• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Friday - April 16, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Pangulong Rodrigo R. Duterte

PH War vs. COVID-19: Luzon under quarantine

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: QUINCY JOEL CAHILIG

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang buong Luzon sa isang buwang “enhanced community quarantine” upang pababain ang dumadaming bilang ng mga biktima ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19), na itinuturing ng World Health Organization na pandemic.

Sa pagsusulat ng artikulong ito, pumalo na sa 262 ang bilang ng confirmed cases at 19 deaths ng COVID-19 sa bansa.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, lilimitahan ang pagkilos at pakikipaghalubilo ng mamamayan upang maiwasan ang pagkalat pa ng naturang viral infection. Ipapatupad ito mula ika-17 ng Marso hanggang ika-12 ng Abril 2020.

“Movement shall be limited to accessing basic necessities, provision for food and essential health services shall be regulated, and there will be heightened presence of uniformed personnel to enforce quarantine procedures,” nakasaad sa memorandum na inanunsyo ni Pangulong Duterte gabi ng Marso a-16.

Restricted ang land, air, and sea travel. Papayagan makapasok sa bansa ang mga inbound Filipino citizens at yung mga may permanent resident visa. Subali’t kakailanganin nilang sumailalim sa quarantine procedure kung nanggaling sa mga bansa na may COVID-19 outbreak.

Suspendido rin ang mass public transportation gaya ng MRT, LRT, bus, at jeep. Papayagan lamang ang paggamit ng pribadong sasakyan kung bibili ng basic necessities gaya ng gamot at pagkain.

Dahil dito, ipapatupad ang work-from-home na scheme para sa mga empleyado na nasa ilalim ng executive branch ng gobyerno maliban sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, health and emergency frontline services, border control at iba pang critical services kung saan ipapatupad naman ang “skeletal workforce.” Ganitong work scheme din ang nais ng gobyerno na gawin ng mga pribadong kumpanya sa kanilang mga empleyado.

Sa kabila nito, tiniyak ni Secretary Eduardo Año na maglalaan ng sasakyan para sa mga health workers ang mga local government units para maihatid sila sa trabaho.

Ipinagbabawal din sa memorandum ng Malacañang ang malakihang pagtitipon. Mahigpit naman ipatutupad ang home quarantine sa lahat ng tahanan at isasara ang lahat ng nonessential establishments: “Only those private establishments providing basic necessities and such activities related to food and medicine production i.e. public markets, supermarkets, groceries, convenience stores, hospitals, medical clinics, pharmacies and drug stores, food preparation and delivery services, water-refilling stations, manufacturing and processing plants of basic food products and medicines, power energy, water and telecommunications supplies and facilities shall be open,” nakasaad dito.

Kaakibat nito ang pag-apela ng Pangulong Duterte sa mga negosyante na bigyan ng konsiderasyon ang mga manggagawang maapektohan ang kabuhayan.

“These measures may include, but shall not be limited to, moratorium on lease rentals, advancing a pro-rated thirteenth-month pay, reprieve in utility bills, and assistance to micro-, small- and medium-scale enterprises,” ayon sa memorandum.

Siniguro naman ng Pangulo na hindi pababayaan ng gobyerno na may magugutom na Pinoy habang umiiral ang enhanced community quarantine. Inatasan niya si Social Welfare Secretary Rolando Joselito Bautista na maglibot at mamigay ng supply ng pagkain.

“Just go around…maybe asking if there is somebody starving or in need of food. It behooves upon the barangay captain…this is a mandatory duty. It does not have to have a law because the proclamation itself suggests that there is really a need for you to work with government,” wika ni Duterte sa kanyang televised speech.

Samantala, pinawi ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga pangamba na mauuwi sa martial law ang ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil umano sa pagiging front-liner ng mga sundalo at pulis sa mahigpit na pagbabantay sa mga pamayanan.

“Please be assured that we are not headed towards martial law. Although public safety requires it, there is no state of rebellion, there is no state of invasion. Our enemy here is not a human being, our enemy is a virus,” paliwanag ni Guevarra.

Para sa karagdagang impormasyon at emergency situation, maaring tawagan ang Department of Health sa telephone numbers (632) 8651-7800 local 1149-1150 or (632) 165-364. Maari rin tawagan ang Research Institute for Tropical Medicine sa telephone numbers (02) 8807-2631/ 8807-2632/ 8807-2637

Pambansa Slider Ticker Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) enhanced community quarantine Luzon Metro Manila National Capital Region (NCR) Pangulong Rodrigo R. Duterte

POGO Phenomenon

March 4, 2020 by Pinas News

SINIBAK sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 19 na kawani ng Bureau of Immigration na sangkot sa “Pastillas Scandal” na pinapalusot ang mga illegal Chinese POGO workers sa bansa kapalit ang suhol na PHP10,000 kada tao. (Larawan mula sa PNA)

 

Ni: Quincy Joel Cahilig

 

MINSAN nagbiro si Pangulong Rodrigo R. Duterte  “Province of Philippines, Republic of China” sa isang pulong kasama ang grupo ng Filipino-Chinese businessmen. Binitawan ni Duterte ang naturang joke matapos siyang personal na pangakuan ni Chinese President Xi Jinping na hindi magtatayo ang China ng anumang structure sa Scarborough Shoal. May mga natuwa, mayroon din nagtaas ng kilay.

