• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Pastor Apollo

Children’s Joy Foundation Inc., hinirang na 2020 Best NGO sa buong bansa

February 27, 2020 by Pinas News

 

HANNAH JANE SANCHO

HINIRANG na best Non- Government Organization ng Department of Social Welfare and Development ang Children’s Joy Foundation (CJFI) dahil sa malaking tulong na hatid nito sa mga programa ng pamahalaan.

Isang biyaya para sa ahensya ang ugnayan nila sa CJFI bilang kaagapay sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga mahihirap lalo na ang mga kapus-palad na kabataan sa buong bansa.

Kaya naman ay kinilala sa katatapos lamang na 2019 Pa Nata ko sa Bayan Awards ang Children’s Joy Foundation Inc. at ginawaran ng Salamat po Award bilang natatanging social development welfare partner ng tanggapan.

Personal na tinanggap nina CJFI Former Executive Director Ms. Rosemarie Dimagnaong, at ni CJFI Director Mr. Riene Tagupa ang award mula sa DSWD, kasabay ng pagpapasalamat kay CJFI Founder Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy dahil sa walang hanggan nitong pagtulong at pag-ibig sa mga kabataan.

Dahil sa award, tiniyak ng pamunan ng CJFI ang mas maigting pang pakikipag-ugnayan nito sa mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng DSWD.

Mahigit sa 20 taon nang nagbibigay kalinga sa mga kabataang nangangailangan ang CJFI at isa sa mga respetado at highly regarded Social Welfare and Development Agencies (SWDAs) sa bansa.

Hindi lamang ang pagpapakain, pagpapa-aral, kundi lalo na ang moral and spiritual values ang itinuturo ng CJFI sa mga children beneficiaries nito sa ilalim ng superbisyon ni Pastor Apollo.

Dahil sa award, tiniyak ng pamunan ng CJFI ang mas maigting pang pakikipag-ugnayan nito sa mga programa ng pamahalaan sa ilalim ng DSWD.

Pambansa Slider Ticker CJFI Founder Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy DSWD HANNAH JANE SANCHO Pastor Apollo Social Welfare and Development Agencies (SWDAs)

Peace talks sa pagitan ng CPP NPA NDF nauwi lang sa wala – Pastor Apollo

August 20, 2019 by PINAS

Peace talks
JHOMEL SANTOS

 

Tila nauwi lang sa wala at naging walang kwenta ang hakbang ng pamahalaan sa makailang beses na pagsusulong ng peace talks sa CPP-NDF-NPA.

Ito ang naging pahayag ng executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ na si Reverend Fellow Doctor Pastor Apollo C. Quiboloy sa isang special edition ng programang Usaping Bayan sa SMNI kaugnay sa pagsusulong ng localized peace talks.

Ayon kay Pastor Apollo, pinanghihinayangan nito ang gastos ng pamahalaan matapos makipagkita ang mga kinatawan ng bansa kay CPP-NPA founder Joma Sison sa The Netherlands ngunit wala naman aniyang nangyari at patuloy pa rin ang paghahasik ng rebelyon o paninira sa bansa ng mga makakaliwang grupo.

Kung tutuusin ayon sa butihing pastor dahil sa laki na ng pinsalang idinulot ng mga makakaliwang grupo sa ating bansa, nararapat lang na tugisin ang mga ito.

Sa kabilang banda, ikinatutuwa ni Pastor Apollo ang gumugulong na localized peace talks kasama na rito ang pagbibigay ng pamahalaan ng pagkakataong magbago ang mga miyembro ng New People’s Army sa ilalim ng Balik-Loob Program ng civil defense department ng bansa.

Pambansa Slider Ticker JHOMEL SANTOS Pastor Apollo The Kingdom of Jesus Christ

Pamamahala sa tubig, dapat ibalik sa gobyerno kung kinakailangan – Pastor Apollo

August 20, 2019 by PINAS

JHOMEL SANTOS

IBALIK ang pamamahala sa tubig sa gobyerno kung kinakailangan. Ito ang naging pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa isyu ng water crisis sa bansa sa special episode ng Usaping Bayan program sa SMNI News.

Ayon kay Pastor Apollo, kung makabubuti sa taumbayan ang pamamahala ng gobyerno sa tubig sa bansa ay dapat itong isulong.

 

Sa ngayon ay bago lamang nanalo sa kaso ang DENR laban sa Maynilad at MWSS na siyang namamahala ng tubig sa buong Pilipinas dahil sa hindi nito pagbibigay ng tamang serbisyo at pagsasaayos ng mga sewage lines at sewage treatment facilities.

Malinaw na nilabag ng Maynilad at MWSS ang section 8 of the Philippine Clean Water Act (Republic Act No. 9275) dahil bigo nilang nagawa ang kanilang tungkulin na isaayos ang mga sewage lines at sewage treatment facilities.

