YNA MORTEL
IBINASURA ng Sandiganbayan ang isa pang ill-gotten wealth case laban sa Pamilya Marcos dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Sa 58 pahinang desisyon, dinismiss ng Anti-Graft Court’s Special Fourth Division ang Civil Case No. 0002 laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, asawa nitong si Imelda at mga anak na sina Irene at Ferdinand Jr. kaugnay sa umano’y P200 billion ill-gotten wealth.
Ito ay matapos pagbigyan ng parehong division ang mosyon ni Ginang Marcos at kanyang anak na si Irene na humiling ng voluntary inhibition mula kay Associate Justice Zaldy Trespeses para matiyak ang impartiality sa kaso.
Ang Civil Case No. 0002 na inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong 1987 ay layong marekober ang pondo at mga ari-arian na umano’y iligal na kinuha sa kasagsagan ng termino ng dating Pangulong Marcos.