• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 21, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Unang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

PAO

Isa na namang batang babae patay sa Dengvaxia

January 7, 2020 by PINAS

TJ BUMANLAG

ISA na namang 14 anyos na babae, ang nasawi kamakailan matapos bakunahan umano ng  Dengvaxia sa isang ospital sa Caloocan City.

Ang biktima ay kinilala na si Noreen Martinez Labrage 14 anyos  alyas Potpot, estudyante  at nasa grade 10.

Ayon sa nanay ng biktima na si Zenaida Martinez Pardinan, Setyembre 2 nang maadmit ito sa ospital dahil sa pamumutla , ng katawan. Sa isinagawang pagsusuri ng mga doktor sa ospital  mababa raw umano ang  plate ng dugo nito at sinasabing  leukemia.

Hangang sa nagpabalik balik na sa ospital si Potpot,  dahil sa hindi nakayanan ay bumigay ang katawan ng biktima.

Sa kagustuhan ng ina ng biktima na lumapit ito  sa tanggapan  ng hepe ng PAO  na si Chief PAO Atty.  Persida Acosta  upang tulungan siya na isailalim sa autopsy ang kanyang anak at masuri  at malaman ang ikinamatay ng bata.

Lumalabas na 2017 nabakunahan ng dalawang beses si Noreen ng Dengvaxia, at 2019 ng Setyembre ay nagsimula na magkasakit ang biktima hangang sa Disyembre 26 ay tuluyan na itong bumigay.

Metro News Slider Ticker Chief PAO Atty.  Persida Acosta Dengvaxia PAO Zenaida Martinez Pardinan

Dengvaxia, pinagbabawal na sa bansa

March 8, 2019 by Pinas News

Dengvaxia

Sanofi Pasteur nagsampa ng motion for reconsideration kasunod ng desisyon ng FDA.

 

Ni: Jonnalyn Cortez

SA gitna ng hindi matapus-tapos na kontrobersya, tuluyan nang ipinagbawal ng Food and Drug Administration (FDA) ang anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa bansa ng permanenteng bawiin ng ahensya ang certificate of product registration (CPR) nito.

Tinanggal ang production registration ng Dengvaxia dahil umano sa paulit-ulit na pagkabigo ng Sanofi Pasteur, ang French company na gumagawa ng gamot, na isumite ang post-approval commitment documents.

“It’s a brazen defiance of FDA’s directives and its continued failure to comply leaves us no other recourse but to impose the maximum penalty of revocation of the CPRs covering the Dengvaxia products,” pahayag ni FDA Director General Nela Charade Puno.

Bunsod ng pagpapawalang-bisa ng CPR, iligal na rin ang importasyon, distribusyon at pagbebenta ng naturang bakuna.

Tinanggap ng Department of Health (DoH) ang desisyon ng FDA at sinabing hindi na nito inaasahang magkakaroon pa ng Dengvaxia sa bansa.

“We’ve always agreed that will be the direction to go because we’ve always felt that the product that was sold to us was without complete information,” pahayag ni DOH Undersecretary Eric Domingo sa isang panayam.

Una nang sinuspinde ni Health Secretary Francisco Duque III ang dengue vacci­nation program na pinangunahan ng administrasyon ni dating Presidente Benigno Aquino III noong Disyembre 2017 makaraang ihayag ng Sanofi Pasteur na maaaring magkaroon ng mas malalang kaso ng dengue ang sinomang nabakunahan nito na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Ipinag-utos din ng FDA na alisin ang Dengvaxia sa merkado pagkatapos pumutok ang kontrobersya na siya namang itinuturong dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa sa 40 porsyento mula sa dating 70 porsyento.

Kinuwestyon ang pagpapawalang-bisa

Bumuwelta naman ang Sanofi Pasteur at nag-file ng motion for reconsideration at sinabing hindi ito sang-ayon sa desisyon ng FDA.

“It is unfortunate that the FDA has taken this decision despite our diligence, inclu­ding the submission of documents from completed post-approval commitments and regular updates on the status of post-marketing studies,” ipinaliwanag ng kumpanya sa isang pahayag na ipinadala sa Philstar.com.

Binigyang-diin ng kumpanya na hindi mapapatunayan sa pagpapawalang-bisa ng CPR ang kaligtasan at bisa ng gamot.

“Dengvaxia clearly has the potential to play a public health role in the global fight against dengue and we will continue to work with health authorities to help secure access to the vaccine in countries where appropriate populations can benefit from vacci­nation against the disease,” dagdag pa ng kumpanya.

