CHERRY LIGHT
MAPAIT man ang karanasan ay mababahid pa rin sa kanilang mukha ang kasiyahan nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) galing Abu Dhabi UAE ang nasa 117 distressed Overseas Filipino Workers, karamihan sa mga umuwing batch ay mga biktima ng human trafficking.
Pagmamaltrato, over work, hindi tamang pagpapasuweldo, hindi makataong pagtrato sa kasambahay, run away at iba pa.
Ito ang halos pare-parehong salaysay ng mga umuwing undocumented overseas Filipino workers galing UAE.
Malungkot man ang karanasan ay masaya namang nakabalik sa Pilipinas ang mahigit isang daang distressed overseas Filipino na pawang mga galing sa Abu, Dhabi.
Lulan ng Philippine Airlines Flight PR 659 at lumapag sa NAIA airport terminal 2 ang nasa 117 repatriates.
Sa ekslusibong panayam ng SMNI, isa si Katryn ang kabilang sa biktima ng human trafficking na nagbakasali sa Abu Dhabi para sa inaasahang magandang kapalaran niya doon.
Dahil dito lesson na para sa kanya kung gaano kahirap ang magtrabaho lalo na’t kung hindi dokumentado.
Habang si Marites Dolendres ay tumakas din sa kanyang employer dahil kahit simula sa pagkamatay ng kanyang asawa at pagkalibing ay hindi sya pinayagang makauwi ng Pilipinas, masakit para sa kanya na hindi man lang niya nakapiling ang kanyang yumaong asawa kahit man lang sa huling hantungan.
Gayunpaman kahit umuwing walang naidala para sa kanilang pamilya ay nakahanda namang tumulong ang pamahalaan sa kanila.
Sinalubong sila ng mga opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, DFA, DSWD at maging ang TESDA para mag-alok ng libreng skills training program para sa umuwing Pinoy workers galing abroad.
Pansamantala munang itutuloy sa half way house ng OWWA ang mga Pinoy repatriates na walang mauuwian dito sa Manila habang pinoproseso naman ang kani-kanilang tiket pabalik ng probinsya.