Matanglawin: Patnubay sa malusog na paningin

PANATILIHING malusog ang iyong mga mata upang maiwasan ang paglabo ng paningin o pagkabulag.

 

Ni: Crysalie Ann Montalbo

ANG mata ay isa sa mga bahagi ng katawan na ating pinaka-iingatan. Nagsisilbi itong gabay upang matunghayan ang mga bagay na hindi pa natin natutuklasan. Kung wala ito, mananatiling madilim ang ating pananaw sa mundong ginagalawan.

Paano nga ba mapapangalagaan ang ating mga mata at maiiwas ito sa anumang kapahamakan?

  1. Kumain ng mga pagkaing makapagpapabuti sa lagay ng iyong mata. Ang pangunahin dito ang   ang sapat at masustansiyang pagkain. Nakakatulong ang lutein, omega-3 fatty acid, zinc, vitamin A, C at E sa pagpapabuti ng kondisyon ng ating paningin. Ilan sa mga halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa mga ito ay ang mga sumusunod: mga berdeng gulay, salmon, tuna at iba pang isda, itlog, beans, mani, orange, ponkan at iba bang citrus fruits.
  1. Magsuot ng sunglasses. Sa ating bansa, matirik ang araw kaya’t malaking bagay ang pagsusuot ng sunglasses nang sa gayon ay maprotektahan ang iyong mata sa ultraviolet rays na nagmumula sa araw. Kapag nasobrahan ang iyong mata sa ultraviolet rays, posible kang magkaroon ng katarata na maaaring humantong sa pagkabulag.
  1. Gumamit ng proteksyon sa mata. Kung ikaw ay nasa isang trabahong na malaki ang posibilidad na matamaan ang bahagi ng iyong mukha, huwag mag-atubiling gumamit ng protective goggles.
  1. Iwasan ang pagbababad sa kompyuter at telebisyon. Ang sobrang pagtutok sa mga ito ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa iyong mata tulad ng paglabo ng paningin, pagkapagod, panunuyo at pananakit ng iyong mga mata.
  1. Huwag mahihiyang bumisita sa iyong doktor. Ang regular na pagpapatingin ay hindi dapat kalimutan. Alamin ang iyong kasalukuyang kondisyon upang mas maagapan agad bago pa lumala ang sakit.
  2. Iwasang gumamit ng cellphone nang nakapatay ang ilaw. Pwede itong magdulot ng pansamantalang pagkabulag.

Mga  prutas na dapat kainin upang makaiwas sa sakit ngayong tag-ulan

Sa mga nakalipas na araw, tayo ay nakaranas ng pag-ulan at para malabanan ang iba’t-ibang sakit na dulot nito subukan ang sumusunod:

Ang mansanas ay magandang source ng fiber at vitamin c. Pero napansin n’yo ba ang mabangong amoy nito? Ito ay dahil sa ang mansanas, cherries, pears at plums ay isa lang sa mga prutas na nagmula sa pamilya ng rosas. Subukan patuyuin ang maliliit na piraso ng mansanas para makagawa ng isang pabango.

Ang patatas naman ay mas madami ang potassium kumpara sa saging, ito ay walang fats at magandang source ng vitamins at iron.

Gusto mo ba magbawas ng cholesterol? Subukan ilaga ang broccoli, ang hilaw na broccoli ay may cancer-fighting compounds at ang dahon nito ay may nutrients maganda rin ito para sa mata.

Samantala ang kiwi ay mas doble ang vitamin c sa orange, may mataas na potassium at low-salt na maaaring kapalit ng saging. Ito ay may vitamins, minerals at mabuti para sa puso.

Close Bitnami banner
Bitnami