Subali’t magmula noon, naging isang running joke na ang  “Philippines, province of China” sa lipunan dahil naglipana sa Metro Manila ang mga libo-libong Chinese workers. Ang pagdagsa nila sa bansa ay bunsod ng pagyabong ng sector ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang mga POGO ay mga online gambling companies or internet casinos kung saan pwede makapagsugal ng Blackjack, Roulette, at Think Poker, kung saan may virtual dealer na totoong tao. Ngayon ay mayroong 60 POGOs sa bansa, kung saan nagtatrabaho ang nasa mahigit 250,000 Chinese nationals, na sumusweldo ng PHP80,000 hanggang PHP150,000 kada buwan. Di pa kasama sa mga bilang na ito yung mga illegal POGO.

Kahit pinapahintulutan ng gobyerno na mag-operate ang mga POGO, nakablock naman ang mga gambling websites nila dito sa Pinas at bawal tumaya sa mga ito ang mga Pinoy batay sa alituntunin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Mula nang magsimula ang mga POGO sa bansa noong 2016, limpak-limpak na salapi ang ipinapasok nila sa gobyerno kada taon. Sa unang taon ng operations,  kumita na ang pamahalaan sa mga ito ng PHP 657 milyon; PHP 3.924 bilyon noong 2017; PHP 7.365 bilyon noong 2018; at tinatayang nasa PHP8 bilyon sa taong 2019.

Dahil din sa pagdagsa ng mga Mandarin-speaking POGO workers, sumirit ang demand sa real estate at office and accommodation spaces sa Manila, Makati, at Pasay na tumaas ng 80 porsyento ang presyo ng renta. Dinaig na nga umano ng POGO sector ang Business Process Outsourcing (BPO) industry pagdating sa pagrerenta ng mga espasyo. Ang BPO tenants ay nakapagbibigay ng 6 months advance payment, samantalang ang POGO ay kayang-kaya magbigay ng 12 hanggang 24 months advance payment, kaya talaga namang tiba-tiba ang mga real estate companies sa mga ito.

Hirit ng maraming Pinoy, wala namang masama na magtrabaho ang mga Chinese sa bansa kung hindi  sila mga pasaway. Subali’t hindi gano’n ang nangyayari. Makailang beses nang nag-viral sa social media ang maraming insidenteng caught-on-cam kung saan binabastos ng mga Chinese ang mga Pinoy at maging mismong mga alagad ng batas. Nagkaroon din ng isyu ng diskriminasyon sa mga Pilipino sa isang Chinese only food park sa Las Pinas City; at maging mga kaso ng kidnapping, at prostitusyon sa loob ng POGO sector.

Kamakailan ay pumutok ang “Pastillas Scandal” na kinasasangkutan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI).  Sa isang Senate hearing, ibinulgar ni Senador Risa Hontiveros ang naturang modus kung saan nagbibigay ng PHP10,000 padulas ang ilang Chinese POGO workers sa mga tauhan ng BI para sila ay makapasok at makapagtrabaho sa Pilipinas kahit walang permit. Ang naturang suhol ay iniaabot sa mga immigration personnel nang narolyo at nakabalot sa papel na parang pastillas.  Ayon kay Hontiveros, pumapalo na sa PHP10 bilyon ang nakukurakot ng mga tiwaling tauhan ng BI mula 2016.

 

WALONG Chinese nationals ang inaresto ng Philippine National Police noong Nobyembre dahil sa pag-kidnap sa mga empleyado na nagtatrabaho sa isang Philippine Offshore Gaming Operator. Ang ganitong uri ng POGO-related crime ay isang ikinababahala ng maraming Pinoy. (Photo courtesy of PNP-AKG)

 

POGO REGULATION, IKINASA

Dahil sa mga kaso ng corruption, extortion, kidnapping, Nais i-regulate ni Pangulong Rodrigo Duterte and POGO sa bansa. Sinibak din niya ang 19 na BI personnels na sangkot sa “Pastillas Scandal.”

“I have been insisting on the ouster of all who are connected (to the illegal scheme). I think we have terminated, but there will be more. I think mayroon atang napaalis na but they should be replaced, all of them,” sabi ni Duterte, na minsang nagpahayag ng galit sa sugal.

“It’s a game for the overseas Chinese, but the thing is, this kind of, especially gambling, breeds so many things: corruption, increase in crimes of extortion and kidnapping. If you add more to this number, presently operating, you will not be able to police them all. So you have to set a number for that. It cannot be in every town and city about so many POGO games going on,” wika pa ng Pangulo.

Maging ang China mismo ay sinimulan nang tutukan ang mga POGO, na pinamumugaran umano ng ilang mga sangkot sa mga illegal activities, na tumatakas mula sa kanilang bansa.  Handa din silang makipagtulungan sa gobyerno ng Pilipinas na resolbahin ang problemang ito.

“To crack down on cross-border telecom fraud, [China’s] Ministry of Public Security has obtained a list of Chinese nationals suspected of committing long-term telecom fraud crimes abroad, who are classified as the persons prohibited from exiting China,” pahayag ng Chinese Embassy in Manila.