Samantala walang masama sa pagtanggap ng regalo kung pagmamagandang-loob ito.  Ito ang naging reaksyon ng butihing pastor kasunod ng pagpabor ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap ng regalo ng mga pulis basta hindi ito panunuhol.

Sinabi ni Pastor Apollo  na maaari namang tumanggap ang mga pulis sa bansa, kung wala namang kapalit sa pagbibigay ng regalo at walang nagrireklamo.

 

Batid din ng butihing pastor sa isinasaad ng batas ngunit aniya kung wala namang intensiyon na impluwensiyahan ang isang pulis sa kanilang trabaho ay hindi naman ito masama.

Sa ilalim kasi ng batas o Republic Act 6713 or The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ay ipinagbabawal sa mga pampublikong opisyal na manghingi at tumanggap ng “directly or indirectly gifts, gratuity, favor, entertainment, loan o anumang may monetary value.

Pambansa Slider Ticker DENR JHOMEL SANTOS MWSS Pastor Apollo SMNI News

Pag-asa hatid ng 4th SONA ni Pangulong Duterte

July 30, 2019 by PINAS

 

Ni: EYESHA N. ENDAR

 

NANINIWALA ang karamihan ng mga Pilipino sa kakayahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pamunuan ang bansang Pilipinas.

 

Pinatunayan ito sa huling isinagawang huling survey ng Pulse Asia, na 85 porsyento sa mga Pilipino ay may tiwala pa rin sa  pamamahala ng Pangulo.

 

Sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, pinasalamatan niya ang lahat ng mga taong nanatiling naniniwala pa rin sa kanya.

 

“Let me begin by extending my hand in gratitude to all who kept faith with me in our most trying times. Numbers speak a thousand words and tell a hundred tales. But the landslide victory of the administration candidates as well as the latest survey results shows that my disapproval rating is 3 percent,” panimulang talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.

 

Binigyang diin ng Pangulo na ang tiwalang ibinigay sa kanya ng mga Pilipino ang kanyang inspirasyon kung bakit kahit pagod na siya at gusto nang sumuko pero pinaninidigan pa rin niya ang kanyang trabaho bilang Pangulo ng bansa.

 

Pinangako ng Pangulo na patuloy siyang makikipaglaban hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.

 

“I will end my term fighting,” ani Pangulong Duterte.

 

Hindi rin niya ikinaila na nasasaktan siya dahil sa nakalipas ng tatlong taon, hindi pa rin natapos ang operasyon ng iligal na droga sa bansa at nanatili pa rin ang korapsyon sa hanay ng gobyerno.

 

Dahil dito hiniling ni Duterte sa Kongreso na ipasa ang panukalang batas ng Death Penalty para sa mga heinous crime, kasama rito ang plunder.

 

Naniniwala ang Pangulo na isa sa dahilan ng korapsyon ay ang pagiging makasarili ng mga politiko na niluklok ng taumbayan sa posisyon.

 

Kaya nanawagan siya sa publiko na tulungan siyang magampanan ang kanyang trabaho dahil hindi niya kayang mag-isa.

 

Inako ng Pangulo ang buong responsibilidad sa mga bagay na dapat ginawa ngunit hindi pa nagawa sa nakalipas na tatlong taon ng kanyang pamamahala kahit hindi niya kasalanan.

 

Aniya, “ I assume full responsibility for that. As President, I cannot pass it … the blame to anybody. So it’s on me.”

 

“Though we cannot change the past, we will not squander the future. I will push harder in the pursuit of programs that we have started, but always within the parameters of the law. I will not merely coast along or while away my time during the remaining years of my administration. It ain’t my style,” pahayag ng Pangulo.

 

Hindi siya titigil hangga’t hindi niya marating ang finish line.

 

“I will not stop until I reach the finish line,” diin ng Pangulo.

 

Umani ng mga papuri

 

Halos papuri naman ang nakuha ni Pangulong Duterte sa lahat ng mga mambabatas na nakinig sa kanyang talumpati at aminado ang mga ito na inspirasyon at pag-asa ang ibinigay ng Pangulo sa lahat ng mga Pilipino.

 

Sinabi ni Sen. Francis Tolentino na napahanga siya sa paninindigan ng Pangulo pagdating sa pagsugpo sa droga at korapsyon.

Ikinatuwa naman ni Sen. Grace Poe, ang pagsusulong ng Pangulo na maitayo ang Department of OFW, Department of Resilience at National Land Use Act.

 

Nagbigay ng 98 out of 100 na grado si dating PNP Chief Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa dahil naniniwala siyang totoo ang lahat ng binanggit ni Pangulong Duterte sa SONA.

 

Handa umano siyang tulungan ang Pangulo para mapagtagumpayan ang giyera laban sa droga at tuluyang mawala ang mga kurakot sa lipunan.

