JHOMEL SANTOS
NANANATILING bukas si Pangulong Duterte sa pakikipag-usap sa komunista para sa kapayapaan sa bansa.
Pero ayon kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, nais ni Pangulong Duterte na dito gawin sa Pilipinas ang gagawing peace talks sa pagitan ng gobiyerno at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sinabi ni Go na nais daw ng pangulo na dito mangyari sa Pilipinas ang paglagda sa kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ni CPP-NPA-NDF Leader Jose Maria Sison.