Ni: Ma. Leriecka Endico
ATHEROSCELORIS – ang sakit sa bahagi ng puso at isang kondisyon kung saan ang arteries ay naninigas at kumikipot. Ayon sa pag-aaral ng Journal of the American College of Cardiology, ang mga taong kadalasang nakakukuha sa sakit na ito ay ang mga taong hindi kumakain ng almusal.
Ang pagsusuri na ito ay isinagawa sa 4,000 manggagawa sa Espanya na kanilang sinundan ng 6 na taon.
Lumabas na 70% nito ang hindi kumakain ng tamang almusal habang 3% naman ang nagpapalipas nito. “This group tended to have more generally unhealthy eating habits and a higher prevalence of cardiovascular risk factors,” ayon sa kanilang ulat.
Anila, ang grupong ito ay mayroong mas mataas na posibilidad na maging hypertensive at obese. Dagdag pa nila, mas mapanganib sa grupong ito ang mga sakit na may kaugnayan sa puso.
“People who regularly skip breakfast likely have an overall unhealthy lifestyle,” paliwanag ni Valentin Fuster, Direktor ng Mount Sinai Heart Institute.
“This study provides evidence that this is one bad habit people can proactively change to reduce their risk for heart disease,” dagdag pa niya.
Samantala, ayon naman kay Prakash Deedwania, propesor sa medisina mula sa Unibersidad ng California,“Altough breakfast skippers are generally attempting to lose weight, they often end up eating more and unhealthy foods later in the day. Skipping breakfast can cause hormonal imbalances and alter circadian rhythms.”