Pangulong Rodrigo Roa Duterte
OFW deployment ban sa Kuwait: Matatapos na ba?
Ni: Quincy Joel V. Cahilig
NAKATAKDANG lagdaan ng Pilipinas at Kuwait ang memorandum of understanding (MOU) sa Abril, kung saan nakasaad ang mga probisyon na nagbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa sari-saring pang-aabuso sa kanilang pagtatrabaho sa naturang Gulf State.
Nakasaad sa naturang kasunduan, na bunga ng pagpupulong ng mga opisyal ng dalawang bansa sa Maynila kamakailan, ang mga sumusunod: Ang pagbabawal sa mga Kuwaiti employer na kunin ang pasaporte ng empleyadong OFW; pagkakaroon ng sariling bank account ng OFW upang mamonitor ng gobyerno kung tama ang pagpapasahod ng employer; ang pagkakaroon ng Standard Employment Contract sa pagitan ng OFW at kaniyang amo; probisyon sa pagbibigay ng wastong pagkain, bahay, pananamit, at health insurance; pagbabawal sa mga employer na kumpiskahin ang cellphone at ibang communication gadgets ng OFW; at ang pagbabawal sa mga employers na ipasa sa ibang amo ang mga OFW nang walang pahintulot.
Kabilang din sa MOU ang pagsiguro na hindi bababa sa USD 400 o nasa PHP 20,000 ang sweldong tatanggapin ng OFW mula sa kanyang amo kada buwan.
Ang final draft ng MOU ay nasa mga kamay na ni Pa-ngulong Rodrigo R. Duterte. Inaalam na lamang kung sa aling bansa pipirmahan ang kasunduan sa unang linggo ng Abril, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Napipinto na kaya ang wakas ng total deployment ban?
Matatandaang nagpatupad ng total deployment ban ng OFW sa Kuwait ang Department of Labor and Employment, ayon sa utos ni Pangulong Duterte, matapos ang pagkakadiskubre sa bangkay ng Filipina household worker na si Joanna Demafelis na nakasilid sa freezer sa loob ng isang abandonadong apartment sa naturang Gulf State nitong Pebrero.
Bukod pa sa kaso ni Demafelis, maraming sumbong ng pangaabuso sa mga OFWs sa nasabing bansa ang natanggap ng Overseas Wor-kers Welfare Administration, na nagtulak sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno ng Pilipinas na suportahan ang natu-rang hakbangin ng Pangulo.
Ngunit daan-daang mga manggagawang Pinoy na nakatakda na sanang lumipad at magtrabaho sa Kuwait ang naapektuhan ang kabuhayan ng deployment ban. Nananawagan ang mga ito na pahintulutan na silang makapagtrabaho sa nasabing bansa upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya at mabawi ang mga ginastos sa pagproseso ng kanilang mga papeles.
Bago ipatupad ang ban, isa ang Kuwait sa mga pa-ngunahing bansang pinupuntahan ng mga OFWs. Base sa datos, nasa 240,000 na mga Pinoy ang nagtatrabaho dito. Umabot naman sa USD 735 milyon o katumbas ng PHP 37.5 milyon ang halaga ng OFW remittances mula Enero hanggang Nobyembre 2017.
Paglilinaw ni DOLE Se-cretary Silvestre Bello III, kahit mapirmahan ng Pilipinas at Kuwait ang MOU ay hindi nangangahulugang tatanggalin na ng gobyerno ang total deployment ban. Aniya, baka ang mga skilled workers muna ang pahihintulutang makapagtrabaho sa nasabing Gulf State.
“If there will be a signing, this is one step towards the possible lifting [of the deployment ban], pero I also made a statement [na] if there will be a lifting, it will only be for a moment a lifting of the ban with respect with the skilled workers,” wika ni Bello.
Dagdag ng kalihim na ang pagtatanggal ng deployment ban ay nakadepende rin sa takbo ng kaso ni Demafelis dahil nais umano ni Pangulong Duterte na makuha ang hustisya para sa pinaslang na 29-anyos na household service worker na tubong Iloilo.
