Pinas News
ARESTADO ang isang Colombian national na lumunok ng halos P9-million na halaga ng cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakilala ang suspek na si Alberto Pedraza Quijano na dumating sa bansa sakay ng Emirate Airlines Flight EK332 mula sa Dubai.
Inamin umano ng suspek na lumunok siya ng hindi bababa sa 70 piraso ng rubber-pellet na naglalaman ng cocaine.
Sa pahayag ng Embahada ng Amerika sa Maynila, sinabi nito na nagbigay ang US Homeland Security Investigations ng impormasyon tungkol sa “high-risk traveler” kaya naaresto ng PDEA at Bureau of Customs ang suspek.
Inaalam naman ngayon ng mga otoridad kung miyembro si Quijano ng isang malaking drug syndicate.