SMNI NEWS
NANANATILING maganda ang ekonomiya at bumaba ang unemployment rate ng bansa.
Ito ang naging assessment ng political analyst na si Prof. Jean Franco sa nagdaang unang tatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News, sinabi ni Franco na bagamat marami pang kulang ay natutugunan naman ng administrasyong Duterte ang pang-araw araw na pangangailangan ng mga Pilipino.
“Definitely marami pang kulang at tingin ko, ang success rate ni Pangulong Duterte pagdating sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga Pilipino ay maganda, kaya siya nananatiling popular,” wika ni Franco.
Ilan sa mga halimbawa nito ayon kay Franco ay ang one-stop shop para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), pag-aayos sa aberya sa MRT, at pag-adopt sa inflation.