Ni: Wally Peralta
AFTER maraming taong nakalipas nang maghost ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ng isang talent search show sa GMA-7, ang “Superstar Duets,” muling nagbabalik si Regine bilang host ng all original singing contest na “The Clash” na mapapanood every Saturday after “Pepito Manaloto” at Sunday naman after ng “Daig Kayo Ng Lola Ko”.
Ang isa sa labis na nagpapalapit sa kalooban ni Regine sa bago niyang proyekto sa GMA-7 ay ang mga contestant o tinatawag nilang “clashers,” 62 sila lahat na maglalaban-laban sa isa’t isa, at matira talaga ang matibay at pinakamagaling.
What makes Regine like the show and the contestants?
“Very interesting sa akin ‘yung mga istorya ng buhay nila, eh,” ang pambungad na say ni Regine.
“A lot of them, halos kapareho rin ng istorya ko na from a poor family, that’s why they want to help their families. That’s why they’re using their God-given talent. So, it’s very inspiring actually.”
Talo pag kinabahan
Hindi man nakilala ni Regine nang ganap ang mga contestants ng “The Clash” ay naging malapit naman siya sa halos 62 na clashers nang magsama na sila sa taping ng naturang talent show.
“Umikot ako para sa auditions, pero hindi ko talaga sila individually nakita, until nag-taping na kami. Tapos doon ko nakita ‘yung mga istorya nila, kung bakit sila sumali, kung ano ang motivation nila for joining.”
“I was pleasantly surprised sa batch na ito.”
“Parang ‘yung promising parang puwede pa i-improve, parang ganun ‘yung dating sa akin. ‘Yung maga-ling, magaling na talaga. So, very exciting.”
“Ang sinasabi ko sa kanila ay kailangan wag silang masyadong kabahan.”
“Kailangan they know how to fight yung niyerbos nila, kailangan ma-overcome nila iyon!”
“Otherwise, yung kaba ang maglalaglag sa kanila.”
“Obviously the contestants are all good, lahat yan may experience na sa pagkokontes. Kaya ang pagta-talunan na ay kung sino ang confident enough para di magbago ang kanyang boses dahil sa kaba.”
Walang next Regine Velasquez
Sa naturan ni Regine Velasquez na karamihan ang mga clashers ay halos kapareho ng kanyang buhay at sadyang gifted pagdating sa boses, may nakikitaan na kaya si Regine na pwedeng masabing susunod sa kanyang yapak bilang Asia’s Songbird?
“Hindi ako naniniwala na mayroong the next Regine or next Lani Misalucha.”
“Kasi ganun yun, kasi you make your own mark in the business. You don’t have to follow someone else’s marks!”
“Although you can, but you have to create your own mark in the industry.
“It’s better naman that way.”
“Ako noong nag-umpisa ako may nagsasabi sa akin, o ako mismo ang nagsasabi sa sarili ko na ‘kaw siguro ang susunod na si ganito o ganyan’ pero hanggang ngayon yung susundan ko raw ay andiyan pa rin, ha ha ha ha.”
Laban sa mister
At dahil weekends ang bagong show ni Regine sa Siete, may nakakapagsabing malaki ang chance na magiging katapat ng show niya ang show naman ng kanyang mister na si Ogie Alcasid sa Kapamilya Network?
“Twice a week makikita ang byuti namin nina Lani Misalucha, Ai Ai Delas Alas, at Joyce Pring, kasama na rin sina “Andre Paras at Christian Bautista.”
“Sa dami kasi ng mga contestants, kailangan talaga twice a week.”
“At sa pagtatapat namin ni Ogie Alcasid na nasa kabila na, ha ha ha ha ha, hindi ko sure, hindi ko alam yung time slot nila.”
“Talagang ganun kung magiging katapat namin yung show ni Ogie Alcasid,
“Eh, di ‘laban’”