Pederalismo
Senado, hindi nagmamadali sa pagsusulong ng Pederalismo sa bansa – Sotto
Handa na ba tayo sa Pederalismo?
Matagal nang ikinakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng partido niyang PDP-Laban ang Pederalismo para sa pag-asenso ng Pilipinas.
Ni: Quincy Joel Y. Cahilig
ISA sa mga pangunahing ikinakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte, maliban sa giyera kontra droga at kurapsyon, ay ang pagpapalit ng klase ng gobyerno ng bansa mula unitary state tungo sa Pederalismo.
Matatandaan na bago pa ang pag-anunsyo niya sa pagsabak sa presidential elections noong 2016 ay lumibot sa bansa si Duterte, at kinakampanya ang pagpapalit ng gobyerno tungong Pederalismo. At nang manalo bilang pangulo, siniguro niyang mangyayari ang pagbabagong ito sa loob ng kaniyang termino.
Subalit sa ikalawang taon ng kaniyang pagkapangulo, sa kabila ng malaking bilang ng kaniyang mga tagasuporta, marami pa ring mga Pinoy ang walang ideya kung ano nga ba ang Pederalismo at ang pagbabagong maidudulot nito sa buhay ni Juan Dela Cruz.
Base sa survey ng Social Weather Stations, 37 porsyento lamang ng mga Pilipino ang pabor na maipatupad ang federal system; samantalang 1 sa 4 na Pinoy ang may kaalaman sa nasabing sistema ng gobyerno.
Aminado naman ang Malacañang na ang resulta ng survey ay indikasyon na kailangan ng ibayong kayod sa panig ng gobyerno sa pagpapakalat ng impormasyon patungkol sa Pederalismo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan kumilos ang lahat ng nasa gobyerno, lalo na ang Consultative Committee (ConCom), na inatasan ng Pangulo na pag-aralan ang 1987 Constitution, lalo na’t tapos na ng kumite ang draft ng bagong Saligang-Batas, na nakatakdang ihain sa Pangulo bago ang kanyang State of the Nation Address ngayong Hulyo.
“Well apparently, the information drive is not enough. We’ll need to work harder given that the shift to federalism is the cornerstone of the Duterte administration,” wika ni Roque. “We expect that the next step of the commission is the information drive on what the changes and benefits the people can expect.”
Naniniwala naman si Senador Francis Pangilinan na sinasabi ng survey na hindi pa hinog ang Pederalismo at hindi dapat ito ipilit.
“Maliwanag sa resulta ng SWS survey na tatlo sa bawat apat na Pilipino ang hindi alam ang panukalang pagpalit ng sistema ng gobyerno sa Pederalismo na hindi pwedeng pwersahin ang Chacha,” wika ni Pangilinan, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
Dagdag niya, bukod sa pagpapakalat ng impormasyon, dapat mas palakasin ng pamahalaan ang mga programa at institusyon upang mahikayat ang mamamayan na suportahan ito.
“Paano mauunawaan ng mamamayan nang malaliman ang Pederalismo kung wala namang maliwanag at konkretong mungkahi tungkol dito?” aniya.
ISANG ilustrasyon ng Pederalismo sa Pilipinas.
Pederalismo nga ba ang kasagutan?
Sa ilalim ng Pederalismo, magkakaroon ng mga estado sa Pilipinas, na bawa’t isa ay may sariling pamahalaan na may kapangyarihang ma-kagawa ng kani-kanyang mga batas sa kanilang mga nasasakupan. Ibig sabihin, mayroong mga bagay na ligal sa isang estado na bawal naman sa iba. At bawa’t estado ay malaya mula sa central o federal government. Ganito ang sistemang umiiral sa gobyerno ng US. At naniniwala ang mga nagsusulong nito na ito ang kasagutan sa kahirapan at kurapsyon sa bansa.
Naniniwala si dating Chief Justice Reynato Puno, chairman ng ConCom, Pederalismo ang kasagutan sa mga problemang hindi malutas-lutas sa ilalim ng kasalukuyang unitary government.
