Gaya ng mga naunang pahayag ni Sen. Gringo Honasan, iginiit nitong inosente siya sa kasong graft kaugnay sa P30 milyong Priority Development Assistance Funds (PDAF) noong 2012.
Sa pahayag na ipinadala ni Sen. Honasan, sinabi nitong patuloy siyang lalaban katulad ng paglaban n’ya sa mga nagdaang pag-akusa sa laban sa kanya.
Ang mga pahayag na ito ni Honasan ay matapos ipag-utos ng 2nd Division ng Sandiganbayan na arestuhin ang senador sa kasong graft.
Si Honasan ay ika-apat na senador na nakasuhan ng di umano’y pagkakasangkot nito sa maling paggamit ng pork barrel.
Ilan nga sa mga senador na kinasuhan ay sina former senator Ramon Revilla Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, ito ay dahil sa umano’y kickback na nakuha ng mga ito mula sa mga ghost PDAF projects.