Matapos kanselahin ni Pang. Duterte ang VFA sa pagitan ng dalawang bansa
JHOMEL SANTOS
MULING nagpaparamdam ang Amerika sa Pilipinas matapos tuluyang putulin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa oath taking ng mga bagong opisyal ng gobyerno, sinabi nito na nakipag-kita siya kay US Ambassador to the Philippines Sung Kim, at napag-usapan nila ang tungkol sa relasyon ng bansa at ng Amerika.
Bago nito, una nang nag-usap sina Philippine Ambassador to the U.S Jose Manuel Romualdez at Sung Kim upang magsagawa ng bagong kasunduan gaya ng VFA.
Matatandaang, pinutol ng pangulo ang VFA matapos na pagbawalan ng Estados Unidos na makapasok sa kanilang bansa ang mga nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila De Lima at pagkansela sa visa ni Senador Ronald “Bato” De La Rosa.
Sa ngayon, nananatili pa ang Mutual Defense Treaty at Enhanced Defense Cooperation Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.