“The antidote is federalism, because the essence of federalism is non-concentration of power…“The essence of federalism is not just delegation of power but equitable distribution of the powers of government between the federal government and the government of its constituent states,” wika ni Puno sa ginanap na 1st National Forum and Public Consultation kamakailan.
Aniya, kalaganapan ng kahirapan sa bansa ay dulot ng sentralisadong gobyerno natin ngayon, na nakatuon ang pansin at serbisyo sa National Capital region at tila napapabayaan na ang ibang mga rehiyon at probinsya.
“Our government is Metro Manila-centered. All things, everything orbits in Metro Manila. The result is inevitable: Metro Manila and the neighboring regions wallow in prosperity. The other regions suffer in poverty,” dagdag ni Puno.
Ayon naman kay ConCom Senior Technical Assistant at Spokesperson Ding Generoso, sa ilalim ng bagong Saligang-Batas, palalakasin pa ang kapangyarihan ng Ombudsman kontra kurapsyon. Ipinapanukala ng kumite na mula Office of the Ombudsman ay gawin itong Federal Ombudsman Commission, kung saan maraming commissioners ang tututok sa mga kaso at reklamo laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno, na magpapabilis ng proseso.
“We can say that there has been really no significant reduction in graft and corruption in government. We’re talking about hundreds of billions of money lost. We have to speed up the investigation and prosecution and resolution of all graft cases and avoid what has become a buzzword in the government’s fight against corruption, the inordinate delay,” paliwanag ni Generoso. “By having a Commission, you can have more commissioners looking at different cases.
Tinatalakay ng mga miyembro ng Consultative Committee (ConCom), na inatasan ng Pangulo na pag-aralan ang 1987 Constitution tungo sa pagbabago ng Saligang-Batas at sistema ng gobyerno.
Wala sa klase ng gobyerno ang problema
Sa kabila ng pagtitiyak ng mga miyembro ng ConCom sa benepisyong dala ng Pederalismo, may mga nagbababala din na hindi tiyak na solusyon ang Pederalismo—at baka makasama pa ito para sa Pilipinas.
Tinawag ni dating Chief Justice Hilario Davide, Jr. na “anti-poor” ang Pederalismo dahil doble-dobleng buwis ang ipapataw sa mga tao sa ilalim ng naturang Sistema, na dagdag pasanin ng bawa’t Pinoy.
“Federalism is anti-poor because if you are a citizen of the country, and you belong into a state, the state would be imposed upon you — one form of taxation, that is the state tax; and at the same time, the federal government would also impose a tax against you…You have to maintain the state of the region and at the same time, you have to contribute to the central government. So, totally unavoidable,” paliwanag ni Davide.
Ayon naman sa political analyst na si Richard Heydarian, kahit anong klase pa ng gobyerno ang ipatupad, kung mananatili ang pag-iral ng pang-aabuso at pananamantala sa mga institusyon, ay mabibigo lamang ito.
Ipinunto din niya na mayroong mga developing countries, tulad ng Pilipinas, ang may federal government na nakararanas ng “extreme po-verty and hunger” gaya ng India, Brazil, at Nigeria.
“So long as the Philippine state remains weak, with oligarchs controlling our political office and the economy, whatever form of government we adopt is bound to fail. That’s why any Charter Change should come along with a more comprehensive reform of our whole institutions, not just form of government,” wika ni Heydarian.
Hindi kumakagat ang Pederalismo
Pinas News
kapansin pansin ang pag-iiba ng ihip ng hangin sa opinyon ng publiko sa usapin ng pagbabago ng porma ng pamahalaan patungong Pederalismo.
Noong isang taon lamang, nasa 44% ng mga Pilipino ang tutol sa Pederalismo. Ngayon, lumabas ang balitang nasa 64% na ng publiko ang hindi sang-ayon na gawing Pederalismo ang sistema ng ating pamahalaan gaya ng pinapanukala mismo ng Malakanyang.