Ayon naman sa Bureau of Internal Revenue (BIR), mayroong P27 bilyon na tax liabilities na di pa nako-kolekta mula sa POGO sector. Sinampolan nga ng ahensya ang kanilang crackdown sa mga pasaway ng offshore gaming companies nang ipinasara nito ang Synchronization Anywhere For You, Inc., sa Pasay City, na may PHP114 milyong utang sa pamahalaan.

Hirit naman ng ilan, lalo na ang mga nasa real estate sector at mga landlords, hinay-hinay lang sa paghihigpit sa mga POGO dahil maaring magkaroon ito ng negatibong impact sa kanilang negosyo. Pero para kay Senator Sherwin Gatchalian, dapat mas unahin pa rin ng pamahalaan na pangalagaan ang seguridad ng mas nakararaming mga Pilipino.

“The situation now, as it seems, the POGO two years ago and the POGO now has typically changed. In the beginning, my sentiment is different because you see, the POGO coming here, there’s employment, there’s taxes but now, with the crime coming here, my views are totally different now. The situation has changed and we want to protect our own people from criminal syndicates coming here,” aniya.

“First option is to enforce, meaning, collect taxes, arrest the criminals. Two, if things are not happening, then we have to think whether to continue to allow POGO or not.”

 

Pambansa Slider Ticker PAGCOR Pangulong Rodrigo R. Duterte POGO

Bitay: Maibabalik na kaya?

July 16, 2019 by PINAS

Sa ngayon mas marami na ang bilang ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado, mas malaki na ang tsansa na maibalik ang parusang kamatayan sa bansa. (Larawan mula sa PCOO)

 

Ni: QUINCY JOEL CAHILIG

 

PANGUNAHING kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang pagsugpo sa droga at iba’t-ibang klase ng krimen sa bansa tungo umano sa mas mabilis na pag-unlad ng bansa.

 

Kung may kapayapaan sa mga lansangan, mas maeengganyo ang mga investors na mamuhunan at mas panatag na makakapagtrabaho ang mga empleyado. Dito nga naka-angkla ang tagline na “Change is coming”, na pinanghahawakan ng bawat Pinoy, lalo na ang mahigit 16 milyon na bumoto kay Duterte noong 2016 elections.

 

Ang electric chair ay isang paraan ng pagbitay na isinagawa sa Pilipinas, na dinala ng mga Amerikano sa bansa noong 1920s. Kabilang sa mga napatawan ng parusang ito si Marcial “Baby” Ama sa kasong murder. (Larawan mula sa Wikipedia)

 

Ang pagsasabalik ng death penalty ay isa sa mga solusyon na nakikita ng Pangulo para masupil ang masasamang elemento sa lipunan dahil hanggang sa ngayon, marami pa rin ang mga halang ang kaluluwa na gumagawa ng henious crimes.

 

“It is time for us to fulfill our mandate to protect our people. Tapos na ‘yan. For so long we have to act decisively on this contentious issue. Capital punishment is not only about deterrence, it’s also about retribution,” wika ng Chief Executive sa kanyang unang State of the Nation Address.

 

Aniya pa, kailangan bigyan ng katatakutan ang mga kriminal na walang takot gumawa ng kasamaan.

 

“In the Philippines, it is really an eye for an eye, a tooth for a tooth. You took life, you must pay for it with life. That is the only way to even. You cannot place a premium on the human mind that he will go straight,” aniya.

 

Panahon pa ng mga Kastila, umiiral na ang capital punishment o death penalty sa bansa. Kabilang nga sa mga napatawan nito ang mismong Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal na in-execute by firing squad. Noong 1920s, dinala ng mga Amerikano ang pagbitay gamit ang silya elektrika para sa capital crimes gaya ng rape, treason, at murder. Subali’t 1950 na nang unang nagamit ito sa pagbitay kay Julio Gullien dahil sa tangkang pagpatay kay Pangulong Manuel Roxas.

 

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos ay tumaas ang bilang ng mga nabitay nguni’t nang mapatalsik siya sa pwesto, pansamantalang nahinto ang pagpataw ng death penalty sa ilalim ng 1987 Constitution. Ibinalik naman ni Pangulong Fidel Ramos ang capital punishment gamit ang gas chamber, electric chair, at lethal injection bilang tugon sa noo’y lumalalang bilang ng krimen sa bansa at nagpatuloy ito hanggang sa administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada. Taong 2006, sinuspinde ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang death penalty sa bisa ng Republic Act 9346.

 

PAGBITAY DAPAT ISAPUBLIKO

Sa ikatlong taon ng Duterte administration tinatayang mas malaki na ang tsansang maibalik ang death penalty dahil sa pagkakapanalo ng mga senador na kaalyado ng Pangulo sa nagdaang midterm elections.

 

Sa katunayan, bago ang pagbubukas ng ika-18 Kongreso, kasama ito sa mga inihain na mga panukalang batas ng mga kilalang kaalyado ng administrasyon na sina senador Bong Go, Ronald Dela Rosa, at Manny Pacquiao, at maging si Panfilo Lacson na kasapi ng majority block.

 

Halos magkakapareho ang panukala ng mga mambabatas na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga henious crimes at mga high-profile drug criminals. Nguni’t sa version ni Lacson, kasamang papatawan ng bitay ang mga guilty sa plunder, rape, murder, terrorism, treason, at human trafficking.

