EYESHA ENDAR
NAKATAKDANG buksan sa Marso ang satellite office ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) rescue office sa Palayan City, Nueva Ecija.
Ito ang kinumpirma ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas matapos makausap ang mga opisyal ng DFA at OWWA para maglagay ng satellite office sa kanyang probinsiya upang hindi na mahirapan ang kanyang mga kababayan na OFW sa pagkuha at pag-renew ng pasaporte.
Sinabi ng alkalde na hindi na kailangan pang lumuwas ng Metro Manila sa oras na mabuksan ang mga nabanggit na opisina.
Maging ang seaman’s book at iba pang requirement ay maaari nang kunin sa Palayan City “one stop business hub” sa oras na maging ‘full operation’ na ito.
Dagdag pa ng alkalde, libre ang pag-print, xerox, paggamit ng computer at internet sa one stop shop center for OFW (OSSCO) office.