Pinakamatindi ang pagtutol sa Pederalismo sa Luzon (75%), kasunod ng Mindanao (65%), at Visayas (60%), at ang National Capital Region sa 54%. Kakatwang mga taga-Maynila pa yata ang mas sang-ayon sa Pederalismo,
Iniulat na nasa 71% ng Class ABC o ang mga Pilipinong mas nakaangat sa ekonomiya, ang tutol sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan, kasunod ng Class D (68%), at Class E (60%). Lumalabas na hindi ganuon kainteresado ang mas mahihirap na palitan ang porma ng pamahalaan.
Higit sa isang-ikatlo o 36% ng mga Pilipino ang talagang tutol sa pagpapalit, samantalang nasa 30% lamang ang nagpapahiwatig na maaaring bukas sila dito sa hinaharap kahit na laban sila sa pagpapalit sa ngayon.
May dalawang bagay na nagiging malinaw sa ngayon at mahihinuha rin naman ito mula sa ating kasaysayang pampulitika: una, hindi dahil popular ang isang pinuno, agad silang papanig sa kaniyang mga panukala; at pangalawa, hindi basta maitutulak ang isang panukalang patakaran kung hindi ito nakatali sa mga pangunahing usapin ng mga tao sa pang-araw-araw gaya ng kabuhayan.
Napakapopular pa rin ni Pangulong Duterte subalit hindi pa rin niya nakukumbinsi ang marami na may halaga ang Pederalismo bilang panukala.
Lalong lumalaki ang hamon sa Pangulo dahil dama ng mga tao ang sinasabi sa istatistika na hindi bababa sa 12-15% (nasa 3 milyong pamilya o mga 15 milyong katao) ang patuloy na nakararanas ng gutom, at nasa 7M ang nakararanas ng gutom kasabay ng malnutrisyon. May 21.5% naman ng mga Pilipino ang nasa ibaba ng opisyal na itinakdang linya ng kahirapan (poverty line) habang nasa 46% ng publiko ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahihirap o naghihirap.
Kailangan pa ng pamunuan ng matinding kampanya para rito. Higit sa lahat, kailangang makumbinsi ang publiko na may mas magandang kabuhayan sa ilalim ng isang Pederal na pamahalaan.
Pederalismo, paano nga ba isasagawa ito?
Pederalismo di para kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa dating senador Aquilino Pimentel Jr.
Ni: Jonnalyn Cortez
Patuloy ang senate hearing ukol sa panukalang amyendahan ang kasulukuyang konstitusyon at gawin itong federal form of government.
Sa draft na ginawa ng mga eksperto ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban, mananatili ang bicameral legislature kung saan ang mga members of the House ay ihahalal ng kanilang mga distrito. Sa kabilang dako, ang senado naman ay bubuuin ng isang represetante ng bawat rehiyon.
Sa paliwanag ng dating senador na si Aquilino Pimentel Jr., pag naipasa ang pederalismo, magkakaroon ng 11 centers of power at isang center of power. Ito ay pamumunuan ng inihalal na president.
Ano nga ba ang mangyayari pag naisabatas ang pederalismo?
Sa pagkakapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, sinasabing mas malapit ng maisakatuparan ang kampanyang pagbabago ng saligang batas ng PDP-Laban sa pederalismo.
Sa katunayan, ang ating mga mambabatas sa senado at House of Representatives ay sinisimulan na ang pagtalakay sa mga panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.
Ayon naman kay executive director ng PDP-Laban Federalism Institute at assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government o DILG na si Jonathan Malaya, ang pamunuan ng partido ay iminumungkahi ang pagsasabatas ng “semi-presidential federal system.”
Sa ilalim nito, ang presidente ay dapat ihalal ng publiko sa kapangyarihan. Pagkatapos nito, ang presidente naman ay mag-no-nominate ng isang prime minister para sa kumpirmasyong ng parliamento.
Halos lahat kapangyarihan na meron ang presidente ay malilipat sa prime minister, na s’ya namang magiging head of state na makikitungo sa mga alalahanin sa foreign affairs at national defense.
Ang 24 na mga Senador ng Pilipinas
Constitutional Assembly o Constitutional Convention
Isinusulong ng mga minorya ng mambabatas ang charter change sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-Con sa halip na Constitutional Assembly o Con-Ass. Dito, ang mga tao ang maghahalal ng mga delegado na s’ya namang gagawa ng bagong konstitusyon.
