TJ BUMANLAG
HINDI na muna makakatapak ng hard court ang Orlando Magic forward player na si Jonathan Isaac dahil sa natamo nitong left knee injury.
Ayon sa pamunuan ng Magic, hindi bababa sa 2 buwan o higit pa ang magiging absent ni Isaac sa game.
Nakuha ni Isaac ang kaniyang injury sa unang quarter ng naging game nila kontra Washington Wizards kamakailan.
Nakapaglaro na si Jonathan ng kabuuang tatlumpu’t-dalawa sa tatlumput-apat na naging game ng magic ngayong season at nakakapag-average ito ng 12 points, 6.9 rebounds, 2.4 blocks, 1.6 steals at 1.4 assists per game.