 

Nais isulong ni Sen. Ronald dela Rosa ang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad, na dapat ay mapapanood ng publiko para hindi pamarisan ang mga kriminal. (Larawan mula sa PNA)

 

Kung tatanungin si Senador Ronald dela Rosa, kung maibabalik ang bitay, ang gusto niyang paraan ay sa pamamagitan ng firing squad. Ito aniya ang isa sa kanyang pangako noong kampanya na pilit umano niyang tutuparin.

 

“I have no other campaign promise or platform when I run for Senator except for death penalty for drug trafficking. I have to do that. The people voted for me and I won with that platform,” wika ni dela Rosa sa mga kawani ng media sa nakaraang PNP Civil Security Group–Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA) 2019 Stakeholders’ Summit sa Camp Crame, Quezon City.

 

Gusto ng bagitong senador at dating Philippine National Police chief na isapubliko ang mga executions para di pamarisan ang mga kriminal.

 

“If you want, we can have it through firing squad in a plaza covered live by media so that the people will be reminded not to be lured into this activity,” aniya.

 

Subalit nilinaw ni Dela Rosa, na dating chief ng Bureau of Corrections, na mga high-profile drug offenders lang ang dapat bitayin.

 

“Not for all crimes. As I have said, small-time drug peddlers, pushers or users won’t be included. My version of the death penalty is for drug trafficking, those who flood the country with illegal drugs. There should be a ceiling. For example, if you are caught in possession of at least 1 kilo of shabu, you are classified as a drug trafficker. It can be like that,” paliwanag ni Dela Rosa.

 

Bagama’t dehado sa bilang, di basta-basta palulusutin ng minority block sa Senado ang panukalang ibalik ang death penalty ayon kay Senate Minority leader Franklin Drilon. (Larawan mula sa PNA)

 

DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM

Sa kabila ng ingay ng pagbabalik ng bitay, ipinahayag naman ni Senate Minority leader Franklin Drilon na hindi basta-basta makakalusot ang panukala sa Senado. Nangako si Drilon na matinding pagkontra ang gagawin ng minority block sa hakbang na muling maisabatas ang death penalty– kahit na dehado ang kanilang bilang pagdating sa plenaryo.

 

“We are prepared to fight it all the way. It will be a tough fight considering that it is administration-backed legislation and a number of senators have openly endorsed its passage. Let alone our diminished number in the Senate,” wika ni Drilon. “Notwithstanding these difficulties, we will do our best to prevent it. We will never allow the 18th Congress to give license to authorities to kill the poor.”

 

Wika pa ng beteranong mambabatas, hindi sagot ang death penalty para masugpo ang krimen dahil sa mga butas sa justice system.

 

“It has been proven time and again that capital punishment is not an effective deterrent to crimes. Only the poor will be made the victim of this measure,” sabi ni Drilon.

 

Tila hati naman ang opinyon ng mga mamamayan sa panukalang ito. Ayon sa survey ng Social Weather Stations, pito sa 10 Pinoy ang tutol na muling ibalik ang parusang kamatayan para sa ilang “serious crimes.” Subalit 47 porsyento ang gustong maibalik ang parusang bitay para sa kasong “rape under the influence.”

 

Pambansa Slider Ticker Pangulong Rodrigo R. Duterte Quincy Joel Cahilig Senador Ronald dela Rosa Senate Minority Leader Franklin Drilon

Mandatory ROTC, magbabalik

June 3, 2019 by PINAS

Isinusulong ni Senador Manny Pacquiao na gawing mandatory uli ang ROTC sa mga estudyante upang maturuan ang mga ito ng disiplina, paggalang sa awtoridad, at pagmamahal sa bayan.

 

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

MAUGONG ngayon ang panukalang muling gagawing mandatory para sa mga estudyante ang sumailalim sa Reserved Officers Training Course (ROTC). At mismong si Pangulong Rodrigo R. Duterte ang nangunguna sa panawagang ibalik ang programa na malaki umano ang magagawa upang madala sa tamang landas ang mga kabataan.

Noong nakaraang taon hinimok niya ang K­ongreso na magpasa ng batas na gagawing requirement ang ROTC training para sa grade 11 at 12 upang maitanim sa mga kabataan ang patriotism o pagmamahal sa bayan.

Nagbanta pa ang Pa­ngulo na kung hindi ito aaksyunan ng Kongreso, mapipilitan siyang maisakatuparan ito sa pamamagitan ng Executive Order.

“‘Pag madala ng EO siguro, Executive Order baka mapilitan ako if they do not act on it. I said that this is a constitutional requirement that you must prepare to defend your country,” wika ni Duterte.

Nakikita kasi ng P­angulo ang panga­ngailangan nitong ROTC program dahil sa patuloy na banta ng iba’t-ibang terrorist groups. Lalo pa’t malaki ang naitulong ng mga 524 military reservist upang masupil ng pwersa ng pamahalaan ang te­roristang Maute Group sa naganap na Marawi Siege noong 2017.

 KONGRESO UMAKSYON 

Inaksyunan naman ng Kongreso ang panawagan ng Pangulo at kamakailan ay naipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang ROTC bill sa botong 167-4-0.
Sa ilalim ng panukalang batas na ito, ang ROTC program ay magiging requirement para sa mga estudyante sa Grades 11 at 12 sa lahat ng pampubliko at pribadong senior high school sa buong bansa.