 

Sinabi naman ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na tama ang paninindigan ng Pangulo na hindi makipag-giyera sa China hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

 

Bagamat pinayagan umano ng Pangulo na mangisda ang China sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, hindi naman ito nangangahulugan na isinuko na ng Pangulo ang ating teritoryo.

 

Ayon naman kay Sen. Imee Marcos, malaking tulong na nabigyan ng diin ni Pangulong Duterte ang poverty reduction dahil marami pa ring mga mahihirap sa bansa.

 

Sinabi ni Sen. Koko Pimentel na maging gabay nila sa paggawa ng batas ang mga mensahe ng Pangulo sa kanyang SONA.

 

Ayon naman kay dating Pangulo at House Speaker, Gloria Macapagal-Arroyo, maraming magagandang naitanim si Pangulong Duterte sa nakalipas na 3 taon, at ito ang magiging daan kung bakit mas lalo siyang mamahalin at tutulungan ng mga mambabatas at ng taumbayan.

 

Hindi rin umano siya magbigay ng payo sa Pangulo dahil alam nito ang kanyang gagawin.

 

“No advice because he knows best,” pahayag ni Arroyo.

 

Mga hindi nabigyang importansya 

 

Samantala dismayado naman si Rep. France Castro ng ACT Party-List, dahil gumawa lang umano ng bagong pangako ang Pangulo na pataasan ang sweldo ng mga guro pero mas maliit pa rin kumpara sa doble na sahod ng mga uniformed personnel.

 

Ayon kay Rep. Neri Colmenares, Chairman ng Bayan Muna Party-List, nabigo ang Pangulo na matugunan ang mga pinaka-importanteng isyu na dapat nitong banggitin sa SONA tulad ng poverty, human rights at ang isyu sa West Philippine Sea (WPS).

 

Hindi naman kuntento si Sen. Risa Hontiveros, dahil nabigo umano ang Pangulo na ipagtanggol ang soberinya ng Pilipinas bagkus nangangabugado pa ang Pangulo sa bansang China.

 

Sinabi rin ng political analyst na si Prof. Antonio Contreras, hindi siya kumbinsido sa dahilan ng Pangulo kung bakit nito pinayagang mangisda ang mga Chinese sa karagatan na pagmamay-ari ng Pilipinas.

Aniya, hindi siya naniniwala na makipag-giyera ang China sa Pilipinas dahil ayaw nitong masira ang kanilang imahe sa iba pang mga bansa na may concern din sa WPS.

 

Dapat suportahan ang Pangulo

 

Inilalarawan naman ng Integrated Development Studies Institute (IDSI) na “think tank” ang SONA ni Pangulong Duterte, isang “straight from the heart” na pag-uulat sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng bansa.

 

Sinabi ni George Siy, isang development expert at director ng IDSI, na ipinarating ng mensahe ng Pangulo na dapat ang bawat Pilipino, sa public at private sectors ay magkaisa para sa ikabubuti ng bansa.

 

Isa umanong kapuri-puri at nagbibigay ng inspirasyon na lider si Pangulong Duterte, nakabatay sa reyalidad, ma-awtoridad at pasensyoso.

 

Ani Siy, malinaw na nailalahad ng Pangulo sa SONA ang kanyang mga major achievement, ang “smart diplomacy” sa isyu ng WPS, maging ang mga prayuridad na programa sa natitirang tatlong taon na panunungkulan nito.

 

May pag-asang maging 1st world country ang Pilipinas

Ayon naman kay Pastor Apollo C. Quiboloy, executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name (TKJCTNAEN) at may-ari ng Sonshine Media Network International (SMNI), spiritual adviser at matalik na kaibigan ni Pangulong Duterte, dapat magkaisa na manalangin ang mga Pilipino at tulungan ang Pangulo na makamit nito ang magandang layunin para sa bansa.

“Government officials specially the Congress should back up the desire of the President because there is nothing in his heart, but the development of the Philippines,” pahayag ni Pastor Apollo.

Binigyang-diin pa ni Pastor Apollo na kung tutulungan at susuportahan ng mga Pilipino ang Pangulo malaki ang posibilidad na maging first world country ang Pilipinas.

Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na wala siyang ibang layunin kundi ang  mabigyan ng maganda at maayos na buhay ang bawat Pilipino sa nahuhuling tatlong taon ng kanyang panunungkulan.

“I dream of glowing days ahead for every Filipino. I dream of a Philippines better than the one I grew up with,” pahayag niya.

“This is my pledge and commitment for just three years, if I can. If I cannot, I’m sorry. But I shall continue to comply with my constitutional duty to serve and protect the Filipino, until the last day of my term,” pangakong binitawan ng Pangulo bago niya tinapos ang talumpati sa kanyang ika-apat na ulat sa bayan.

Pambansa Slider Ticker Department of Resilience at National Land Use Act Gloria Macapagal-Arroyo Pastor Apollo Sen. Francis Tolentino Sen. Grace Poe Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.