PANGULONG Rodrigo Roa Duterte
YNA MORTEL
BINIGYANG diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kayang putulin ang relasyon ng Pilipinas at ng China.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year kamakailan.
Ayon sa pangulo, ang pagdiriwang ay maituturing na isang bagong simula at pag asa para sa pag-unlad ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagyakap ng mga Pinoy sa pagdiriwang ng Chinese New Year na parang sariling selebrasyon ay patunay ng matatag na ugnayan ng Pilipinas at China na pinatatag ng panahon.
Samantala, hinikayat din ng Malakanyang ang publiko na manatiling mapagkumbaba at matalino ngayong taon ng ‘metal rat.’