Naharap sa matinding setback ang Sanofi Pasteur dahil sa kontrobersyang kinasangkutan ng Dengvaxia na mahigit dalawang dekadang masusing pinag-aralan at ginastusan ng €1.5 bilyon (S$2.3 billion).

Pagbawi sa gastos ng gobyerno 

Kailangan umano magsampa ng kaso sa korte para mabawi ang P1.84 bilyon na binayad ng gobyerno sa Sanofi Pasteur para sa Dengvaxia.

Sinabi ni ACTS-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz na inaasahang makikinig ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa rekomendasyon ng House na magsi­mula ng civil action laban sa distributor ng Dengvaxia na Zuellig Pharma Corp. upang muling mabawi ang nasabing halaga.

“The PCMC would be remiss in its duty if it refuses to abide by the House recommendation,” wika ni Bertiz.

Ayon sa mga ulat, nasa Phase IV testing pa lamang ang bakuna noong mga panahong malapit nang matapos ang termino ni Aquino. Hinimok diumano ng dating health secretary Janette Garin ang dating Pangulo at nagmula naman ang pondo para dito sa noong budget secretary Florencio Abad Jr.

Mahigit 700,000 batang mag-aaral ang nabakunahan ng Dengvaxia sa ilalim ng programa ng dating administrasyong at itinuturong dahilan sa pagkamatay ng halos 100 mga bata.

Bunsod nito, hinimok sa isang House joint committee ang PCMC na magsampa ng civil charges laban sa Zuellig, kay Aquino, Abad, Garin at iba pang dating mga opisyal upang mabawi ang perang pinambayad sa Dengvaxia. Una nang nagsoli ang Sanofi Pasteur ng P1.16 bilyon para sa mga hindi nagamit na bakuna.

Gayunpaman, tumanggi ang kumpanya na ibalik ang natitirang P1.84 bilyon na natitirang balanse para sa mga nagamit na gamot dahil para na rin umano itong umamin na depektibo ang kanilang bakuna.

Takot sa bakuna, measles outbreak 

Nagdulot din ng setback ang Dengvaxia scare sa National Immunization Program dahil sa pagtanggi ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria, pneumonia, hepatitis B, polio at Japanese encephalitis.

Dagdag naman ng Malacañang, maaaring naging dahilan nga ang kontrobersya sa paglaganap ng tigdas sa bansa. Pinansin din nito ang “passion” diumano ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta sa mga kaso na may kinalaman sa kontrobersyal na bakuna.

“Is that the reality (that the Dengvaxia probe caused vaccine scare)? Was the scandal what discouraged people from vaccinating? It seems so,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Kinumpirma ng DoH na may measles outbreak sa ­Metro Manila at Central Luzon. Meron ding malaking kaso ng naturang sakit sa Central at Eastern Visayas.

Sinisi ni Duque si Acosta sa pagturo sa Dengvaxia bilang dahilan ng pagkamatay ng 32 katao na naging sanhi ng pagkawala ng tiwala ng pu­bliko sa health department at sa bakuna.

Hinaing ni Acosta, nangyari ang mga pagkamatay pagkatapos mabakunahan ang mga biktima ng Dengvaxia.

Pinabulaanan naman ito ng DoH at iba pang mga eksperto, at binigyang-diin na walang koneksyon ang bakuna sa nangyaring pagkamatay ng mga bata na inimbestigahan ng PAO.

“Duque’s findings show deaths were linked to pneumonia, heart disease TB (tuberculosis) etc,” pagsang-ayon ni Panelo.

Sinabi naman si Acosta na hindi dapat sisihin ang kanyang opisina sa nangyaring measles outbreak.

Pambansa Slider Ticker ­Metro Manila ACTS-OFW party-list Rep. Aniceto Bertiz certificate of product registration (CPR) Dengvaxia Department of Health (DOH) Eastern Visayas Food and Drug Administration (FDA) Health Secretary Francisco Duque III PAO Philippine Children’s Medical Center (PCMC) PINAS Presidente Benigno Aquino III Presidential Spokesperson Salvador Panelo Sanofi Pasteur

DoH at PAO, bakit kaya hindi na lang magtulungan para matapos na ang problema sa Dengvaxia?

