Ombudsman
Laguna Rep. Arcillas, kinasuhan sa Ombudsman
Pinas News
LAGUNA Rep. Arlene Bawan Arcillas, sinampahan ng kasong administratibo at kriminal sa Office of the Ombudsman.
Inakusahan ng isang Onofre Sumapid si Arcillas ng panloloko matapos umanong magsumite ng pekeng dokumento para makakuha ng terminal leave benefits mula sa pondo ng pamahalaan.
Nahaharap si Arcillas sa kasong grave misconduct, serious dishonesty, perjury at graft.
Bukod dito, una nang inireklamo sa Ombudsman si Arcillas ni Doroteo Ariza Rustique kaugnay sa naturang usapin.
Kaugnay nito, hinihiling ni Sumapid sa korte na agad suspendihin si Arcillas habang iniimbestigahan ang kaso sa Ombudsman.
Kasong kinahaharap ni Sen. De Lima sa Ombudsman, ibinasura
Dating DOTC Sec. Jun Abaya at ilang Buri Officials, kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman
Pagkumpirma ng Ombudsman sa AMLC-Docs. ni Pang. Duterte, ikinatuwa ni Sen. Trillanes
Pinas News
PAGKUMPIRMA umanong tama si Senador Antonio F. Trillanes IV, matapos kumpirmahin ng Ombudsman na ang mga dokumentong isinumite sa kanila ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) patungkol sa mga bank accounts ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ay “more or less” katulad ng kanyang mga inilantad sa publiko.
Sinabi ni Trillanes na ito ay nagpapatunay na ang mga paratang tungkol sa pangulo na billion-peso bank accounts ay totoo.
Noong kampanya noong isang taon, una nang pinaratangan ni Trillanes si Duterte na mayroon siyang mahigit kumulang 2-bilyong piso sa credits and deposits sa maraming bank accounts sa ilalim ng kanyang pangalan. Inulit ni Trillanes ang nasabing alegasyon noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Matatandaaan na noong nakaraang linggo, ay naghamon si Duterte, na kapag may nakita P200-million sa bank account nito si Trillanes ay dapat bumaba sa pwesto bilang senador ng bansa.
Korte Suprema, pinagtibay ang suspension order ng Ombudsman laban kay dating PNP chief Purisima
Pinagtibay ng Korte Suprema ang 2014 ruling ng Ombudsman na naglagay kay dating PNP chief Allan Purisima sa preventive suspension order.
Sa 13 pahinang desisyon na isinulat ni Justice Estela M. Perlas-Bernabe, ibinasura ng first court division ng Court of Appeals (CA) ang apela ng kampo ni Purisima para sa inihaing petition for review matapos maharap si Purisima sa patong-patong na kaso dahil sa maanomalyang courier contract ng PNP sa kanyang termino.
Matatandaan na noong 2011, ay pumasok ang PNP sa ilalim ni Purisima sa isang kasunduan sa Wer Fast Documentary Agency para magbigay ng courier services sa mga lisensyadong baril na hindi dumaan sa bidding.
At noong 2014, ng masampahan ang dating PNP chief ng dalawang kaso sa Ombudsman.