MELROSE MANUEL
SINALUBONG ng magarbong hero’s welcome ng kaniyang mga kababayan si South Korean director Bong Joon-Ho ng Oscar Award Winning Film na Parasite.
Nasa tatlundaang reporters at fans ang naghintay sa internationally acclaimed director pagkalapag pa lamang nito ng Incheon International Airport.
Pinasalamatan ni Bong Joon-Ho ang lahat ng sumalubong sa kaniyang pag-uwi at sa suporta ng mga ito sa pelikula.
Magugunitang gumuhit sa kasaysayan si Bong nang hakutin nito ang major awards sa prestihiyosong Oscars Academy Award kabilang ang best picture.
Ang ‘Parasite’ din ang kauna-unahang foreign language film na nagwagi sa nasabing kategorya sa kasaysayan ng academy award.