Subalit exempted sa ROTC ang mga estud­yanteng physically or psychologically unfit; mga sumailalim na sa parehong military training; yung mga varsity players ng paaralan; at yung mga maaring i-exempt sa ibang rason na aprubado ng Department of National Defense, ayon sa rekomendasyon ng paaralan.

Mahigpit din ipinagbabawal sa paggamit ng ROTC training para sa political objectives at sa pagtuturo ng political ideology sa mga estud­yante.  Bawal din ang hazing o anomang uri ng physical at mental abuse.

Kabilang sa mga nagsusulong na ibalik ang ROTC program si Senador Manny Pacquiao, na naniniwalang napapanahon ito dahil nagkukulang na umano sa disiplina ang mga kabataang Pinoy ngayon.

“The youth of today lacks basic discipline due to the lack of exposure to military training. Let us remember that a di­sciplined youth produces a good society. Iba ang di­siplina na hatid ng ROTC,” sabi ni Pacquiao.

Siya ang may akda ng Senate Bill 189 na naglalayong maibalik ang mandatory military training sa Grade 11 at Grade 12 para maihanda ang mga kabataan sa pagtugon sa national defense at natural disasters.

“Hindi natin pwedeng pabayaan ang ating mga kababayan sa panahon ng mga sakuna. Kailangan natin ng reservists upang tumulong sa relief and rescue assistance sa gitna ng mga nagbabadyang sakuna sa loob at labas ng ating bansa. Mas mabuti na yung lagi tayong handa,” ani Pacquiao.

“Our government should not compromise the security of our land and the welfare of our people. Let us remember that reinstating the ROTC is consistent with the constitutional mandate that the government may call upon the people to defend the state,” dagdag ng world boxing champ-turned-lawmaker.

Ganito rin ang pa­nanaw ng chairman ng Senate subpanel na si Senador Sherwin Gatcha­lian, na naghain ng Senate Bill 200 na naglala­yong mare-institutionalize ang mandatory military at civic ROTC sa lahat ng colleges, universities, at vocational schools sa bansa.

“Hopefully with the proper training, with the right program, this strong sense of discipline and strong sense of purpose, will translate to a highly skilled society that can respond when the nation calls us,” wika ni Gat­c­halian.

Nasa kamay na ng Senado ang pag-apruba ng batas sa pagbabalik ng mandatory ROTC. Nga­yong marami ang mga senador na supporters ni Pangulong Duterte, hindi malayong matupad ang kaniyang panawagan.

PANG-AABUSO, DI NA UUBRA

Taong 1912 nagpasi­mula ang ROTC program sa college students sa Pilipinas. Subalit noong 2002, tinanggal ito ng noo’y pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at pinalitan ng National Service Training Program (NSTP law). Binigyang diin nito ang option ang mga estudyante kung alin sa tatlong components ng NSTP ang gusto nilang kunin, kung saan kabilang ang ROTC, na naging voluntary din.

Sa ilalim ng ROTC program, sasailalim ang mga estudyante sa military training upang maihanda sila sa emergency situations at para maging reservists at potential commissioned officers ng Armed Forces of the Philippines.

 

Ang pagtanggal sa mandatory ROTC ay bunsod ng maigting na panawagan na buwagin ang programa dahil sa pagkamatay ng ilang kadete dahil sa hazing. Kabilang sa mga biktima ang estudyante ng University of Santo Tomas na si Mark Welson Chua, na natagpuan ang bangkay na lumulutang sa ilog Pasig matapos niyang i-expose ang mga ano­malya sa kanyang ROTC unit.

Sa paglipas ng halos dalawang dekada, umusbong ang panawagan na buhayin ang mandatory ROTC sa mga eskwelahan. Kung tatanungin si Education Secretary Leonor Briones, dapat lang na muling g­awing requirement para sa graduation ang ROTC dahil kailangan umanong p­alakasin pa ang p­wersang magtatanggol sa bansa sa oras ng pa­nganib. Kaya naman naghahanda na ang kanyang kagawaran sa pagbalangkas ng mga provisions para sa maa­yos at ligtas na pagpapatupad ng military training sa mga eskwelahan.

“I think we need ROTC now so that we have a source of defense. We cannot be relying on other countries to defend us. We have to rely on ourselves,” wika ni Briones.

Para di na maulit pa ang mga pag-abuso, ipinanukala ng Department of Education (DepEd) na bumuo ng isang ROTC Instructors Academy na magtatakda sa mga instuctors mula sa DepEd, Department of National Defense (DND), at Armed Forces of the Philippines na sumailalim sa capacity-building training para protektahan ang mga estudyante laban sa korapsyon at hazing.

“DepEd has proposed and an ROTC Instructors Academy is already incorporated in the Senate version where all those who will be teaching ROTC, whether coming from the AFP or DepEd, or from DND, they will undergo capacity-building training so that all the necessary laws, policies, guidelines and approaches will be given to them,” wika ni DepEd Undersecretary Alain Pascua.

Kasama rin sa plano ang pagtatatag ng grievance committees mula district level hanggang national level. Ang mga ito ay may kapangyarihang mag-imbestiga at umusig laban sa mga reklamo ng pang-aabuso sa ROTC.

