• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Oppose TRAIN

Petisyon sa TRAIN

February 28, 2018 by Pinas News

Ni: Louie C. Montemar

BILANG convenor ng isang grupong nakatuon sa mga karapatan at kagalingan ng mga konsyumer (ang grupong Bantay Konsyumer, Kuryente, Kalsada) ako ay naanyayahan kamakailan na maging bahagi ng isang bagong network ng  mga kumukwestiyon sa bagong batas na kilala ngayon bilang TRAIN Law — ang batas sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion, o TRAIN.

Dahil sa damang-dama na ang biglang pagtaas ng iba’t ibang bilihin at madalas dahilan ang pagpataw ng mga bagong dagdag-buwis, nanawagan ang ilang grupo na magkaisa ang iba’t ibang sektor upang mabuo ang Stakeholders Oppose TRAIN o “StOp TRAIN”.

Maglalabas ng petisyon ang nasabing samahan. Ayon sa petisyon ng StOp TRAIN network na ito, una, walang korum ang Kongreso nang ipasa ang TRAIN Law noong Disyembre at kung gayon walang karapatan ang iilang kongresistang aprubahan ang isang batas na pabigat sa buhay o kabuhayan ng mayorya sa mamamayang Pilipino.

Ikalawang punto sa petisyon ang labis na pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin. Mismong mga namumuhunan din daw ay umaa-ngal dahil hindi naman nila basta na lamang maitataas ang mga presyo ng kanilang produkto o paninda. Lumiliit ang kanilang mga kita, halimbawa na lamang ang kaso ng mga maliliit na sari-sari store.

Ikatlo, sa kaso ng mga magsasakang kabilang ng STOP TRAIN, lalong tataas ang gastusin sa produksyong agrikultural sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na sangkap ng marami nilang gamit sa pagtatanim o pagsasaka. Malamang ang lalong pagkabaon sa utang ng mga magsasaka at manggagawang bukid.

Ikaapat at panghuli, sa ka-lakhan, sasaluhin siyempre ng mga mamimili at komyu-ter ang lahat ng mga pagtaas ng presyong ito na ito sa presyo. Pinakamahirap ito para sa mga pinakamahihirap na-ting mga kababayan.

Bunsod dito Dahil sa mga ito, hinihiling kay Pangulong Duterte na pigilan ang TRAIN at repasuhin ng kanyang mga kaalyadong mambabatas ang mga probisyong nito.

Panukala o mungkahi ng grupo ang sumusunod: Una, sa halip na excise tax at VAT na karga ng lahat maski na ng pinakamahirap, ang buwis na ipapataw ay iyong batay sa kapasidad ng taong magba-yad;  ikalawa, imbis na dagdag buwis pati na sa mahihirap, ayusin dapat ang sistema ng pangungulekta sa buwis para hindi makalusot ang mga dapat na mabuwisan.  Ika nga ng grupos sa Ingles: “Push for a tax system that is based on [sic] one’s capacity to pay! Plug the leaks in the government tax collection system.”

Sa dami ng mga usap-u-sapan hinggil sa TRAIN Law at kakulangan sa impormasyon ng marami tungkol dito, dapat seryosong harapin ng pamahalaan ang nasabing petisyon. Hindi maaring balewalain na lamang ang mga mamamayang nag-aalala para sa kanilang kabuhayan.

Opinyon Slider Ticker “StOp TRAIN” Louie C. Montemar Oppose TRAIN Petisyon sa TRAIN TAX TRAIN law VAT

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.