NI: CHERRY LIGHT
Ikinatuwa ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) ang pagkakaroon na ng mga ito ng OFW identification card para sa kanilang mabilis na transakyon sa gobyerno at sa mga pribadong ahensiya na may kinalaman sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa
Sa panayam ng SMNI news team sa mga OFWs ay halos iisang reaksyon lamang ang kanilang tugon kaugnay sa naturang id.
Anila malaking tulong para sa kanila ang pagkakaroon ng bagong IDOLE id card dahil sa malaking bawas abala sa kanila lalo na sa tuwing sila ay palabas na ng bansa.
Inilunsad ng Department of Labor and Employment ang patakaran sa pagkuha ng IDOLE id card para sa mga OFW kung saan maituturing na pinakamagangdang regalo ni pangulong rodrigo duterte sa mga ito.
Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, ia-upload ng Philippine Oveseas Employment Administration (POEA) ang mga pangalan ng mga rehistradong OFW sa DOLE cloud at saka ida-download para maprint at ipapadala sa mga OFW sila man ay nasa Pilipinas o nasa ibang bansa
Sinabi din ni Bello na ang OFW id ay isang pangunahing bahagi ng integrated system na sasailalim sa pilot run at tatagal ng tatlong buwan bago ito gamitin bilang Automated Overseas Employment certificate (OEC) para sa airport immigration id pass
Ibig sabihin ang naturang id ang magsisilbing OEC upang hindi na tutungo ang mga OFW sa POEA sa tuwing sila ay babalik sa ibang bansa.
Ito ang rin ang magsisilbing travel exit clearance sa loob ng dalawang taon at hindi na rin kailangang magbayad ng travel tax at terminal fee.
Maari din mag log in at gumawa ang mga OFW ng kanilang account sa idole.ph o sa idole one stop online facility /portal.