Magkakaroon ng Joint Congressional Oversight Committee kung saan magre-report ang DepEd at DND patungkol sa programa sa loob ng two-year pilot ROTC implementation sa mahigit kumulang 100 na pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Pambansa Slider Ticker Alain Pascua Department of Education (DepEd) Department of National Defense (DND) DepEd Sec. Leonor Briones Gloria Macapagal-Arroyo Mark Welson Chua National Service Training Program (NSTP) Pangulong Rodrigo R. Duterte PINAS Reserved Officers Training Course (ROTC) Senador Manny Pacquiao

The end of ‘endo’

June 3, 2019 by PINAS

Tinawag na historic ni Senator Joel Villanueva, principal author ng End Endo Bill, ang pagpasa ng panukala sa Senado. “This has been 20 years in the making. Thank you so much dear colleagues for all your support. To God be the glory!” aniya sa social media.

 

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

ISA sa pinaka mahalagang pangako na binitawan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa simula pa ng kanyang termino noong 2016 ang pagwawakas sa kalakaran ng illegal contractualization sa bansa.

Ang sabi ng Pangulo, layon nito na iangat ang kalagayan ng mga manggagawang Pinoy at ang pagbabasura ng illegal contractualization o “endo” ang unang hakbang para maisakatuparan ito.

Maraming manggagawa ang umaasa na tuluyan ngang tutuldukan ng Pangulo ang endo (end of contract), na  sinisisi  kung bakit maraming Pinoy workers ang hirap makaahon sa kahirapan. Dahil sa kalakarang ito walang security of tenure at oportunidad ang marami na magkaroon ng permanenteng trabaho. Ito ang nagtutulak sa ibang manggagawa na magtrabaho na lamang sa ibang bansa kahit na mapalayo sa kanilang pamilya.

Sa ilalim ng endo s­c­h­eme kumukuha ang kumpanya ng mga empleyado na may fixed-term, kung saan ang kanilang kontrata ay di pinapaabot ng mahigit anim na buwan upang maiwasan na ma-regularize ang mga ito. Itinatakda ng Labor Code na kung ang isang empleyado ay mahigit anim na buwan nang naninilbihan sa kumpanya, dapat na itong ma-regularize at makamit ang mga mandated benefits gaya ng SSS, Pag-Ibig, Philhealth, at leave benefits.

Bilang pagtupad sa kanyang pangako, noong nakaraang taon, ibinaba ni Duterte ang Executive Order 51 na nagbabawal sa endo. Sa pamamagitan nito, pinatawan ng karampatang aksyon ang mga kumpanyang na tumatanggap pa rin ng manggagawa sa ilalim ng endo scheme. Sa aksyong ito ng pamahalaan, mahigit 400,000 na mga manggagawa ang naging regular employees.

Nguni’t aminado ang Pangulo na hindi  sapat ang EO upang tuluyang malutas ang isyu. Kaya nanawagan siya sa K­ongreso na magpasa ng anti-endo na batas, at ito ay “certified as urgent” ng chief executive.

“This is why my administration has implemented measures within its powers to afford full protection to labor and promote equal work opportunities for all,” wika ni Duterte.

KONGRESO TODO SUPORTA

Bago magtapos ang 17th Congress, ipinasa ng Senado ang Senate Bill No.1826 o ang Security of Tenure and End of Endo Act, na naglalayong tuldukan ang mapang-abusong work schemes.

Sa botong 15-0 inaprubahan ng Mataas na Kapulungan sa third and final reading ang panukalang mag-aalis sa labor-only contracting o endo. Sa nakatakdang bicameral conference ay pagtatahiin  ng Senado at ng Kongreso ang k­ani-kaniyang bersyon ng anti-Endo bill bago ihain kay Pa­ngulong Duterte para mapirmahan ito at mapasabatas.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources, minarapat ng Senado na isulong ang pagwawakas ng endo sapagkat mahigit 1.9 milyong mga manggagawa sa pribadong sektor ang apektado nito.  Nasa tatlo sa 10 Pinoy workers ang hindi nagiging regular at isa sa dalawang non-regular workers ang contractual. Batay din sa mga ulat, ang endo ay palasak sa mga industriya ng wholesale and retail trade, manufacturing, food service, at crop and animal production.

“We longed for this day to come, especially our workers who have suffered because of the evils of endo, a practice which corrupts the dignity of labor,” wika ni Villanueva, na principal author at sponsor ng bill.

Sa ilalim ng panukala, papayagan lamang ang labor-only contracting sa mga sumusunod na kundisyon:  Ang job contractor ang magsu-supply, magre-recruit, at magbibigay lamang ng workers sa isang contractee; ang mga workers na ibibigay sa contractee ay gagawa ng mga trabahong may kaugnayan sa core business ng contractee; at  ang contractee ang may direct control sa mga workers na ibinigay ng contractor.

Nakasaad din sa panukala ang pag-classify sa mga empleyado bilang regular, probationary, project, at seasonal. Ang mga project at seasonal workers ay may parehong karapatan sa regular na empleyado gaya ng minimum wage at social protection benefits sa panahon ng kanilang pagtatrabaho.

“The provision trims down the employment arrangements and addresses the current practice of misclassifying employees to prevent them from obtaining regular status,” wika ni Villanueva.

Pinuri naman ng pinakamalaking labor group sa Pinas, ang  Trade Union Congress of the Philipines (TUCP) ang hakbang ng Senado.  Malaki umano ang maitutulong ng naturang batas upang palakasin ang productivity ng mga manggagawa, kung saan ang mga employers din naman ang makikinabang dahil pabababain nito ang kanilang production at training costs.

