Kargado ang San Miguel Beermen sa pagpasok ng 44th season dahil kay Terrence Romeo at assistant coach Jimmy Alapag
Ni: Eugene Flores
ENGRANDE ang pagsisimula ng panibagong season ng Philippine Basketball Association o PBA na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Napili ng liga ang 55-thousand seater arena upang pasinayaan ang bagong simula ng All Filipino Cup na kadalasan ay ginagawa sa Araneta Coliseum o Mall of Asia Arena, kung saan ipinakilala ang mga team maging ang kanilang naggagandahang muse.
Susubukan muling depensahan ng Philippine Cup champion San Miguel Beermen ang kanilang trono kung saan nadagdag ang superstar na si Terrence Romeo.
Bago pormal na binuksan ang bagong season, isinagawa muna ang Season 43rd Leo Awards kung saan pinangaralan ang mga manlalarong nagpamalas ng angking talento sa katatapos na season at maging ang mga coach na nangunguna sa bawat koponan.
Tampok sa Leo Awards ang Most Valuable Player award, Rookie of the Year, Most Improved Player, Coach of the Year, all-PBA team at ang all-defensive team.