IPINAGPALIBAN na muna ng hollywood couple na sina Katy Perry at Orlando Bloom ang kanilang nakatakdang pag-iisang dibdib sa Japan bunsod ng covid-19 outbreak.
Minabuti ng powerhouse couple na huwag na munang ituloy ang kanila sanang Japanese summer wedding dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng coronavirus cases sa nasabing bansa.
Sa ngayon hindi pa tiyak ng dalawa kung kailan matutuloy ang kaniyang destination wedding na inaasahang dadaluhan ng nasa 150 guests.
Ang naturang kanselasyon ng kasalan ng international superstars ay kasunod ng big announcement ng dalawa kaugnay sa pagbubuntis ni Katy.
Valentines day noong nakaraang taon nang mag-propose si Orlando kay Katy habang lulan ng isang helicopter.