February 28, 2018 by Pinas News

 

Ni: Jun Samson

NATAPOS na ang unang bahagi ng pakikipagdayalogo o pakikipag-usap ng Department of Health sa pangunguna ni Secretary Francisco Duque III sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengva-xia.

Sa nasabing pulong ay personal na humingi ng paumanhin si Duque sa sampung magulang dahil sa naging pagkukulang umano ng DoH.

“May kasunduan na po ang DoH at ang mga ospital na maaaring pagdalhan ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia at daranas ng sakit”, pahayag ni Secretary Duque.

Inanunsyo rin ng kalihim na mamimigay sila ng dengue kits sa mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia. “Ang dengue kit po na aming ipamamahagi ay isang maliit na bag na nag-lalaman ng insect repellant, multivitamins, thermometer, kulambo, sabon at first-aid kit, at papel na naglalaman o nakasaad ang numero ng DoH Central at Regional Office na maaring tawagan”, dagdag pa ni Duque.

Bukod diyan ay pinaplano rin ng DoH na bigyan ng dengue kits ang mga magulang ng mga nabakunahan ng anti-dengue, pero mangangaila-ngan umano ang kagawaran ng karagdagang pondo.

“Sa kasalukuyan ay napagdesisyunan ng DoH na susulat kami sa Office of the President para magamit namin na panggastos ang ilang bahagi ng mahigit sa isang bilyong piso na ibinalik ng Sanofi Pasteur para sa karagdagang mga dengue kits at para na rin tulungan sa aspetong pinansyal ang mga magkakasakit na batang naturukan ng Dengvaxia,” pahabol pa ni Duque.

Pero hanggang saang aspeto at hanggang kailan tutulong ang DoH sa mga sinasabing biktima ng Dengvaxia?

Kung mapapansin ay hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang senate at congressional hearing sa isyu? Kailan ito matatapos, sinu-sino ang mga makakasuhan at wala kayang sisinuhin?

Ang tanong nga ng karamihan ay hindi kaya napupulitika na ang isyu? Marami na daw kasing mga pulitiko ang tila nakikisawsaw lang sa problema at nagmamagaling lang, lalo pa at napapanuod sila on national TV.

Isa pa sa tanong ay bakit hindi na lang magtulu-ngan ang DoH at ang Pu-blic Attorney’s Office para matukoy ang tunay na pinag-ugatan ng problema para masolusyunan na ang problema at kahit paano ay mabawasan man lang kahit konti ang pangamba ng mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia?

Tutal naman ay iisa lang ang kanilang layunin ‘di po ba? Ang mabigyang solusyon at katarungan ang mga umano’y biktima at matapos na ang hysteria ng sambayanan. Kawawa naman kasi ang mga biktima dahil namatayan na sila at parang nagagamit pa sila para sa interes ng iba?

Ang DoH ay may mga kinuhang clinical pathologist para mag-autopsy sa mga batang hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia. Ang PAO naman ay may mga forensic experts na sumusuri din sa mga hinukay na bangkay. Lumawak tuloy ang problema dahil magkaiba ang resulta ng otopsiya na ginawa ng DoH pathologists at PAO forensic experts.

Saan kaya hahantong ang usapin na ito at kailan kaya makakamit ng mga namatay at kanilang mga naulila ang tunay na hustisya? Sabi nga nila ay pampalubag loob na lang kung mapapanagot sa batas ang mga nagkasala sa nangyari.

Opinyon Slider Ticker Dengvaxia Department of Health DOH Francisco Duque III Jun Samson PAO

Dengvaxia, napupulitika nga

February 12, 2018 by Pinas News

Ni: Jun Samson

HABANG tumatagal ay lalong lumalawak ang usapin tungkol sa dengue vaccine o dengvaxia. Marami ang naglabas ng galit, marami ang sumuporta o naki-ayon sa kasalukuyang administrasyon, may mga nakisimpatya din naman sa dating pamunuan ng Department of Health hanggang nagsanga-sanga na ang mga pangyayari. Bukod sa National Bureau of Investigation at forensic experts ng Public Attorney’s Office ay umabot pa sa kongreso ang imbestigasyon. May mga naghihinala tuloy na baka sinasamantala o inaabuso na daw ang isyu?

Umabot pa nga sa punto na sinampahan ng reklamo sa Commission on Elections sina dating Pangulong Noynoy Aquino III, dating Budget Secretary Florencio Abad, dating Health Secretary Janette Garin at iba pa dahil sa ipinatupad na P3.5-billion dengue vaccination program noong kasagsagan ng 2016 election campaign sa mga public schools sa Region 4-A.

