Lima katao na ang naitalang patay kasama ang dalawang bata sa pagtama ng magnitude 8.1 na lindol sa pasipiko sa timog na bahagi ng Mexico.
Nag-issue na ng tsunami warning ang mga eksperto sa Mexico, Guatemala, El Salvador, Costa Rica, Nicaragua, Panama at Honduras.
Tumagal umano ang pagyanig ng halos isang minuto.
Ayon naman kay Pres. Peña ng Mexico, makikipag-ugnayan na umano sila sa mga eksperto upang magkaroon ng disaster prevention.
Ilang serye naman ng aftershocks ang naitala matpos ang lindol kung saan ito ay may lakas na magnitude 4.9 hanggang magnitude 5.7