“It means having an experienced and loyal workforce for employers treating their workers fairly. After all, our labor market model should not be sweatshop countries like Bangladesh. By equipping our workers with world-class labor standards, we help them make world-class products,” pahayag ni TUCP president Raymond Mendoza.

 INVESTMENTS TATAMAAN NGA Ba?

Sa kabilang banda, nangangamba  ang Employers Confederation of the Philippines (ECoP) na maaring bumagsak ang foreign direct investment at local investment sa bansa kung tuluyang ipagbabawal ang contractualization sa bansa.

“We fear that we will lose foreign direct investment and local investment….if you prohibit contracting and sub-contracting, why would investors come here?,” wika ni ECoP President Sergio R. Ortiz-Luis.

Aniya, kung ipagbabawal na ang contractualization, lubhang tatamaan ang industriya ng Business Process Outsourcing na nagbibigay trabaho sa maraming Pinoy.

Ganito rin ang sentimiyento ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) chairman George T. Barcelon. Aniya maraming manpower para sa foreign direct investment ang tatamaan dahil short-term contracts ang ipinapatupad dito.  ”Foreign Direct Investment will be affected… a lot of exports are seasonal in nature.”

Paliwanag naman ni Villanueva, ang pagtanggal sa endo ay hindi ­n­aglalayong ilagay sa ala­nganing sitwasyon ang mga kumpanya,  kundi pagibayuhin pa ang proteksyon ng mga manggagawa ayon sa itinatakda ng Saligang Batas.

“Ending endo is not anti-business. Guaranteeing the right to security of tenure gives our workers certainty and social protection. It makes them more efficient and more productive which is the primary concern of every business. Being pro-worker and pro-­industry at the same time is not an impossibility,” iginiit ng mambabatas.

“We listened to the concerns of various stakeholders, and took these into account in putting together this bill. We believe this measure protects the interests of all parties concerned,” wika pa ni Villanueva.

Pambansa Slider Ticker chairman George T. Barcelon Employers Confederation of The Philippines (ECOP) Pangulong Rodrigo R. Duterte Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Senator Joel Villanueva The End of 'ENDO' Trade Union Congress of the Philipines (TUCP)

Media: Katuwang ng gobyerno sa pagbabago

May 27, 2019 by PINAS

Lumilibot sa iba’t-ibang panig ng bansa si PCOO Secretary Martin Andanar upang pangunahan ang Dismiss Disinformation Campaign ng pamahalaan.

 

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

PARA sa isang mamamayan na nabubuhay sa makabagong panahon, hindi pwedeng wala siyang access sa mass media dahil nakasalalay dito ang pagdesisyon niya araw-araw sa mga mahalagang bagay at gawain.

Malaki ang impluwensiya ng mga balitang nasasagap sa desisyon kung paano maglalakbay sa pupuntahan, paano pagkakasiyahin ang badyet para maitawid ang buong linggo, at maging ang damit na isusuot ayon sa lagay ng panahon.

Ganoon kahalaga ang mass media. Tungkulin­ ng media sa lipunan maging tagapaghatid ng tamang impormasyon at tagatuklas ng katotohanang huhubog sa kaa­laman, paniniwala, at opinyon ng mga mamamayan.

Kaya naman nakaatang sa balikat ng mga manunulat sa pahayagan at mga broadkaster sa radio at telebisyon ang responsibilidad na itaguyod ang tama, makatarungan, at makatwiran.

Sa isang demokrasya, ang media ang tumata­yong watchdog o ta­gapagbantay ng public interest laban sa katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga opisyal ng gobyerno o sinumang maimpluwensyang tao. Ito ang Fourth Estate ng Estado na dapat natatakbuhan ng mamamayan sa kanilang paghahanap ng katotohanan upang makamit ang katarungan.

Kaya naman sa isang demokratikong bansa gaya ng Pilipinas, maha­lagang mapangalagaan ang kalayaan sa pamamahayag. Ito ang puntong binigyang­ diin ni United Nations­ Secretary-­General ­Antonio Guter­res.

“A free press is essen­tial for peace, justice, sustainable development and human rights. No demo­cracy is complete without access to transparent and reliable information. It is the cornerstone for building fair and impartial ins­titutions, holding leaders accountable and speaking truth to power,” wika ni Guterres sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day kamakailan.

Dulot ng paglago ng teknolohiya ang mabilis na palitan ng impormasyon sa mundo. Subali’t may ilan na ginagamit ito sa pagpapalaganap ng maling impormasyon na may mga negatibong epekto sa lipunan.

 

Ayon sa mataas na o­p­isyal ng UN ginagamit ng ilang sektor ang maunlad na teknolohiya upang iligaw ang kaisipan ng publiko, at para maghasik ng pagkakabaha-bahagi, karahasan, at poot sa lipunan.

“Civic space has been shrinking worldwide at an alarming rate. And with anti-media rhetoric on the rise, so too are violence and harassment against journalists, including women,” ani Guterres.

Batay sa ulat ng United­ Nations Educational Scientific and Cultural ­Organization (UNESCO), nasa 100 journalists ang pinatay noong 2018 samantalang daan-daan ang ikinulong—bagay na ikinababahala ni Guterres.