Nilabag daw kasi ang Section 261 at Batas Pambansa 881 o Omnibus Election Code dahil nakasaad sa nasabing probisyon na ipinagbabawal sa gobyerno ang pagpapalabas at paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa pangangampanya sa loob ng 45 araw bago sumapit ang halalan o 30 bago ang special election.

Dahil diyan kaya nasabi ng ilan na napupulitika na ang isyu. Matapos niyan ay binalaan pa ng Public Attorney’s Office si dating Health Secretary Esperanza Cabral na sasampahan nila ng kasong obstruction of justice kapag hindi tumigil sa pakikialam sa isyu ng dengvaxia. Pero may basehan nga ba ang patuloy na panawagan ni Cabral na ihinto na ng PAO ang mga pag-otopsiya o forensic laboratory test sa katawan ng mga batang biktima umano ng dengvaxia?

To the rescue naman ang  Department of Justice at sinabi nito na huwag itigil ng mga forensic experts ng  PAO ang pag-autopsy sa mga labi ng mga batang namatay dahil sa hinalang biktima ng Dengvaxia.

Naniniwala kasi si Cabral na wala nang saysay para ituloy ng  PAO ang pag-autopsy sa mga bata dahil batay anya sa clinical review ng mga forensic pathologist ng Philippine General Hospital duon sa 14 na batang namatay ay labintatlo duon ang namatay na wala umanong kaugnayan sa dengvaxia.

Kaugnay nito’y patuloy na iginigiit ni Cabral na dapat tumigil na ang PAO at ipaubaya na lang ang trabahong ito sa mga forensic pathologist ng PGH. Ang resulta ay lumalala ang banggaan ng PAO at mga doktor na tutol sa autopsy.

Para sa aking sariling pananaw o opinyon ay hindi na mahalaga kung ito man ay napupulitika o sadyang marami lang ang gustong magmalasakit. Ang mahalaga ay lumitaw ang katotohanan at mapanagot sa batas ang mga nagpabaya at nagkulang. Marami tuloy ang naglabasang mga katanungan! Epektibo ba ang dengvaxia o hindi? Sapat ba ang panahon ng pag-aral bago ito ibinakuna? Nakatulong ba o mas nakasama ba ito sa mga naturukan? Pinagkakitaan kaya ito?

Sana lang sa dulo o sa huli ay mabigyan ng hustisya ang mga namatay at mga naulila kung may pagkukulang nga ang ilang opisyales. Kalimutan na sana ang mga personal na interes at isaalang-alang na lang ang kapakanan ng mga namatayan kung totoo nga na dengvaxia ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga bata. Dahil isa tayong democratic country kaya hayaan muna natin na gumulong ang due process. Ang masakit lang, halos araw-araw ay may nababalita na may batang namatay at itinuturong dahilan ang dengvaxia. Naniniwala ako na kahit lahat tayo ay hindi doktor pero  matatalino ang sambayanang Pilipino at patuloy na nag-oobserba at nagmamasid sa mga pangyayari.

Opinyon Slider Ticker Dating Pangulong Noynoy Aquino III Dengvaxia Department of Health Department of Justice DOH DOJ Esperanza Cabral Florencio Abad Janette Garin Jun Samson napupulitika nga National Bureau of Investigation NBI P3.5-billion dengue vaccination program PAO Public Attorney’s Office

Motibo sa pagsali kay Dexter Carlos bilang ‘persons of interest’, kinuwesityon ng PAO

July 14, 2017 by PINAS

Kinuwestiyon ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta ang motibo ng mga imbestigador sa pagsali kay Dexter Carlos bilang ‘person of interest’ sa pagpatay sa kaniyang mag-anak.

Ayon kay Acosta, lumipas na ang dalawang linggo ay saka pa lamang nila isasama si Carlos na ‘person of interest’.

Punto pa ng pao chief, ipinasok pa ng Department of Justice (DOJ) sa Witness Protection Program si Carlos at pinangakuan rin ito ng hustiya maging ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makikita naman aniya sa cctv ng pinagtatrabahuang bangko ni Carlos na nakaduty ito noong gabi na patayin ang kaniyang buong mag-anak sa kanilang bahay sa Bulacan.

Probinsyal Slider Ticker Dexter Carlos PAO Persida Rueda-Acosta Public Attorney’s Office

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.