Sinangayunan naman ito ng dating Chief Justice Hilario Davide Jr. at ng isa ring dating Chief Justice na si Reynato Puno. Anila, anumang pagbabago na gagawin sa ating kontitusyon ay dapat isakatuparan sa papamagitan ng isang constitutional convention.
“The argument that constitutional assembly is cheaper than the constitutional convention is a cheap argument,” binigyang-riin ni Puno.
Sa kabilang dako, kamakailan lamang ay inayunan ng House of Representatives ang resolusyong pagtitipun-tipon ng kongreso bilang isang constituent assembly para amyendahan ang 1987 Constitution. Dito, ang mga miyembro ng kongreso ay magiging isang kinatawan na may karapatang gumawa ng draft ng bagong charter.
Pag ito ay naisabatas, ang kasuluyang kongreso ay bubuwagin. Ang senado at House naman ay papalitan ng isang interim parliament. Bibigyan rin nito ng karapatan ang pangulo na tumakbo pagkatapos ng limang taong termino para sa re-election.
Sa katunayan, sa isang panayam kay Speaker Pantaleon Alvarez, sinabi nito na ang House of Representatives ay magtitipon para sa isang constituent assembly kahit pa hindi ito daluhan ng mga senador.
“We will first meet, hear. Now, the senators are welcome to go there and join us. If they don’t want to go, we will not force them,” aniya.
Matatandang nanindigan ang mga senador sa kanilang desisyon laban sa joint voting sa charter change.
“Ang dulo kasi nito ay isa-satisfy namin kung ano yung requirement ng ating Saligang Batas. Sinasabi niyan three-fourths of all its members, bibilangin na natin lahat ng miyembro, kunin natin yung three-fourths, magbobotohan tayo,” paliwanag ni Alvarez hinggil sa pagpapatuloy ng constitutional assembly na wala ang presensya ng mga taga-senado.
Isa sa former Chief Justice Hilario Davide Jr. sa nagbalangkas ng 1987 Philippine Constitution
Hindi Para Kay Duterte
Binigyang-diin naman ni Pimentel sa isang panayam na hindi para pahabain ang panunungkulan ni Pangulong Duterte ang pagsusulong ng pederalismo.
“Hindi ito for Duterte. 1982 pa e federalism na ang advocacy ng PDP-Laban. Wala pa sa radar, sa national level si President Duterte. So, we’re doing this for Duterte? Malabo po yata ‘yun,” aniya.
Ipinaliwanag ni Pimental na mas mababawasan pa nga ang hawak na kapangyarihan ng pangulo sa ilalim ng federal form of government. “In a federal form of government, you are creating other centers of power,” dagdag n’ya.
Sa kabila nito, ipinahayag ni Davide ang kanyang pagkadismaya sa pangunguna ni Pangulong Duterte sa charter change mula sa unitary government tungo sa federal government.
“The dividing, breaking up, splitting of, fragmenting and disconfiguring of the Philippines by way of federalism will not build a just and humane society and will not bring a harvest of harmony, development, progress, prosperity, peace and stability. On the contrary, it will bring the opposite,” aniya.
Si Executive Director ng PDP-Laban Federalism Institute Jonathan Malaya na sumusulong sa “Semi federal system”
Bagong konstitusyon para sa Pilipino
Gayunpaman, sinabi ni Piminentel na ang iminumungkahing paglilipat ng gubyerno bilang federal form of government ay dapat lamang suportahan kung ito ay magdudulot ng mabuti sa mga Pilipino.
“No matter what form of government, ultimately, it is the people who will have to make that system work,” aniya.
Sinangayunan naman ito ng isa sa miyembro ng 1986 Constitutional Commission na si Edmundo Garcia. Aniya, ang publiko ang dapat na maging “co-authors” ng paggawa ng konstitusyo habang ang mga mambabatas ang kanilang magiging gabay.
“Nevertheless, it was very important to get the pulse of the people, their feelings about certain issues, their priorities,” dagdag pa n’ya.