Pinas News
INAABANGAN na ngayon ng mga PBA fanatics ang sagupaan ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots sa PBA Philippine cup 2018 finals.
isasagawa ng game 1 sa best-of-seven final series sa Smart Araneta Coliseum mamayang alas-siyete ng gabi.
inaasahang magiging kapa-kapanabik ang bakbakan ng dalawang koponan na muling maghaharap sa finals sa ika-walong pagkakataon.
sa ngayon, ito na ang ika-39 finals ng Beermen at target ang pang-25 na titulo habang nasa pang-28 finals naman ito ng hotshots at target nito ang pang-14 na korona.
huling naglaban ang dalawang koponan noong 2013 Governor’s cup finals bilang magkapatid na koponan sa ilalim ng San Miguel corporation.