“When media workers are targeted, societies as a whole pay a price. I call on all to defend the rights of journalists, whose efforts help us to build a better world for all,” aniya.

PRESS FREEDOM, PROTEKTADO

Nakahandang tumugon ang gobyerno ng Pilipinas sa panawagan ng UN secretary general dahil batid ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ang media ay katuwang ng pamahalaan sa pagsusulong ng reporma tungo sa pag-unlad ng bansa.

Nangangamba si United Nations Se         cretary-General Antonio Guterres sa mataas na bilang ng media killings at impunity sa buong mundo kaya nananawagan siya na protektahan ang kalayaan sa pamamahayag.

 

“Asahan niyo po na patuloy na irerespeto ng Duterte administration ang press freedom sa bansa, taliwas sa mga alegasyon ng ilan,” wika ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Aniya, isang katuna­yan­ ay ang pagbuo ng Pangu­lo sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), na inaprubahan ng Pangulo sa unang buwan pa lang ng kaniyang termino, upang lutasin ang mga harassment at media killings sa bansa.

“Tayo naman po ay kaisa ng lahat ng mediamen sa bansa at sa buong mundo sa pagsusulong at pangangalaga sa karapatan sa press freedom,” dagdag ni Andanar.

Ayon naman sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), mula 2016, mayroong 28 reports ng iba’t-ibang pag-atake sa media workers. Kabilang dito ang media killings, online harassment, pag-aresto, at pagsibak sa mga online articles na tumutuligsa sa maimpluwensyang mga tao. Mas mababa umano ang naturang bilang kumpara sa mga naitala noong mga nagdaang administrasyon.

Sa 2019 World Press Freedom Index ng Reporters Without Borders, ang Pilipinas ay nag rank sa ika-134 sa 180 na bansa; bumaba ng isang puntos mula 133 noong 2018. Ang pinakamataas na ranking na nakuha ng Pilipinas ay 127 noong 2017, samantalang ang pinakamababa naman ay 149 noong 2014.

Samantala, siniguro ni Salvador Panelo, spokesman ng Presidente, na patuloy na isusulong ni Pangulong Duterte ang press freedom sa bansa sa kabila ng mga pagtuligsa ng ilang kawani ng media sa kaniyang liderato.
“As he himself said to the members of the media and by paraphrasing the words of Evelyn Beatrice Hall in her book entitled, ‘The Friends of Voltaire’, ‘I may not agree with what you have to say, but I’ll defend to the death your right to say it,’” sabi ni Panelo.

Dagdag nito, nagpatupad ang pamahalaan ng mga pagbabago sa mga state-run media organizations tulad ng pagpapabuti ng pasilidad ng People’s Television (PTV-4), pagtatayo ng mga Broadcast Hubs sa Davao at Cordillera, at ang pagbubukas ng Salaam TV, ang kauna-unahang Muslim-orien­ted television channel sa bansa. Sa hinaharap naman ay ilulunsad na rin ang Lumad TV.

“The Duterte administration assures members of the press that it will support them in the free exercise of their profession and in crafting accurate, fair and non-partisan reports for the Filipino people,” sabi ni Panelo.

TARGET: FAKE NEWS

Patuloy pa rin ang kampanya ng PCOO kontra sa fake news sa pamamagitan ng Dismiss Disinformation advocacy program. Umiikot sa buong bansa si Andanar para supor­tahan ang state-run me­dia organizations sa pagtuturo sa publiko ng pagtukoy kung tama ba o mali ang impor­­m­asyong nakakalap mula sa internet.

Naniniwala rin ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na dapat ngang matutukan ang lumala­lang problema ng disinformation sa bansa dahil apektado rin ang kredibilidad ng media.

“In terms of news disinformation, ito ang pinakasagad. Organized trolls, fake news,” sabi ni NUJP national media safety officer Sonny Fernandez.

Kaya naman, wika ni Andanar, kailangan himukin na maging mapagbantay ang mga social media users hinggil sa mga online information na maaaring black propaganda.

“But because we are living in a democratic government in which social media democratized information through ‘free press,’ we must face the challenge of the 4th Estate and as a new platform of information,” sabi ng PCOO chief.

Nguni’t paano nga ba malalaman kung may disinformation? Ayon kay Andanar, una, kailangang matukoy kung legitimate o mapagkakatiwalaan ang pinagmulan ng impormasyon. Pangalawa, basahin ang buong artikulo at suriin kung tama at hindi nagbabago ang mga detalye. Kung hindi pumasa sa mga pamantayang ito, huwag basta-basta i-share upang hindi kumalat pa ang fake news.

Payo naman ng multi-awarded at batikang broadcast journalist na si Jessica Soho, huwag gawing batayan ang dami ng shares at likes ng isang artikulo sa social media para masabing totoo ito.

“Truth is not based on the number of likes and shares, your source of news should not be your Facebook news feeds but legitimate news sour­ces,” wika ni Soho, na recipient ng UP Gawad Plaridel 2018.

Pambansa Slider Antonio Guter­res Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) Jessica Soho National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Pangulong Rodrigo R. Duterte PCOO PCOO Secretary Martin Andanar Presidential Spokesman Salvador Panelo Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Sonny Fernandez United­ Nations Educational Scientific and Cultural ­Organization (UNESCO)

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.