LEGENDARY Rocker Ozzy Osbourne
TJ BUMANLAG
KINANSELA ng rock singer na si Ozzy Osbourne ang kaniyang North American Tour dahil sa iniinda nitong sakit.
Magugunita na noong nakaraang buwan ay ibinunyag 71-anyos na rakista na may Parkinson’s disease nito.
Dahil dito, ay minabuti na lamang ng legendary singer na kanselahin ang kaniyang “No More Tours 2”.
Paliwanag ni Ozzy, mas mabuti na lamang na habang maaga pa ay kanselahin ang show kaysa simulan na ito at sa kalagitnaan ay kakanselahin din.
Noong nakaraang taon ay kinansela na rin nito ang buong tour matapos na matumba at nagka-impeksyon.
Nilinaw naman ng singer na hindi kanselado ang kaniyang European tour na magsisimula sa Oktubre a-23 sa Newcastle, England.