MELROSE MANUEL
ILANG linggo bago matapos ang taong 2019 ay ibinunyag ng Google Philippines ang top search queries o most search keywords ng mga pinoy ngayong taon.
Nanguna sa listahan ng most searched male personality ang P-pop group na SB19 na sinundan ng tinaguriang “BabeMayor” ng netizens na si Pasig Mayor Vico Sotto.
Top 3 naman ang aktor na si Gerald Anderson, ika-apat si Yorme Isko Moreno habang ika-lima ang youtube star na si James Charles.
Number one naman sa pinaka-searched na female personality ang bagong darna actress na si Jane De Leon.
Nakuha naman ng Barretto sisters na si Gretchen at Marjorie ang number 2 at 4 na spot habang pinagitnaan sila ni Miss Universe Philippines Gazini Ganados.
Nasa 5th spot naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Naging overall top trending search naman ng mga pinoy ngayong 2019 ang online chat site na “Omegle” na sinasabing sumikat dahil sa pagamit nito ng ilang K-pop stars at personalities upang masurpresa ang kanilang mga fans.