Vick Tanes
ALAM n’yo bang mabisa ang olive oil para sa sakit sa puso at mainam na langis na panlaban sa sakit na cancer?
Ang olive oil ay nakakatulong din sa paglilinis ng atay. Maaaring sumama sa langis na ito ang ilang nakakalasong kemikal na nasasala ng atay.
Taglay ng olive oil ang antioxidant properties na kailangan ng katawan. Bukod sa monosaturated fats na nagpapababa sa cholesterol, mayaman rin ang olive oil sa vitamin E na mabuti sa ating mga kutis, mata at immune system.
Una na rito ay pinipigil ng olive oil ang paglaki ng cancer cells at binabawasan nito ang panganib na dulot ng heart attacks at stroke dulot ng cholesterol sa ating katawan.
Binabawasan ng olive oil ang damaging effects ng cholesterol, high blood pressure at age-related diseases sa ating pangangatawan pero dahil mataas ang calories na taglay ng olive oil, ipinapayo ng mga eksperto na limitahan lamang sa isang kutsara kada araw ang pagkonsumo dito.
Ang pagkain o pagkonsumo ng isang kutsara ng olive oil kada araw ay puwedeng magpahaba sa buhay ng isang tao.
Wala namang side effects ang olive oil pero mas mainam na sundin lamang ang isang kutsara isang araw kumpara sa gamot na halos tatlong beses sa isang araw.