. Sa katunayan, isa ang China at Pilipinas sa nangunguna pagdating sa paglago ng ekonomiya sa buong Asya.
“With our increased cooperation, we can better defy the adverse developments at the global level and continue our rapid expansion to benefit our people,” wika ni Dominguez.
Dagdag pa niya, naghahanda na ang China upang tugunan ang mga prediksyon ng mas mabagal na “global growth” sa pamamagitan ng isang pinagsamang polisiya, kabilang ang pagpapalakas ng consumer demand at expansionary monetary policy.
“The rest of the region depends much on China’s impressive growth. We are confident this great nation will continue its remarkable economic transformation,” pagpapatuloy ni Dominguez.
Katulad ng China, nasa posisyon din ang Pilipinas upang panatilihin ang pagpapalawak ng ekonomiya.
“Despite the adverse trends in the global economy, we are confident our internal growth engines will continue driving the economy to support a GDP (gross domestic product) expansion of 7 percent — this is our fighting target,” pahayag ni Dominguez.
Sabay ang mga programang imprastraktura ng gobyernong Duterte na “Build, Build, Build” sa mas malaki at malawak na proyektong Belt and Road ng China.
Hindi na nga makakaila ang paglago ng kalakalan at turismo sa pagitan ng dalawang bansa. Tumaas ng 13 porsyento ang kabuuang kalakalan ng Pilipinas at China noong isang taon, habang 27 porsyento naman ang nilaki ng bilang ng turista na dumating sa bansa noong 2017.
“Improved interconnections between the economies in this part of the world will raise all ships. We look forward to a seamless network for the flow of goods, the exchange of best practices and boundless cooperation in the coming years,” he said.
PANGULONG Rodrigo Duterte pinagmamalaki ang matatag na relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas, at ang pakinabang nito sa tao.
Pakinabang ng Pilipino
Sa harap ng Filipino-Chinese businessmen sa 32nd biennial convention of the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. kamakailan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malaking pakinabang sa matatag na relasyon ng China at Pilipinas.
“The meaningful ties of friendship forged between Chinese and Filipinos have enabled us to empower our people, especially those who are vulnerable and marginalized,” wika ng pangulo. “By devoting your resources to the improvement of our society, the Federation has consistently played a vital role in ushering a period of greater cooperation [and] understanding not only in the promotion of business and trade, but also in facing various challenges that we face as a nation.”
Bunsod nito, nagpasalamat ang presidente para sa kanilang suporta sa kampanya ng administrasyon laban sa korapsyon, kriminalidad at iligal na droga.
“Through your deeds, you have become our important partner in building the foundations of a more inclusive and sustainable society,” wika ni Duterte.
Hinimok naman ng presidente ang Filipino-Chinese businessmen na gumawa ng mas maraming inisyatibo upang mapabuti ang paglago ng industriya at malinang ang business environment sa bansa. Humiling din si Duterte ng patuloy na kooperasyon mula sa grupo sa pagbuo ng mas progresibong Pilipinas.
“It is my hope that your remarkable traits and values will continue to fuel your pursuit of a dynamic and vibrant Chinese-Filipino business community that contributes to our nation’s overall advancement,” pagtatapos ng pangulo.
Dalawang bagong tulay popondohan ng China
Handang pondohan ng China ang pagpapagawa ng dalawang bagong tulay sa Visayas at Mindanao.
“The Davao-Samal Bridge Project in Mindanao and the Panay-Guimaras-Negros Interisland Bridge Project in Western Visayas are also two other projects in the pipeline for possible Chinese financing,” wika ni Dominguez sa isang pahayag.
Idudugtong ng Davao-Samal Bridge ang Davao City sa Samal Island, habang ang Panay-Guimaras-Negros Interisland Bridge naman ay bababaybayin ang mga lalawigan ng Iloilo hanggang Negros Occidental.
Kabilang sa pangalawang batch ng mga proyektong posibleng pondohan ng China ay ang Safe Philippines Project Phase 1, Subic-Clark Railway Project, limang tulay sa kabuuan ng Pasig-Marikina River at Manggahan Floodway at ang proyektong Ambal-Simuay River at Rio Grande de Mindanao River Flood Control.
Pinangunahan umano ni Undersecretary Mark Dennis Joven ang delegasyon ng bansa upang makipag-usap sa mga opisyal ng Export-Import Bank of China (China-EXIM) at China International Development Cooperation Agency (CIDCA).
“Both sides discussed the updates of ongoing projects, as well as those in the pipeline,” wika ni Joven. “The Chinese side also conveyed its continuing commitment to support the infrastructure projects of the Philippines, including its openness to provide available sources of financing for other projects.”
Nakipagpulong din si Joven kasama ang mga representante ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Budget and Management (DBM), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), and the Department of Public Works and Highway (DPWH) kay CIDCA Chairman Wang Xiaotao upang pag-usapan ang general arrangements ng pagbibigay ng pondo at paraan kung paano mapapabilis ang proseso ng popondohang proyekto ng China.
Mga kritiko walang tiwala — Dominguez
“You of no faith in your country,” yan ang sagot ni Dominquez sa mga kritiko ng administrasyon.
Natatakot umano ang mga mamumuna na hindi kayang bayaran ng gobyerno ang utang sa China para sa mga proyektong imprastraktura ni Duterte.
“The Philippines has never, never defaulted on its loans,” wika ni Dominguez. “The Philippines has not done it even in the worst of times, and the worst time was right after Marcos.”
Hindi umano pumalyang magbayad ang Pilipinas sa anumang utang kahit pa wala na itong pera.
“The Philippines has no history of defaulting on its loans. So why are people saying now that we will default? They have no faith in the Philippines? I don’t know why people are saying, ‘there might be a default.’ That means to say those people have no faith in their own country,” dagdag pa ni Dominguez.
Binigyang-diin pa ni Dominguez na walang collateral na ginamit ang gobyerno sa mga nakuhang pautang sa anumang bansa. Hinimok pa niya ang mga kritiko na suriin ang mga kasunduan na pinasok ng administrasyon na pawang naka-post lahat sa website ng Department of Finance (DoF).
Dati nang sinabi ni Dominguez na hinding-hindi mahuhulog ang Pilipinas sa tinatawag na debt-trap ng China. “In conformity with the Constitution and our laws, none of the pipeline projects funded with official development assistance (ODA) from countries like Japan and China allow for the appropriation or takeover of domestic assets in the event of failure to pay, which is unlikely,” paliwanag niya.
“The government’s borrowing program remains very conservative in the sense that we only borrow to invest in projects that will generate economic gains which are greater than the borrowing cost. No infrastructure project is funded through ODA without going through a rigorous system of reviews and approvals by the Cabinet and the President, and unless there is certainty that the project is economically viable and highly beneficial for the Filipino people,” dagdag pa ni Dominguez.