MARGOT GONZALES
LUMAGAY sa ikatlong puwesto ang Pinay Skateboarder na si Margielyn Didal sa katatapos lang na 26th Tampa Pro Competition Women’s Open sa Florida, USA.
Nakuha ni Didal ang bronze medal sa street event habang nanguna sina Japanese skaters Hina Maeda at Yumeka Oda at nakuha ang top 2 spots.
Ang Tampa event ay parte ng kampanya ni Didal sa 6 qualifier games para makapasok sa nalalapit na Tokyo Olympics.
Samantala, nakatakda ring sumabak ang Pinay skateboarder sa 2020 World Skateboarding Championships Street sa March 18 hanggang 24.
Magkakaroon naman ng siguradong olympic berth ang top 3 players mula sa dalawampung competitors na kalahok.
Ibabase rin ng kumite ng olympics ang pagpili sa mga atleta sa kanilang world rankings.
Sa ngayon ay nasa ikalabing-apat na puwesto na si Margielyn Didal matapos ang naging kampanya nito sa katatapos lang na Oi Stu Open Rio De Janeiro 2020.