Nanawagan si Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista na dalhin sa korte ang alegasyong ibinabato sa kanya ng kanyang asawang si Patricia Bautista.
Ani Bautista, dapat ay idaan sa korte ang isyu para malaman ang authenticity ng mga dokumentong hawak ng kanyang misis.
Pero tutol si Bautista sa imbestigasyon ng national Bureau of Investigation (NBI).
Kailangan, ayon sa Comelec chairman, ay makita niya ang mga itinurn-over sa NBI para malaman kung totoo at sa kanya nga ang mga ito.
Iginiit din ni Bautista na hindi siya nagsinungaling sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN), gaya ng paratang sa kanya ng kanyang asawa.