Sa kanyang talumpati sa graduation exercises ng Philippine National Police Academy Maragtas Class of 2018, inilahad ng Pangulo ang kaniyang mga kundisyon para alisin ang total deployment ban sa Kuwait, na dapat aniya ay nakasaad sa MOU bago niya ito pirmahan.
“I demanded that it will be a contract of government-to- government and that there will be some mandatory provisions like they [domestic helpers] should be allowed to sleep for 7 hours a day, fed nutritious food. We will not allow leftovers to be eaten by our countrymen,” wika ni Pangulong Duterte.
Sinabi din ng Pangulo na pagbabawalan niya ang pagkukumpiska sa mga pasaporte ng OFWs at dapat ay pinahihintulutan sila na makapag-holiday.
“I have said that we are not slaves. Maybe our only fault is that we are poor,” wika ni Pangulong Duterte.
Senado: Deployment ban, dapat palawakin
Kung tatanungin ang mga senador, ang OFW deployment ban ay hindi lang dapat ipataw sa Kuwait kundi ma-ging sa mga bansa na alipin ang pagtingin sa mga Pilipinong manggagawa.
Kamakailan ay inihain sa Senado ang Senate Resolution 676, na orihinal na akda nina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Sonny Trillanes, na nagrerekomendang ipagbawal ang pagpapadala ng mga Filipino household workers sa mga bansang walang paggalang sa kanilang mga karapatan na nagpapahintulot sa mga employers ang pagkuha at pagtago ng mahahalagang papeles at cellphone, gayon din ang pagbebenta sa mga OFWs na parang mga alipin.
Ang nasabing resolusyon ay inisponsoran ni Senate President Aquilino Pimentel III at sinoportahan ng lahat ng miyembro ng Mataas na Kapulungan.
“However, we can—and we should—limit the places where they seek employment in to only those countries that provide Filipino workers the same rights and protections given to nationals of that country,” wika ni Pimintel sa kanyang talumpati.
Dagdag pa niya, mara-ming Pilipino ang na-ngingibang bansa upang makapaghanap ng trabahong makapagbibigay sa kanila ng malaking sweldo para matugunan ang pa-ngangailangan ng kanilang pamilya. At hangga’t hindi sapat ang oportunidad ng trabaho sa bansa, asahan na magpapatuloy ang pag-lipad ng mga manggagawang Pinoy sa abroad—sa kabila ng mga kinakaharap na panganib at kalumba-yan—para lang makaahon sa kahirapan.
Dahil dito, nararapat lamang aniyang bigyang proteksyon ng gobyerno ang mga OFWs.
“Let us put an end to the practice of allowing our citizens to fall into the hands of cruel people who make no distinction between slaves and staff. The Filipino is not a slave,” pagtatapos ni Pimentel.
Ready set go! Na ba?
Pinas News
NAG-UMPISA sa biro ngunit hindi inaasa-han na marami palang nais sumuporta kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa pagtakbo nito sa senatorial race sa susunod na taong eleksyon.
Kahit si Bong Go ay hindi niya inaasahan na darating sa puntong seseryosohin ng kanyang mga kasamahan sa gobyerno ang pagtakbo niya sa pagkasenador.
Hinikayat siya ng mga tagasuporta sa “Ready! Set! Go!” movement na inilunsad sa Intramuros, Manila kamakailan lang para lamang tumakbo siya sa senatorial race sa darating na halalan.
Hindi rin naman karaniwang tao ang dumalo sa movement na pinangunahan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. Dinaluhan ito ng mga cabinet officials kabilang si Labor Secretary Silvestre Bello III, Foreign Affairs Se-cretary Allan Peter Cayetano, Trade Secretary Ramon Lopez at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Ngunit sa kabila ng mga panawagan ay naging matigas pa rin si Go sa kanyang panindigan.
