Ni: Ana Paula A. Canua
ISANG hamon na pagsabayin ang pag-unlad at pagpreserba sa kagandahan at kalinisan ng ating kalikasan, lalo pa’t kasabay ng pagyakap sa modernong pamamaraan ay ang paggamit ng mga materyales na kalaunan ay nagiging basura.
Tinatawag na linear economy ang proseso ng pagproduce, paggamit at pagdispose ng mga napaglumaan at nasirang mga kagamitan. Lahat ng ating binili kapag naglaon ay magiging basura na at sa pagtagal kasabay ng ating lumalaking populasyon ay siya ring pagdami ng basura na hindi naman nareresiklo.
Ito ang dahilan kaya gustong simulan ng mga negosyante sa Cebu ang “Circular Economy”, kung saan lahat ng materyales at produkto ay maaring i-reuse. Sa ilalim nito, kasabay ng pag-unlad ay ang pangakong hindi maisasantabi ang kalikasan.
“In the linear economy, you produce, you use it and then you throw it away. With a circular economy, we want the people in the creative industry to produce items and encourage the reuse of it, so that we lessen our waste,” pahayag ni Patricia Mendoza, co-organizer ng Cebu Design Week.
Layunin din sa nangyaring Cebu Design Week na palawakin ang kaalaman ng mga negosyante para pangalagaan ang ating kapaligiran.
Tone-toneladang basura
Sa tala ng National Solid Waste Management Commission, nasa average na 0.7 kilogram na basura ang tinatapon ng isang tao kada araw, sinundan ito ng pag-aaral mula sa Asian Development Bank at sinabing papalo sa 35,000 tonelada ng basura ang nakokolekta sa buong bansa kada araw; 8,600 tonelada dito ay mula sa Metro Manila- ang tiinaguriang may pinakamaraming basura sa buong bansa.
Kung magiging bahagi ng mga kompanya ang adbokasiya ng sustainable waste management, maaring gawing alternative fuel ang mga basurang ito.
Kailangan ng batas at polisiya
Sa ngayon ang circular economy businesses ay hindi pa lubusang tinatanggap sa ating bansa, bakit? Dahil ang pagpapatupad nito ay nangangailangan ng malaking adjustment at investment sa mga kasalukuyang kompanya at negosyo.
Ilan sa mga nagtataguyod ng sustainable waste ma-nagement ang kompanyang Holcim cement na may geocycle arm na namamahala sa adbokasiya ng kompanya kung saan ginagamit nila ang basura bilang alternative fuel at resources sa pagggawa ng semento.
Samantala ang carpet ma-nufacturer sa Visayas na Interface ay binibili ang lumang fishing nets mula sa mga mangingisda upang gawing carpet tiles.
Isa rin sa mga nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan ay ang Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainability na nagtayo ng recycling plant na nagkakahalaga ng P25 milyon.
Kabilang sa alyansa na ito ang ilang multinational companies na Coca-Cola FEMSA Philippines, Liwayway Marketing, Monde Nissin, Nestle Philippines, Pepsi-Cola, Procter & Gamble, Unilever, Universal Robina, nagpahayag din ng pagsuporta ang Philippine Chamber of Commerce and Industry at ang Philippine Plastics Industry Association.
May kakayahan ang tinayong recycling plant na ipro-seso ang 150 toneladang basura kada taon na maaring gawing school chairs at recycled plastic products.
“PARMS is premised on developing and implemen-ting a holistic and comprehensive program to increase resource recovery and reduce landfill dependence, ayon sa pahayag ng organisayon.
Circular Economy sa Tourist Spots
Lubos na makikinabang ng malaki ang pagpapatupad ng circular economy sa mga tourist spots sa bansa pagkat hindi lamang sa mga malalaking kompanya maaring magkaroon ng sustainable solid waste plan, kahit ang mga maliliit na negosyo gaya ng furniture at restaurants ay maaring makiisa. Madali ring maabot ang hangarin na ito kung magbibigay ng interes ang local government units at ilang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng suporta at magsagawa ng mga programa at proyekto upang mahikayat ang mga local entrepreneurs na sundin ang itinakdang polisiya at alituntunin upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng kalikasan.
“We all know that resources are limited, that our climate is being affected by carbon emissions, and that our consumer behaviour may lead to greater problems in the future. Joining ideas and forces to tackle these challenges is an important step for coming generations.” paliwanag ni Christof Ehrhart na isang circular economy advocate.
“Companies have to rethink their business models, adopt systems thinking, redesign their products and processes, and explore reuse, remanufacturing and recycling.”
Hinikayat din ng EU ang kahalagahan ng circular economy pati na rin ang epekto nito sa maliit na kabuhayan.
“The circular economy boosts competition and competitiveness by protecting businesses against scarcity of resources and volatile prices, helping to create new business opportunities and innovative, more efficient ways of producing and consuming.”
Malaking kabawasan sa mga basurang nakokolekta ang pag-regulate ng plastic consumption sa mga pamilihan sa mga tourist spots lalo pa’t sa mga negosyo gaya ng kainan at souvenir shops kung saan malaking kasiraan sa kapaligiran ang mga hindi nabubulok na basura.
Suporta ng UN
Nagbigay naman ng $10,000 o nasa kalahating milyong piso ang United Nation (UN) Environment sa dalawang Pinoy entreprenuers bilang pondo sa negosyong makakalikasan.
Napili ang kanilang negosyo matapos ang ginanap na Asia Pacific Low Carbon Lifestyles Challenge in the Plastic Waste and Energy Efficiency.
Ayon kay Pamela Mejia, isa sa mga napili, ang kanyang negosyong textile recycling center na may layuning iconvert ang textile waste bilang high-value products gaya ng footwear at fashion accessories.
“The fashion industry is the second largest polluter in the world. Many consumers are unaware that a large chunk of their wardrobe is essentially plastic. More than 60% of the global fiber market is polyester. One single synthetic garment can release more than 1,900 microfibres per wash. Washing billions of garments every year has a devastating impact on our oceans”, wika ni Mejia.
Ayon naman kay Mark-Anthony Villaflor, isang hotel owner sa El Nido, Palawan, gagamitin niya ang nakuhang suporta upang ibahagi ang kahalagahan ng renewable energy at ecotourism sa Palawan, gamit ang solar panel guinea pig, kung saan nagiging makakalikasan ang pinagmumulan ng energy system sa mga hotel sa El Nido.
“Tourism development is often narrow minded, viewing tourists as short-term economic activity without consideration of long-term consequences on the community and the surrounding environment. And many businesses would like to be more responsible but don’t have the proper support in place. We want to show that the solutions to both problems are within reach, affordable and effective today,” paliwanag ni Villaflor.
Bahagi ng isang tourist spot ang mga mamamayan nito, kung magiging disiplinado at may malasakit sa kalikasan, malaking ginhawa ito upang mapakinabangan ng mahabang panahon ang ganda at biyaya ng kapaligiran.