JHOMEL SANTOS
IKINAGALAK ng Philippine Amusement Gaming Corporation o (PAGCOR) – ang hakbang ng Chinese embassy sa Pilipinas hinggil sa paghuli sa mga Chinese national na may criminal records at illegal na nagtratrabaho sa bansa.
Ang crackdown ay resulta ng regular na koordinasyon ng PAGCOR sa Chinese Embassy at iba’t ibang law enforcement agencies para masigurado ang pagpapatupad ng tamang regulasyon.
Bunsod ng naturang hakbang ng China, ang mga illegal Chinese workers na sangkot sa iba’t ibang cybercrime fraud, kabilang ang mga empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) ay mananagot na sa batas.
Dahil dito patuloy ang gagawing pakikipag-ugnayan ng PAGCOR sa Chinese Embassy at iba’t-ibang law enforcement agencies para tumulong na maaresto ang mga illegal aliens at maparusahan ang mga employers na nagkakanlong sa mga puganteng Intsik.