Dahil hindi sumagi sa ka-nyang isipan na pumasok sa pulitika tanging hangad lamang niya ay mapagsilbihan si Pangulong Rodrigo Duterte hangga’t sa kanyang huling hininga.
Ngunit naging masaya na rin si Go dahil mismo ang dating Davao City mayor na pangulo na ngayon ng bansa ang nag-endorso sa kanya para sa pagkasenador.
Itinuturing niyang ta-gapagpayo, mentor, at ka-nyang boss ang pangulo kaya naman ay hindi nito matatanggihan ang kagustuhan nito.
Pero para sa kanya ay napakaaga naman para pag-isipan niya ang mga ganung bagay. Pagtuunan muna ni Go ang 24-oras na makapagsilbi sa pangulo.
Una nang itinuro ng pabiro ni Pangulong Duterte si Go para sa Senate race sa susunod na taon na sinegundahan naman ng anak nito na si Davao Mayor Sara Duterte sa pabirong pagtawag kay Go na senador hanggang sa humantong ito sa paglunsad ng kampanya ng mga Cabinet officials upang hikayatin itong tumakbo.
Umabot ang kampanya hanggang Visayas sa sarili rin nilang bersyon na “Cebu is Go” movement na pinangunahan ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino.
Nagpahayag ang mga opisyal sa mga bayan at lungsod sa Cebu ng kanilang suporta kung sakaling tumakbo si Go sa pagkasenador kabilang ang mga hindi kasama sa partido ng administra-syon ay nagpahayag din ng kanilang suporta.
Malaki ang tiwala ni Duterte na maging magaling na senador si Go at tiwala rin ang pangulo na manalo si Go dahil malawak ang suporta nito mula sa lahat ng mga sektor kabilang ang militar at pulis.
Kaya wala ng dahilan pa para iwasan ito ni Go!
Subpoena power, hindi aabusuhin — PNP
Ni: Ana Paula A. Canua
PINIRMAHAN na ni Presidente Duterte ang Republic Act 10973 na nag-aamyenda sa Republic Act 6975 o ang Local Government Code na nagtatakda sa Philippine National Police (PNP) Chief, at Deputy Director ng Administration of the Criminal Investigation and Detection Group na mag-issue ng subpoena at subpoenas ducus tecum o mga dokumento na kinakailangan para umusad ang isang imbestigasyon.
Nakasaad sa naturang batas na kailangang sundin ang ilang alituntunin na magsasabing nasa katwiran ang subpoena, “The subpoena shall state the nature and purpose of the investigation, shall be directed to the person whose attendance is required, and in the case of a subpoena ducus tecum, it shall also contain a reasonable description of the books, documents, mor things demanded which must be re-levant to the investigation.”
Kapag hindi tumugon ang nasasakdal sa subpoena maaari itong macharge ng indirect contempt ng Regional Trial Court o makulong ng 30 araw.
MAY DAPAT BANG IKABAHALA SA BAGONG KAPANGYARIHANG IPINATAW SA PULISYA?
Ayon sa batas, hindi maa-ring gamitin ng pulisya ang subpoena na kanilang inissue upang umaresto. Kailangan muna na magfile ng petition sa korte bago isagawa ang pag-aresto. “Iyong subpoena powers po hindi po iyan dahilan para sila ay magkaroon ng kapangyarihan na mag-aresto, dahilan lang po iyan para magkaroon ng petition for indirect contempt at ang hukuman pa rin po ang magpapataw ng parusa doon sa hindi susunod sa mga subpoenas,” pahayag ni Presidential spokeperson Harry Roque.
Ang nasabing desisyon ng pangulo ay kasunod ng pagnanais na mapabilis ang imbestigasyon at proseso ng pagkakadakip sa sinumang sangkot sa iligal na droga at gawain.
SINO ANG MAARING MAG-ISSUE?
Sa ilalim ng batas, ang PNP chief, director at deputy director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, ang may kapangyarihan na mag-issue ng subpoena at subpoena duces tecum o dokumento na may kinalaman sa imbestigasyon. “This subpoena power will give hope to the many victims of crimes who were deprived of justice due to the slow investigation processes, as witnesses or respondents to crimes cannot be forced to face investigation,” dagdag ni Roque.
HINDI AABUSO SA KAPANGYARIHAN
Sinisigurado ng PNP investigation body na wala dapat na ikabahala ang publiko dahil hindi nila aabusuhin ang kanilang subpoena power. “Tatlong tao lang, hindi pwedeng i-delegate yon. Para yung accountability and res-ponsibility, nasa shoulders lang namin kahit sino sa amin pupuwede. Pero sa PNP na napakalaki ng organisasyon, tatlo lang. May wisdom na sa bawat gagawin, may accoun- tability and responsibility din para doon sa mga taong naatasan na magbigay ng subpoena,” giit ni police Director Roel Obusan.
“It will not be abused. Subpoena can be checked, the person can consult lawyers and other learned individuals. It will not supplant rights of the people. In fact, this can lessen conduct of search warrants,” dagdag niya.
“Mas mapapabilis ang proseso. Mabilis siya na walang masyadong nasasaktan. Maiiwasan din yung bulung-bulungan na kapag nag-raid ay kung anu-ano ang kinukuha ng raiding party, kahit na hindi subject ng search warrant. So mas magiging mas democratic, legit at mas mabilis.”
Ayon kay Obusan dahil na rin sa pinataw na kapangyarihan sa kanila magkakaroon na sila ng awtoridad na makakuha ng mga dokumento at magpatawag ng indibidwal para sa imbestigasyon para makakuha ng ebidensya laban sa mga hinihinalang sangkot sa krimen at masamang gawain, sa pamamagitan nito mas mapapadali ang pag-file ng kaso at mabilis ito na mareresolba.
Dagdag ni Police Senior Supt. Wilson Asueta, chief of CIDG-National Capital Region napakahirap noon na makakuha ng impormasyon na maaring gamiting ibidensya sa kaso gaya ng pagkuha ng kopya ng CCTV footage.
“Dati, kung may gusto kang hingin na ebidensiya na hindi ibibigay basta o kahit anong related na request na document na nahihirapang maibigay. Mas mabilis nga-yon, dahil kapag inimbitahan mo, may ngipin ka. Hindi mere invitation lang, may effect sa imbestigador. Pag ayaw nila, pwede mong kasuhan. Lalo na sa mga financial investigations related sa drugs. Mas magaan ang pagkuha ng ebidensiya.”
Paninigurado ni Asueta sinuman na CIDG na mapatunayan na umabuso sa kapangyarihan ay mahaharap sa administrative at criminal charges.
“May measure na gagawin, ipapadaan din sa legal, review bago makarating kay chief or director. Hindi naman basta basta mag-i-issue ang director. Evaluate din yung kanilang i-a- apply. Kung sinong mag-violate magkakaroon pa rin ng admin or criminal charge, depends sa situation.”
Upang maisakatuparan ang batas, kailangan ng ngipin sa pagpapatupad nito habang hindi naisasantabi ang karapatan ng suspek at biktima. Nanatili namang bukas ang organisasyon at ahensya gaya ng Commission on Human Rights sa sinuman na maabuso ng nasa kapangyarihan.
60 Day total closure sa Boracay, isinusulong
Pinas News
ISINUSULONG ngayon nina Tourism Sec. Wanda Teo at DILG Secretary Eduardo Año ang pagkakaroon ng 60 day total closure ng mga establisyimento sa isla ng Boracay.
Ito ay para mapabilis umano ang pagsasaayos sa isla.
Hinimok rin nina Sec. Año at Sec. Wanda si Environment Sec. Roy Cimatu na suportahan ang kanilang rekomendasyon.
Matatandaang ang tatlong opisyal ang inutusan ni Pang. Duterte upang muling isaaayos ang Boracay sa loob ng 6 na buwan.
Plano naman ng mga opisyal na ipatupad ang closure order sa mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 31.